FY 31

710 35 1
                                    

***


Charm's POV:


Matapos naming magusap ng halos 1 hour ay napag pasiyahan na naming mag-shoot para sa weekly news. Sinimulan ko ang intro at ang mag-couple naman ay nagaantay lang ng kanilang queue.


"Magandang araw, High Hits! Isang linggo na naman ang nakalipas at marami na naman akong ihahaing mainit-init pang mga balita sa inyo. Ako ang inyong student counsel's news caster,  Charm La Questa!" 'Yon ang aking intro at inilahad ko na kaagad ang mga sumusunod na balita.


"Nagtapos ang music fest ng HHU at isang big surprise ang naganap sa naturang event, kasama ko ngayon ang newest BL couple ng High Hit! Here's Xymie Kim Sarmiento and Kard Corpuz!"

***


Xymie's POV:


Pumasok na kami ni Kard sa set ng weekly news at minaintain ko lang ang ngiti ko para pak na pak lang sa harap ng camera.


"So guys, anong feeling na kayo ang pinaka hottest couple ngayon sa High Hit? Andaming niyong fans at kumbaga nasa inyo ang spot light for today's video, how does it feel to be well known as a couple? Ano 'yung impact sa inyo." Nakasaad sa script na si Kard ang sasagot kaya nanatili lang muna akong nakangiti at tumatango habang dini-discuss niya 'yung happiness niya.


"Masaya! Masayang-masaya ako dahil saksi ang lahat sa pagpapasagot ko kay Xymie. Hindi naman sa gusto ko talagang i-public 'yung pagsagot niya sa 'kin pero gusto ko kasi maging memorable sa aming dalawa 'yung moment na 'yun at marami kaming witness sa pagmamahalan namin, transparency is a must para sa aming dalawa lalo na't marami siyang fans na sinusubaybayan ang buhay niya at saka... matagal ko na rin kasing pinlano na gawin 'yon at sa wakas napa-oo ko naman siya. Mahal na mahal ko 'to eh." Inakbayan niya kaagad ako at hinalikan sa pisngi. Oh my ghad Kard ang landi! I like it!


"For me naman, parang hindi pa talaga nasi-sink in sa utak ko 'yung mga nangyari. Hindi ko talaga 'yun in-expect and sa totoo lang din kasi, matagal ko na talagang gustong sagutin siya, 'di niya lang talaga ako tinatanong, wait, to clarify assumptions 'di ako atat ha, gusto ko lang na 'wag na siyang mapagod kaka-effort, sure naman kasi ako sa feelings ko sa kaniya." Lumingon ako kay Kard at timing naman talaga, nagkasalubong ang nga mukha namin. We're staring on each other's eyes at 'yung puso ko bumibilis na naman ang tibok. Lagi naman eh.


"Oh em ji! Ang sweet naman talaga ng ship natin guys! Nakakinggit naman." Muling salita ni Charm at napalayo naman kami ni Kard sa isa't-isa.


"'Wag ka nga masyadong dumikit nakakairita." Inirapan ko siya at panay naman ang ngiti niya.


"Eh gusto ko eh, 'wag ka nang umangal at alam ko rin namang gusto mo rin," shete! Nangiinit na naman 'yung mga pisngi ko.


"Teka lang guys, may tanong ang mga followers natin sa twitter, sagutin niyo lang ng honest okay ba yun?" Sabi ni Charm at tumango lang kami.


"So first question, galing kay Amari Spencer, 'Paano po kayo nagkakilala and paano po nag-start ang love story niyo? Curious po kasi kaming mga single.' Sino ang sasagot sa inyo?"


Napaisip ako sa tanong na nabanggit at bigla na lang pumasok sa isip ko 'yung scenario ng paguusap namin ni Kard sa park. 'Yun 'yung unang pagkikita namin at super napaka feelingero niya pa nung mga panahong 'yun, pero hanggang ngayon din naman feelingero pa rin siya.


"Una niya akong nakita sa park, I was busy capturing some beautiful things around that place, hawak ko 'yung camera ko at panay ang pag zu-zoom ko sa mga bagay-bagay. Bigla na lang akong natulala nang makita ko ang isang napaka gandang diwata, hindi ko 'yun in-expect. Ngumiti siya sa 'kin at dahil sa ngiting 'yun ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para lapitan at kilalanin siya." Mahabang pagkakasabi ni Kard at nag-follow up kaagad ako sa sinabi niya.


"Pero may lilinawin ako, hindi ikaw ang ninitian ko nun 'di ba? 'yung camera mo, hindi ikaw." Nagpipigil ako ng ngiti kaya inirapan ko siya naman ay tawa lang nang tawa hanggang sa magsalitang muli si Charm.


"Nakakakilig naman kayo, heto na ang second question, galing naman kay Yxian Weib-ford at para daw ang question kay Kard," napatingin kaagad ako kay Kard at ngumiti lang siya kay Charm. Si Yxian? Siya 'yung lalaking na basted ko 'di ba? Siya rin si Mr. K? Hmmmm... tumatak na siya isip ko kasi hindi ko talaga maisip na siya pala 'yung nagpakilala as number 1 fan ko. "Gaano mo kamahal si Xymie at papaano mo mapapatunayang mahal mo nga siya? Grabe naman 'tong tanong ni sender, seryosong-seryoso talaga parang admirer ni Xymie na nabasted 'yung vibe." Tama ka diyan siz.


Nanatili ang mga mata ko kay Kard at ngumiti naman siyang humarap sa 'kin.


Bigla niya akong hinalikan sa noo. "Hindi ko mae-explain pero kaya kong gawin upang mapatunayan."


Matapos niya akong halikan sa noo ay dahan-dahan naman niyang inilapit ang mga labi niya sa lips ko. Hahalikan na sana niya ako nang maalala kong nasa guesting pala kami, kaya natulak ko siya palayo. Tawang-tawa lang siya sa reaksiyon ko habang ako ay natahimik, nangiinit ang mga pisngi. Pag tingin ko kay Charm ay natulala siya sa sahig kaya tinawag ko kaagad siya.


"Charm?" Tanong ko at bumalik naman kaagad ang sistema niya.


"Ah yeah! What a nice answer coming from Kard." Habang nagsasalita si Charm sa camera ay napatingin naman ako kay Kard na ngayon ay panay ang ngiti sa 'kin.


"You look like a pervert, umayos ka." Kinurot ko siya sa legs at napa aray naman siya nang mahina.


"'Wag mo kong kurutin diyan, baka may tumayo." Bulong niya sa tenga ko at nanindig naman ang mga balahibo ko dahil dun. Walanghiya talaga 'tong lalaking toh!


Inirapan ko siya at muli namang nagsalita saamin si Charm.


"So heto na ang huling tanong, and para naman ito kay Xymie," Ngumiti ako sa camera at nagpatuloy si Charm sa pagsasalita. "Galing ang tanong kay mr. K," ano? Kakasagot lang ni Kard sa tanong ni Yxian tapos maypa tanong naman itong si Mr. K? Teka nga lang, baka naman hindi talaga si Yxian yung si Mr. K? Hmm... "Kailan mo na-realize na mahal mo na rin pala si Kard?"


Bigla akong napaisip dahil sa tanong, wala akong mahanap na sagot. Aish... hindi gumagana ang isip ko, napahinga ako nang malalim at tumingin muli sa camera.


"Hindi ko maibibigay ang specific answer diyan sa tanong mo Mr. K, hindi ko masabi kung kailan ba nagsimula ang realization pero isa lang ang masasabi ko, 'pag mahal ka ng isang tao, pahalagahan mo siya, give him a chance to prove himself to you at 'pag na feel mo na 'yung strange feels. 'Yan na nga 'yung taong gustong-gusto mong makasama, to spend your life with. 'Wag mong pigilan ang sarili mong magmahal, hayaan mo lang at sasaya ka rin sa huli. 'Wag isipin 'yung pain dahil pag may tiwala kayo sa isa't-isa tiyak na kayo talaga para sa isa't'isa, may pain pero may lovr rin." Mahabang sagot ko at bigla namang pumalakpak si Charm.


Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng lalaking mahal ko at ninamnam ko lang ang saya ng sandali.


Aish... I really love this guy.


:)

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon