Umupo na kami sa table na inihanda niya at ang ganda talaga ng view dito, sobrang ganda talaga. May mga ilaw na nakapaligid sa amin, mga liwanag na nangagagaling sa syudad at idagdag mo pa 'yung malamig na simoy ng hangin, sobrang fresh like me!
"Hindi naman 'to matatawag na date kung walang food, 'di ba?" Tanong niya habang may dalang mga plastic at pizza box. Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa nakita, sino ba'ng hindi matatakam sa mga food na 'to? "Ayan, alam kong favorite na favorite mo 'yan HAHAHAHA, that's why I bought a lot for us, favorite ko na rin yata 'to e." Medyo hindi ko narinig ang mga sinabi niya basta ang focus ay naroon sa pagkain na nasa table haha,
Nilantakan ko na kaagad ang pizza at napansin ko namang nakatingin siya sa 'kin kaya inirapan ko lang siya sabay kuha ng isang slice ng pizza at iniharap sa kaniya. "'Wag mo nga akong titigan, oh heto! kumain ka na rin." Napangiti siya saglit hanggang sa sinubo na niya ang pizza na nasa kamay ko.
"Wow baby, nakikilig ako dito ha," hinawakan niya ang pulsuhan ko at kinagat ang pizza habang nakatitig pa rin sa 'kin. WTF?! Bakit parang ang hot niyang kumagat? Huhu, "If ice cream lang talaga ako, kanina pa ako natunaw sa kakatitig mo."
"Syempre! Ang handsome kaya ng boyfriend ko tapos 'di ko tititigan?" Agad kong napansin ang pag-iwas niya ng tingin. "Nahihiya ang boyfie ko, ang cute mo po," matapos kong sabihin 'yun ay napansin kong natahimik na siya kaya tinanong ko kaagad. "Oh bakit parang natahimik ka na?" He immediately pouted his lips as I caressed his cheek while he's chewing the food he eats.
"Xymie naman kasi, 'wag mo nga akong asarin, ang cute mo pag nang-aasar, tas naaano ako pa ako... fuck!" Napapikit siya bigla at napayuko.
Anong nangyayari sa lalaking 'to?
"Naaano ka? Mukha kang tanga, Kard." Tinawanan ko siya dahil mukha talaga siyang tanga HAHAHAHAH, nawala bigla ang tawa ko nang magsalita na ulit siya.
"Ikaw kasi... you're making me hard down there."
Wait, what?
O_o
Pagkatapos naming kumain napagdesisyunan muna naming magpahinga. Humiga kami sa blanket na inilatag niya sa damuhan, tanaw na tanaw namin ang mga nagkikislapang mga bituin sa posisyong 'to at hindi ko talaga maiwasang mamangha sa nakikita, this is such a nice and peaceful evening.
"Xyxy, ang ganda ng mga bituin no?" Sabi niya.
"Uhmmm," sagot ko habang nakapikit. Medyo dinadalaw na rin ako ng antok sa sitwasyong 'to.
***
Kard's POV:
"Alam mo ba Xy, matagal ko nang hinihintay ang araw na 'to, matagal ko nang pinlano na maangkin ka, na mapasagot ka. Naghihintay pa kasi ako ng tamang tyempo para tanungin ka, gusto ko kasi maging memorable para sa 'yo 'yung pag sagot mo sa 'kin. Ang saya ko talaga, hindi ko in-expect 'yung mga sinabi mo kanina." Napahinto ako sa kakakwento at naalala ko na naman 'yung scenario.