FY 14

939 42 0
                                    

***


Kier's POV:


Hey guys, Kier's here, ang bunso sa Corpuz brothers but well I'm their lil' sis. Chaka! Kinakabahan ako ngayon sa result ng exam, ito kasing si Xymie nakipagpustahan and I'm ready to take risk din naman haha, pero kinakabahan talaga ako sa result, well base kasi sa napag usapan namin, kapag ako ang may mas mataas na score, sasagutin na niya si kuya and super nakaka excite 'yun pero pag siya naman ang may mas mataas na score, lagot ako. Kailangan ko daw i-confess ang feelings ko kay Marcus! My gosh! Hindi pa ako ready para dun! Huhu, sana talaga ako ang manalo sa pustahan namin.


"Well Kier, maghanda ka na ng confession speech mo kasi alam kong ako ang makakakuha ng higher score." He snapped his fingers and it makes me gulp for some saliva. Xyxy naman eh, nagpapakaba.


"I-ikaw din mag h-handa ka na para sa big yes mo kay kuya." Natawa naman siya sa 'kin at napatahimik na kami nang isa isa nang binibigay ang mga test papers.


Nang maibigay na sa amin ang mga papel ay hindi muna namin ito tinignan. Kuya para sayo 'to, pasalamat ka sa 'kin mapapa-oo mo na ang nililigawan mo. Nagbilang si Xymie ng one to three at matapos niyang banggitin ang 3 ay sabay naming hinarap ang mga papers namin.


Napatingin kaming dalawa sa isa't isa at pinakita ang mga scores sa bawat isa. I got 90/100 then si Xymie naman ay nakakuha ng.. at tumigil ang mundo. Nakakuha siya ng 93. Naku po!


"Pano ba 'yan Kier, aasahan ko na 'yung speech mo ha." Sobrang laki ng ngiti niya sa 'kin. Napahinga ako ng malalim at napangiti ng napaka plastic. "Huy, 'wag kang mag-alala sabi ko nga 'd iba, nang ka-crush back naman 'yung si Marcus kaya don't you worry." He smiled at me kaya pinilit ko na rin ang sarili kong ngumiti nang maayos. Paano kung ma reject lang ako. Hays.


"Paano Xy, kung ayaw niya pala sa 'kin?" Malungkot kong pagkakasabi.


"Kier look, ito na ang chance mo, grab the opportunity, kung 'di ka man niya gusto e 'di hindi. Ang importante, nakapag confess ka." I sighed then he cheered me up with his brightful smile. "Kaya mo 'yan Kier, teka lang. Mag set na tayo ng date para ma-set up ko na rin 'yung place ng confession mo. Ako ng bahala sa venue haha," napa-face palm naman ako sa sinabi niya.


"Xy," tawag ko sa kanya.


"Yes, Kier?" Masayang tugon niya at napangiti naman ako dahil dito.


"Thank you nga pala sa pag support mo sa feelings ko kay Marcus ah,"


"Sis, you don't need to thank me. I'm your bestfriend naman at may tiwala naman ako sa 'yo. Actually bagay nga kayo ni Marcus eh kaya supported kita. Ship ko kayo eh." Napangiti ako sa mga sinabi niya. Hindi lang matalino si Xymie, mabait pa. Mabuti na lang at siya ang nagustuhan ni kuya.


"Thankyou talaga sis." He smiled again.


"Tama na nga 'yang pag te-thankyou, halika na, naghihintay na daw si Kard sa caf." Owemji! Kinikilig talaga ako sa tuwing sinasabi ni Xy 'yung name ni kuya. Feeling ko talaga may feelings na siya kay kuya eh, 3 weeks na simula nung nililigawan siya ni kuya and napapansin ko ngayon na parang comfortable na silang dalawa sa isa't-isa. Akala nga ng iba mag jowa na sila e. Well, sana maging ganyan din 'yung sa 'min ni Marcus. Sana lang talaga. 


***


Xymie's POV:


3 weeks na pala ang nakalipas. From that night we've talked, at 'yung condition thingy na naging lead into courtship. I know, I'm ma-attitude minsan pero nakakayanan niya 'yung ugali kong iyon which is nagpapa comfortable naman sa 'kin. Aish. I know parang ambilis naman ata pero masasabi ko nang may feelings na rin pala ako sa kaniya.


"Anlalim naman ata niyan." And speeking of that animal, andito nga pala siya sa harap ko.


"Wala 'to may iniisip lang ako." Bigla namang sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa mga labi niya.


"Hays Xymie, ako nanaman ba'ng iniisip mo? Grabe talaga ang hirap talaga pag gwapo laging iniisip eh," binatukan ko siya bigla dahil sa sinabi niya, natawa naman siya dahil dito. "Oh chill lang prinsesa, 'wag mo namang saktan ang prinsipe baka mabawasan 'yung kagwapuhan ko." He flashes his thick brows while smirking. Parang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya grabe. Lalaking 'to talaga andaming harot sa katawan.


Aminin mo na, gusto mo rin naman 'yan eh.


Halata naman oh, kitang-kita naman sa pag blush niya na nagugustuhan niya 'yung ginagawa sa kanya ni Kard.


Yie..... support!


Napailing naman ako sa pinagsasasabi ng utak ko. May improvement na ako ngayon, marunong na akong 'di sumagot sa sarili ko.


"Oh ayan na pala si Marc oh!" Nabasag ang katahimikan nang biglang mag salita si Kard. Nasabi ko na bang pinatawag ko dito si Marcus para makita niya si Kier? And also para makita rin ni Kier si Marcus. Hanep 'd iba? I'm officially alagad ni cupid now haha.


"Sup Kard, hey besty, h-hi Kier." Ngumiti siya sa 'ming tatlo at umupo siya sa upuan na kaharap kay Kier. Tinignan ko ang reaction ni Kier at napayuko lang ito. Binaling ko naman ang paningin ko kay Marcus at namumula naman ang mga tenga nito. Ang cute talaga ng ship ko!


"Ehem... aalis muna ako para bumili ng food, Kard samahan mo 'ko, taga bitbit ka." Hinila ko si Kard paalis sa table at naiwan naman si Marcus at Kier doon.


Actually, nakipag pustahan rin kasi ako kay Marcus. Nanalo ako sa pustahan namin dun  sa paramihan ng likes nung ginawa naming dance video sa tiktok kaya ako ang may dare sa kaniya. Sinabihan ko siya na pag nanalo ako, yayayain niya si Kier na makipag date sa kanya and now, my plan is actually working! Dun mismo sa date nila mag co-confess si Kier at kapag nakapag confess na siya. Susunod na sa plano ang lahat. I'm so excited!


"Yey, taga bitbit ako!" May baliw pa pala akong kasama dito.


:)

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon