Sabado na at ngayon rin ire-release ang weekly news ng High Hit. Fuck! Kinakabahan ako. Pag talaga na feature 'yung issue namin ni Kard, made-deads ako nito. Kainis.
"Magandang araw, High Hit students! Isang linggo nanaman ang lumipas at marami nanaman akong ihahain na mainit-init pang balita para sa inyo. Ako ang inyong student counsel's news caster, Charm La Questa." Kinakabahan ako, halo-halo na 'yung rason ng pagka-takot ko. Alam kong pag na feature kami dito, matinding usapan nanaman 'to sa HHU, mga chismosa pa naman mga students dun.
Nagsimula na ang pagbibigay ng balita ni Charm, ilang minuto pa ay napunta na nga sa cute boys category ang segment. Sa segment na ito fini-feature ang mga bisexual or gay couples sa loob ng school.
Fuck.
"Panibagong CB couple nanaman ang spotted mga ka-hits. Ang sikat na tiktoker na si Xymie Kim Sarmiento at ang guitarist ng For You na si Kard Corpuz. Ayon sa mga naka kita ng moment ng dalawa, magka holding hands daw ito papuntang field ng school at spotted din silang kumakain ng sabay sa caf. What a cute couple, let's welcome #XyKar to the CB club!" Pumalakpak pa ito at nag outro na siya sa kaniyang video.
Patay ako nito, maraming makakakita ng video na 'to! Mga baliw ba sila? Pag-isipan ba naman kaming mag jowa ni Kard, tsk. Porket magka holding hands mag couple na agad? Mga shit ba sila?
"Ano nang gagawin mo niyan?" Tanong sa 'kin ni Marc.
Niyakap ko nalang ang spongebob pillow at sumagot sa kanya.
"I don't know, malalaman na ito ng lahat and the worst thing baka pati si kuya makapanood, alam kong college na siya pero nasa iisang university parin kami kaya sure akong ma i-inform din siya. If ever na malaman na nga niya papagalitan ako nun." Ginulo ni Marc ang buhok ko sabay ngiti ng tipid.
"Hindi magagalit sayo si kuya Xymon, wala ka namang ginawang ikakagalit niya."
"P-pero 'di ko pa nasasabing may nanliligaw sa 'kin." Natawa lang siya sa response ko.
"Alam mo Xyxy, ligaw lang 'yan 'di pa naman kayo 'di ba? Wala namang masamang magpa ligaw, attracted sa 'yo si Kard kaya gumawa siya ng paraan para maligawan ka. Mahirap kaya manligaw kung alam mo lang." Bigla akong napatingin sa kanya. May naligawan na pala siya?
"May nililigawan kana Marc?" I focused my gaze on him. Halos 'di siya makatingin ng diretso sa 'kin, bigla na lamamg niyang idinikit sa isa't-isa ang mga index fingers. Shy type pokemon yarn?
"Wala pa." I'm confused, sinabi niyang mahirap manligaw pero 'di naman pala nakakapagligaw. Amfee ha!
"Am-feeling mo ha may pa hirap-hirap ka pa diyang nalalaman eh wala ka pa palang naliligawan!" Tawang-tawa ako sa inasal niya. Parang tanga kasi.
"Heh... may gusto lang kasi akong ligawan, ang hirap kasing isipin kung pano siya ia-approach." His voice went on a serious tone. Nawala naman ang halakhak ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. So... it means may gusto siyang ligawan pero natotorpe siya?
Torpe, amp.
"So... 'yung bestfriend ko may crush na pala, sino naman kaya 'yang malas na babaeng 'yan at siya pa talaga ang naging crush ng isang torpeng Marcus Molina." Mas naging seryoso ang aura niya matapos 'kong dumaldal. Grabe naman parang mangangagat na langgam.
"Grabe ka sa 'kin."
"Char lang best, sino ba kasi 'yang lucky girl na 'yan?" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at niyugyog.
"Uhhh... stop it, actually... kasi," ang bagal niyang magsalita halos 3 seconds per word.
"Actually ano?" Namula bigla ang mga tenga niya kaya hinawakan ko ang mga ito. Grabe naman 'to mag blush, pati tenga nasasama.
"Sabihin mo na kasi Marc, namumula na 'yung mga tenga mo oh, ilabas mo na 'yan para mawala na ang hiya." Tinawanan ko siya. Medyo may inis na sa kanyang mga tingin ngayon, baka ma-pikon na sa 'kin.
"Stop laughing, crush ko kasi yung friend mo." Pikit mata niyang sambit. Friend of mine? Who?
"Sino dun?"
"'Yung kapatid ng manliligaw mo, eh kasi ang cute niya. 'Di ko naman ini-expect na ma la-love at first sight ako dun." Napa-pout pa ito matapos sabihin ang rason niya.
Oh my gosh si Kier ang crush ni Marcus!
"Sure 'yan? Crush mo siya?" Napuno kaagad ng excitement ang utak ko. What if sabihin ko kay Kier na may crush sa kanya si Marcus? E 'di... magiging living cupid ako nun!
"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko."
"Owemji Marcus! Sasabihin ko 'to kay Kier." Nanlaki bigla ang mga mata niya. Hinila niya ako sabay takip ng isang kamay niya sa bibig ko. Hindi ako maka hinga!
"No Xy! Wag mong sabihin, ako nang bahala mag confess ng feelings ko sa kanya." Napasabunot agad siya sa sariling buhok. Natawa nanaman ako sa inasal ng bestfriend kong torpe, aish.
"Ang cute mo Marc, support kita diyan sa pag confess mo kay Kier." Napangiti siya sa narinig at bigla akong niyakap. Hindi nanaman ako makahinga! Ang higpit ng yakap niya.
"Thankyou Xy, basta sa 'tin lang muna 'to huh, 'wag na 'wag mong sasabihin sa kanya. Hayaan mong ako mismo mag confess. First time ko 'to." I pinched his cheeks and smiled sweetly.
"I promise, I will never tell anyone about this." A cute smile formed on his lips.
Matapos naming mag chika ng kung ano-ano, nagpatuloy na kami sa panonood ng movie.
Excited na ako sa confession ni Marc. Malay natin 'di ba, baka may feelings din pala sa kanya si Kier. Oh 'di ba! Magiging living cupid na ako pag nangyari 'yon, ako ang magpapaka tulay para mas lumalim ang feelings nila sa isa't-isa.
'Di naman mahirap gustuhin si Marc at feeling ko may something din sa mga titig ni Kier sa kaniya. Excited na talaga ako para sa kanila!
:)
BINABASA MO ANG
For You (BL) [COMPLETE]
Teen Fiction[Band Series #1: For You] Xymie Kim, isang gay na certified social media influencer, especially sa tiktok. One day, nakatagpo siya ng isang photographer na naging dahilan upang magsimulang gumulo ang buhay niya. Siya si Kard, ang mapilyo at maginoon...