FY 15

870 48 0
                                    

"Kuya kumain kana ba?" Tanong ko kay kuya Xymon sa telepono. Kakatapos lang kasi ng family dinner ng Corpuz family at pangalawang beses na rin 'tong dinner na kasama ako. Ansaya lang talaga nila kasama, lalo na si tita Gelai.


"Yes bunso, kasama ko si Tyzon at Phoenix dito sa bahay kaya wag ka nang mag alala." Napangiti naman ako sa sinabi niya. At least 'di ba nakakasigurado akong may kasama siya sa bahay at 'di siya ma-bobored dun.


"By the way bunso, anong oras ka uuwi?" Tanong ni kuya sa kabilang linya.


"Ah maya-maya kuya, 'wag kang mag alala kuya mga eight or eight-thirty uuwi na 'ko."


"Bunso may bagyong darating ngayon, baka maabutan kayo. Malakas na ang hangin dito mukhang malakas na ulan talaga 'to mamaya, magmadali na kayo baka maabutan pa kayo." Kuya is concerned right now at 'di ko naman siya masisisi. Napahinga na lang ako ng malalim at sumagot sa kanya.


"Okay kuya, uuwi na ako." Bigla akong napatingin sa screen ng cellphone ko nang bigla itong nag vibrate. Dead batt na, buti nalang tapos na 'yung usapan namin ni kuya. Matapos kong magpaalam ay tinawag ko na si Kard at lumapit naman kaagad siya sa 'kin.


"Oh anong problema? My princess." Tanong nito sa 'kin.


"Si kuya tumawag, pinapauwi na ako, kailangan ko na raw umuwi kasi may paparating daw na bagyo." Napangisi naman siya sa sinabi ko.


"Baby, bagyo lang 'yan, talo 'yan ng pagmamahal ko sa 'yo." My god, cringe. Kinurot ko siya sa tagiliran at napa aray naman ito.


"Baby ka diyan! At anong sinasabi mong talo ng pagmamahal mo ha! Anong laban nun sa bagyo?" Napa-iling lang siya at wari'y ginagaya ang mga sinasabi ko. Kinurot ko naman siya ulit dahil sa ginagawa niya. "Ikaw talaga puro ka biro, diyan ka na nga magpapaalam muna ako kay tita at tito." Tinulak ko siya nang bahagya at napa atras naman siya.


"Sabing mom and dad na lang ang itawag mo sa kanila eh." malakas na pagkakasabi niya sa likod ko at napalingon naman ako sa kanya.


"E 'di magpapaalam muna ako kay mommy and daddy." Nginitian ko siya at bahagya naman siyang natulala sa kinatatayuan niya. Tss...


Nasa loob na kami ng kotse ni Kard at nagmamaneho na siya para ihatid ako puwi ng bahay. Bakit ba kasi malayo-layo itong bahay nila sa 'min? Sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya ay biglang huminto ang sasakyan. Na sa may pinaka tahimik na lugar talaga kami huminto ah. napatingin ako sa kanya at siya rin ay nakatingin sa 'kin.


"Bakit tayo huminto? Anong meron?" Tanong ko sa kaniya.


"Nasira nanaman siguro 'yung makina, 'di ko pa kasi ito napapa-repair. Kahapon lang naman naganap 'yung pagkasira tas naging maayos naman ulit pero 'di ko alam na mangyayari pala ulit." Inirapan ko lang siya matapos niyang mag explain.


"Ayusin mo 'yan Kard, hindi tayo pwedeng ma-stranded dito, ayusin mo 'yan at 'wag kang babalik dito sa loob hangga't 'di mo pa 'yan naaayos." Mataray kong pagkakasabi habang nakataas pa ang kilay.


"O-okay aayusin ko na, wait ka lang dito ha." Sagot naman niya sa malambing na tono at nabawasan naman ang pagka inis ko dahil dun. Lumabas siya sa kotse at binuksan ang car hood na kung saan nakalagay ang engine. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa mini bag at chineck ito pero 'di ko na ma turn on, dead batt nga pala 'to.


Ilang minuto na ang lumipas pero 'di pa rin siya tapos sa ginagawa niya. Nagsimula naman ang pag patak ng ulan, ngunit parang wala lang sa kanya ang ulan. Tinanggal niya ang leather jacket niya at ginawa itong pang cover sa pumapatak na ulan. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan, hanggang sa mas lumakas ang pagbagsak ng ulan. Basang-basa na siya habang inaayos niya parin ang makina.


Huy papasukin mo na 'yan Xymie, ang bad mo talaga.


Oo nga ang bad mo, tignan mo siya oh. Nahihirapan na sa ginagawa niya.


Papasukin mo na siya, baka magkasakit pa 'yan eh, kawawa naman si Kard.


"Okay, 'wag niyo na akong pagtulungan gagawin ko naman 'yang sinasabi niyo eh." Napahinga muna ako nang malalim bago ako nagsalita.


"Pasok na dito basang-basa ka na oh!" 'Di niya ako pinansin bagkus ay naka focus lang ito sa ginagawa niya. Ano ba naman 'tong lalaking 'to.


"Pasok na sabi eh!" Sumigaw na ako this time pero 'di pa rin siya lumilingon sa 'kin. Aish, antigas ng ulo. Lumabas ako nang walang alinlangan sa kotse at ramdam ko na kaagad ang pagpatak ng ulan. Napatingin naman siya sa 'kin at bigla na lamang itong lumapit.


"Anong ginagawa mo? Nagpapaulan ka eh baka magkasakit ka niyan, balik doon, pasok." Mabilis niyang pagkakasabi at hinila ako ngunit nagmatigas naman ako.


"Ikaw rin pumasok kana." Mahinang pagkakasabi ko. "Sorry na, nasabi ko lang naman 'yun kasi nagmamaldita lang talaga ako." I hugged him tight at patuloy ko pa ring nararamdaman ang pagpatak ng ulan sa katawan ko, niyakap naman niya ako pabalik.


"Halika na, pumasok na tayo sa loob." Siya na mismong nagsabi at napaiyak naman ako sa nagawa ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganun at wala pang taong naging ganun sa 'kin, ni-hindi ko nga alam pano sumuyo eh, shuta.


Pagkapasok namin sa kotse ay niyakap niya akong muli. Kahit basang-basa ang katawan namin dahil sa ulan, Nakaka-feel pa rin naman ako ng body heat galing sa kanya, ang sarap nga sa feeling eh. He placed his head on my shoulder. Ramdam ko ang wetness at ang init ng katawan niya. Andami ko nang nararamdaman sa oras na 'to, 'yung pagtibok ng puso ko, bumibilis nanaman. Pumikit nalang ako at ninanamnam ang bawat sandali.


"Xymie, sorry talaga 'di ko naayos." Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa 'kin at wala sa sariling nagawa ko ang sumunod na pangyayari.


"Okay lang 'yun ipa-repair mo na lang bukas, dito nalang muna tayo ngayong gabi kung ganon." Hinawakan ko ang mukha niya, ang gandang pagmasdan ng mga mata niya. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya at parang huminto ang oras nang maramdaman ko ang pag didikit ng mga labi namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para gawin ito pero inaamin ko, nagugustuhan ko ang pakiramdam na 'to.


Nang matauhan ay tinulak ko siya bigla at napahawak naman ako sa labi ko.


"Anong ginawa mo sa 'kin?" Gulat kong saad at mabilisang paghinga ang bumalot sa loob ng sasakyan. Aish, ano itong ginawa ko?


My first kiss!


:)

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon