***
Charm's POV:
Kasalukuyan akong naglilinis ng dorm, bukas na kasi darating 'yung magiging roommate ko rito. Gusto ko siyang bigyan ng satisfaction dito sa pags-sstayan niya kaya inayos ko nang mabuti ang mga placement ng mga gamit.
Natapos na nga kanina ang guesting ni Xymie at Kard sa weekly news at na-edit ko na rin ang nasabing video. Ipo-post ko na lang bukas ang news at solve na ulit ang weekly job ko.
"Okay na ba 'to, Charm?" Tanong sa 'kin ni Ezei matapos niyang ilagay ang study table ko sa bandang corner ng kwarto.
"Okay na 'yan, ganda ng tignan." Malumanay kong pagkakasabi at ngumiti naman siya sa 'kin.
"Charm, maayos na bang pakiramdam mo? Ngayong gabi na ang huling beses na matutulog ako kasama mo, okay ka na ba?" Tanong niya sa 'kin at tumango lang ako nang mahina.
"Hmmm... yeah, okay na 'ko." Tipid kong sagot at napansin ko namang worried nanaman 'yung mga tingin niya sa 'kin.
"Don't worry, kaya ko naman ang sarili ko, Zei." Ngumiti ako nang bahagya at ngumiti rin naman siya pabalik. Ayokong mag-worry pa siya sa 'kin. Ang laki na kasi ng naitulong ni Ezeikiel sa 'kin. Halos gabi-gabi na nga niya akong pinapatahan sa pagiyak at palagi rin siyang may dalang tissue, para raw may pamunas ako ng luha.
Nagpatuloy kami sa pag-aayos at bigla namang nag-ring ang cellphone ni Ezei kaya agad niya itong sinagot.
"Ah Charm, may pinapabili si Shayne sa 'kin." Nagkamot siya ng ulo at napailing naman ako.
"Go na, kaya ko na 'to, mas kailangan ka ng girlfriend mo." Sabi ko sa kaniya at hinug naman niya ako bigla.
"The best ka talaga Charm, so pano? Alis na ako ha? Balik lang ako mamayang 7 pm. Mag mo-movie marathon tayo pag balik ko." nag paalam na nga siya at lumabas na agad ng pinto.
Nagpatuloy lang ako sa pag aayos at binuksan ko ang drawer para linisan. Bigla ko na lang nakita ang isang picture namin ni Phoenix na magkasama.
Napahinto ako sa paglilinis at umupo ako sa kama. Tutok na tutok lang ang mga mata ko sa picture hanggang sa bigla na lang may mga luhang pumapatak na nanggagaling dito.
"I'm sorry for not being enough Phoen, I'm sorry kasi 'di man lang kita nagawang pasayahin, inakala ko lang naman na sapat na ako sa isang katulad mo pero sorry talaga dahil 'di pa pala enough ang naibibigay kong pagmamahal... I'm really sorry Phoen, kakalimutan na kita k-kaya sana ingatan mo ang sarili mo... at sana mahanap mo na rin ang taong... magpapasaya sayo."
Muling bumuhos ang mga luha ko hanggang sa napahiga nalang ako sa kama at unti-unting nakatulog.
—————
"Charm gising, mag dinner na tayo." iminulat ko ang aking mga mata at si Ezei naman ang unang nakita ko.
"Sorry Eiz, nakatulog ako. Teka lang magluluto muna ako ng hapunan." Tatayo na sana ako nam paupuin niya akong muli.
"No need best, nag take out na ako ng kakainin natin kaya let's dig in." Inaya niya ako sa dining table at umupo ako nang dahan-dahan sa upuan.
Nagsimula kaming kumain at pagkatapos ng pag kain ay kinuha agad ni Ezei ang mga pinagkainan namin at dinala niya ito sa sink.
"Ako na diyan Eiz, ikaw nanga yung bumili ng dinner natin tas ikaw pa manghuhugas" sabi ko.
"Ako na rito Charm, konti lang naman ito. Iset-up mo na lang 'yung papanoorin nating movie." Sabi niya habang nanghuhugas ng pinggan.
"Okay."
Namili na nga ako ng papanoorin namin at naalala ko naman kaagad 'yung movie na ini suggest ni Shayne, 'yung titanic. Agad ko itong sinearch.
—————
"Grabe nakakaiyak naman itong movie na 'to, bakit ba namatay si Jack eh nagmamahalan naman silang dalawa ni Rose." Muling humagulgol si Ezei at ako naman itong nagpapatahan sa kaniya.
"Movie lang 'yan wag mo masyadong damdamin, at saka fictional characters lang sila. Hindi sila totoo." Hinagod kong muli ang likod niya at napatingin naman agad siya sa 'kin. Grabe talaga 'yung iyak niya mugtong-mugto mga mata niya.
"Bakit hindi ka affected?" Tanong niya habang umiiyak.
"Affected ako pero di ako naiiyak. Ang saya nga ng movie eh kasi kahit na namatay si Jack at least napatunayan nila sa isa't-isa na tunay silang nagmamahalan. 'Di rin nila iniwan ang isa't-isa kahit palubog na 'yung barko."
Matapos naming panoorin ang Titanic ay pareho na kaming inantok ni Ezei kaya 'di na kami nanood pa ng iba pang movie. Napagpasiyahan na lang naming matulog.
Habang nakahiga ako sa kama ay naalala ko na naman ang movie na pinanood namin kanina. Iniwan si Rose ni Jack kasi namatay siya pero hindi ako nalulungkot, kasi totoo ang pagmamahalan nila. Walang nagkulang sa kanila sa pagmamahal.
Kinuha ko sa bulsa ang picture namin ni Phoenix. Muling bumagsak ang mga luha sa mga mata ko hanggang sa unti-unti ko na lang naramdamang nakatulog na pala ako.
—————
Nagising ako nang umaga at hinanap ko naman si Ezei pero wala na siya sa room. Napansin ko naman na may nakadikit na sticky note sa noo ko kaya agad ko itong kinuha.
[Sorry Charm, hindi na kita ginising parang pagod na pagod ka kasi at maga na naman ang mga mata mo. Umiyak ka na naman 'no? Hawak mo pa ang picture niyo habang natutulog ka. Aish, Charm, nga pala nagluto na ako ng breakfast. Nandiyan sa ibabaw ng lamesa. Eatwell.]
Napangiti ako nang mabasa ko ang note. Kahit kailan talaga itong si Ezei napaka maasikaso. Napaka swerte ni Shayne sa kaniya, alam na alam ko na napaka buti ng kalooban ni Ezei at 'yan ang kina biliban ko sa kaniya. Buti na lang at siya ang naging kaibigan ko.
Dahan-dahan akong tumayo at naglinis ng sarili sa banyo. After kong gawin ang morning routine ay nag-breakfast na ako at hinugasan ang mga pinggan.
Pagkatapos ay pumunta ako sa harap ng laptop at pinost ang weekly news ng HHU.
Few moments later ay bigla na lang may kumatok sa pinto ng room ko kaya agad akong tumayo at pinagbuksan ito.
OH EM JI! Nasa harap ko si Tyzon Lim! Ang vocalist ng FOR YOU!
Tinignan ko siya sa mukha pababa sa mga gamit na dala niya.
"Ako nga pala 'yung bago mong roommate, nice to meet you, I'm Tyzon."
:>