FY 5

1.1K 62 0
                                    

Hinanap ko sa classroom ang naiwala kong bracelet pero 'di ko na mahanap sa bawat sulok. Nawawalan na ako ng pag-asang mahanap kasi pati mga classmates ko, 'di rin nila makita kung nasaan.


"Xymie!" Napalingon ako sa paroroonan ng tumawag ng pangalan ko at napagtanto na si Kier pala ito.


"Kier! May nakita ka bang bracelet dito sa ibabaw ng table ko?" He just gave me a warm smile and a quick nod.


"Yes! Actually ibabalik ko na sana sa 'yo ngayon, kaso..." He's pouting right now.


"Kaso, what?"


"Kaso 'yung brother ko kasi, nasa kanya 'yung bracelet mo. Sabi pa niya kagabi na siya na daw mismo magbabalik sa 'yo, kaya ayun, binigay ko nalang din sa kanya."


"What?! Bakit mo naman binigay sa kanya? Do I know him? Sino ba 'yang kuya mo? Dapat ikaw nalang nagsauli sa 'kin." Medyo may inis na sa tono ng boses ko but Kier just patted my shoulder and smiled.


"He wants to talk with you kaya I gave him a chance para magkausap kayo." I just sighed from what he said.


"Kelan niya daw ako gustong makausap?" I have remained calm for now, ayokong mainis. Nakakapagod ma stress!


"Mamaya daw after class, susunduin ka niya dito." Ngumiti pa siya at nilapit ang bibig sa tenga ko. "Alam mo ba Xy, hindi pa nagkaka girlfriend si kuya and you know what? Ikaw palang ang alam ko na crush niya, shems! Kinikilig ako para sa kuya ko, Xy." Tumawa pa siya ng kaunti at napailing na lamang ako sa inakto niya.


"Sino ba kasi 'yang kuya mo?" Tanong ko ulit sa kanya.


"You will know it later."


Nakakaloka na ha! Sino ba kasi 'yang kuya niya? Pa-mysterious pa talaga amp, 'di na ako muling nag tanong pa sa kaniya kasi alam kong 'di rin naman niya sasagutin ng maayos ang mga tanong ko.


Pagkatapos ng klase namin, tinawagan ko kaagad si Marcus para sabihing 'di ako makakasabay sa kanya. Nirason ko nalang na magpapasundo ako kay kuya. Hanep! Ang galing mang rason ni Xymie.


"Basta sis hindi naman masamang tao ang kuya ko kaya wag kang mag-alala, safe na safe ka sa piling niya." He patted my shoulder and smiled again. Sinimangutan ko lang siya at natawa naman siya sa reaction ko.


Papaalis na sana siya nang bigla siyang lumingon ulit sakin.


"Oh! I almost forgot, paki sabi kay kuya na 'di ako sasabay sa kanya pauwi, mag tataxi nalang ako, bye!" Tumango nalang ako sa kanya hanggang sa umalis na nga siya ng tuluyan.


Nanatili muna akong nakaupo sa upuan ko at nag post nalang din ng draft video para sa tiktok post ko ngayong araw, sinusubukan ko kasing mag post ng at least 1 video per day.


"Tiktok nanaman, iba talaga pag dancerist." napalingon ako sa lalaking nagsalita. He was standing infront of me wearing his polo, pair of black trousers and black shoes. I could tell that he's actually a clean person and has a great smell, gwapo siya infairness.

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon