FY FINALE

1.4K 50 22
                                    

Xymie's POV:

Grabe talaga 'yung nangyari kanina. Parang 'di ko na-control 'yung sarili ko, but anyway boyfriend ko naman siya at ginusto naman namin 'yun mangyaring dalawa. Sarap nga niyang isubo e, charot!

Kasalukuyan akong nakaupo sa blanket na nilatag ni Kard habang umiinom ng sprite at siya naman ay may kinuhang kung ano sa kotse.

"Ang tagal mo naman diyan." Sabi ko at lumabas kaagad siya sa kotse, suot ang napaka lawak niyang ngiti. Mukhang manyak eh HAHAHA,

"May surprise ako sa 'yo." Binigyan na naman niya ako ng napaka iconic niyang eyebrow flash.

"Oh, surprise again? Spoiled na spoiled na ako ng mga surprises mo." Sabi ko at hinila siya paupo.

Umayos naman siya ng pwesto at ibinigay niya sa 'kin ang librong dala-dala niya.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kaniya.

"That's my special surprise for you" napatingin muna ako sa kanya bago ko binuksan ang malaking libro na parang album.

'My number one model' 'yan ang nakalagay sa first page.

I moved to the next page and nakita ko ang isang picture ng isang student na tumatakbo sa corridor ng school.

'The first time I saw him'

Tinutukan ko ito nang mabuti hanggang sa mapagtanto kong ako pala ito.

"Teka lang, ako ba 'to?" Tanong ko at tumango kaagad siya.

"Ikaw kumuha nito?" Tanong ko ulit at nagsalita naman siya.

"'Yan 'yung first day nung 10th grade, naglalakad lang ako sa corridor niyan nang bigla akong mabangga ng isang grade 9 student. At first, inis na inis pa ako nun dahil ang lakas ng impact buti na lang 'di nahulog 'yung camera ko. 'Yung mga librong dala mo nun nagkalat sa sahig kaya tinulungan kita."

Flashback~

Nagkatitigan muna kami ng lalaking nakabanggaan ko, inaamin ko na nagugwapuhan kaagad ako sa kaniya. After few seconds, dali-dali ko nang kinuha ang mga librong dala ko at binigay naman niya sa 'kin ang isang libro.

"I'm sorry, nagmamadali kasi ako kaya 'di ko natignan 'yung dinadaanan ko." Paumanhin ko at tinignan pagkatapos ang relo ko. Shit! Male-late na 'ko!

Tumakbo na akong muli at iniwan ang lalaking nabangga ko.

-----

"Ikaw 'yun?!" Sigaw ko at isang nakakalokong ngiti lang ang respond niya.

"Aish... hindi ko agad naalala ang mukha mo."

I moved to the next page.

'The first time I asks his name' picture ko na naman. Ito 'yung kinuha niya sa central park. Naalala ko pa rin 'yung scenario nito.

Flashback~

"Hi Ma-"

"Ah, my name is Kard, Kard Corpuz. Ako 'yung photographer, I saw you smiling at me kaya nilapitan na kita."

"Ah excuse me mr?"

"Kard na lang."

-----

Bigla na lang akong napangiti sa naalala ko.

"Kilig ka na naman." Sabi ng lalaking nasa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya at bigla na lang akong natawa.

"You know what? Napaka assuming mo talaga rito. Hindi nga ikaw ang nginitian ko, 'yung camera mo kasi HAHAHAHAH," tawang-tawa lang ako hanggang sa nilipat niya sa susunod na pahina ang album.

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon