FY 6

1.2K 54 0
                                    

"Be my boyfriend."


"Ha?" May karapatan naman akong magulat 'diba? Sino bang hindi magugulat sa tanong niya?


Bigla-biglang mag o-offer ng relationship, gago ba siya? 'Di ba niya iniisip kung anong mararamdaman ko? May sira ata sa utak 'tong lalaking 'to.


"If you'll let me be your boyfriend, then... I'll give it back to you right away." Nag eyebrow flashes nanaman siya, nakakairita na talaga.


"Hey, jerk!"


"My name is Kard." He smiled.


"Whatever your name is, you're still an asshole. Una sa lahat, naiwala ko yan okay? Pangalawa, hindi ikaw ang nakahanap at pangatlo, bina blackmail mo ba ako? Kasi kung oo, para kang baliw." Hindi ko na talaga kinaya ang inis ko. "I will never agree to your proposal, maghanap ka ng ibang karelasyon, wag ako okay? Ayokong mag jowa ng papansin at asungot na katulad mo. Got it?" Galit na galit kong saad na ikinagulat niya.


Natahimik kami ng ilang segundo, napayuko lang siya na para bang may tinitignan sa lupa.


"I'm sorry... Haha." he smiled fakely.


Nanatili lang akong tahimik, alam kong masyadong harsh na yung nasabi ko. Siguro na bother lang talaga ako, 'di kasi ako sanay na may umaaligid sa 'kin. Like, it's kinda weird okay?


"Ibigay mo na kasi sakin 'yan para matapos na ang usapan, para 'di na rin kita masabihan ng masasakit na salita." tinignan ko siya sa mga mata niya. Puno na ito ng lungkot, 'di katulad kanina na ang saya-saya pa nitong pagmasdan.


I just sighed, dahan-dahan naman niyang ini-aabot ang bracelet sa 'kin. Kukunin ko na sana ito kaso..


"Nasaktan ako sa mga sinabi mo, yes, masakit 'yun pero 'di parin ako susuko. You can't get it unless you'll agree." Ngumiti siyang muli at ibinalik ang bracelet sa loob ng bulsa niya.


Walang hiya amp, hindi na ako nainis pa, nakakapagod kasi magalit. Kumalma na lamang ako at napabuga ng malalim na hininga.


"Fine." I said then bigla naman siyang napasigaw.


"Yes!" Napatingin ako sa kanya at ang saya niyang pagmasdan sa mga oras na ito.


"So pumapayag kana?" Masigla niyang pagkakasabi.


"Hindi."


"Sabi mo fine?" he pouted his lips and looked directly on my eyes, ayshit, nagpapacute pa talaga ah. May gana pa talaga siyang magpa-cute.


Walanghiya ambilis niyang mag change ng mood. Bipolar ata 'to eh!


"Fine doesn't mean yes, okay?" My brows furrowed while saying those words. "Hindi kita ibo-boyfriend agad, but! Papayag akong magpaligaw." Mahabang litanya ko.

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon