FY 22

738 35 0
                                    

***


Charm's POV:


"Magandang araw, High Hits! Isang linggo na naman ang lumipas at marami na naman akong ihahain na mainit-init pang balita sa inyo. Ako ang inyong student council's news caster cutie and charming, Charm La Questa!" Muli na naman akong magbibigay ng mga bagong balita sa mga estudyante ng High Hit University.


Ako nga pala si Charm La Questa, 18 years old at kasalukuyan akong first year college ng High Hit U. Teka lang guys, tatapusin ko lang itong pag-shoshoot ko ng video, friday na kasi ngayon at dapat matapos ko na ang pag-shoot at pag-edit ng video para mai-post ko na ang weekly news bukas.


"Next week na magaganap ang pag-perform ng school's band sa HHU kaya, kitakits guys!" 'Yun ang panghuling balita na tinake ko ngayong gabi. Aish... nakakapagod mag salita nang ilang minuto sa harap ng camera parang napagod ang panga ko. Mag e-edit na sana ako ng video nang may biglang kumatok sa pinto ng dorm ko. Nagtataka naman akong napapunta dito at tinanong ko muna kung sino 'yun.


"Sino 'yan?"


"It's me, your baby." Tunog lasing na pagkakasabi ng isang lalaki at alam ko naman kung sino 'yun, si Phoenix.


Binuksan ko ang pintuan at tumambad siya sa harap ko, lasing na lasing.


"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah at bakit ka na naman lasing ha?" Boyfriend ko si Phoenix pero minsan ko lang siyang makitang lasing na lasing katulad nito.


"Baby, I love you so much," bigla niya akong tinulak na nagresulta upang dumikit ako sa pader. Medyo masakit 'yung pagkakatulak niya. Nagulat ako nang bigla niya na lamang ini-lock ang pinto at napatingin siya sa 'kin na parang may binabalak.


"Phoenix, anong gagawin mo?" Nakatingin lang ako sa mga mata niyang dilat na dilat. Nakakatakot pagmasdan ang mga mata niya. Puno ito ng kakaibang pagnais, nakakakilabot na para siyang isang gutom na hayop na gusto akong lapain.


"Baby, let's just have some fun." Pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso ko habang palapit nang palapit naman siya papunta sa 'kin. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito, aaminin ko natatakot na talaga ako ngayon.


"Phoenix, please napagusapan na natin 'to, hindi ko pa maibibigay ang gusto mo, sorry." Bigla na lang mas lumaki ang pagkaka dilat ng kaniyang mga mata. Namumuo dito ang galit na ngayon ko lang nakita.


"No Charm, 1 year na tayong mag-boyfriend pero ni minsan 'di mo pa talaga ako pinapayagang ma-kiss ka at ni minsan 'di pa kita natitikmang malandi ka," bigla niyang hinawakan ang mga braso ko at pilit niyang dinidikit ang katawan niya sa 'kin. Halos 'di ako makagalaw sa pwesto ko. 


Bakit Phoen? Pano mo nagagawa sa 'kin 'to? Gusto ko mang sumigaw ay parang 'di ko naman magawa. Walang lumalabas na mga salita sa bibig ko.


Marahas niyang pinag-hahalikan ang leeg ko. Nagpumiglas naman ako sa pinag-gagagawa niya ngunit mas malakas ang katawan niya kaysa sa 'kin kaya 'di ko man lang siya magawang pigilan sa ginagawa niya. Ang magagawa ko na lamang sa sandaling 'to ay umiyak, hindi ko alam kung paano niya nagagawa sakin ito, hindi ko alam kung bakit na lang biglang nagkaganito.


Katawan lang ba talaga ang habol niya sa 'kin? Mas dumami ang pag patak ng luha ko at dahan-dahan namang tumigil si Phoenix sa ginagawa niya. Binitawan niya ang mga braso ko at napatingin siya sa mukha ko. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa kaniya pero sa sandaling 'to alam kong galit ako sa ginawa niya.


"I-I'm sorry Charm 'di ko sinasadya, promise 'di ko ta---" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nag sampalin ko siya bigla.


"Anong hindi sinasadya?! Dalawang beses mo 'kong tinulak sa pader, ilang minuto mo 'kong pinaghahalikan sa leeg at pilit kong makawala sa pagkakahawak mo pero 'di ko magawa! Tapos sasabihin mo sa 'kin ngayon na 'di mo sinasadya?" Mas bumuhos ang mga luha ko nang hawakan niya ang mga kamay ko.


"Sorry na baby, 'di ko talaga sinasadya." Pilit niya akong binibigyan ng ngiti pero 'di ko na talaga kaya, nasampal ko siya nang malakas.


"Tinawag mo 'kong malandi tas, 'di mo pa rin sinasadya?!" Alam kong napapasigaw na ako pero wala akong pakialam. Nasasaktan ako ngayon at sana aware naman siya don.


"Bakit ka nanonood ng Football? Para makakita ng mga gwapong lalaki ha? Para mapanood mo 'yung mga football players na pinagnanasaan mo? Para magpapansin? Para makalandi ka?" Nagulat ako sa sinabi niya.


Hindi ko alam kung saan niya kinukuha 'yung mga sinasabi niya. Bakit niya ako pinag-iisipan ng masama? Wala naman akong ginagawang masama. Sasampalin ko na naman sana siyang muli pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.


"2 slaps... that's enough, isang sampal pa at papatulugin na talaga kita ng suntok." Mas bumuhos ang mga luha ko nang tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napaupo ako sa sahig, halos maubos na ang lakas ko kakakiyak.


"Alis," sabi ko nang mahina. 'Di naman siya umalis kaya inulit ko ito. "ALIS!" Sigaw ko at mukhang narinig naman niya. Nakayuko lang ako habang dahan-dahan siyang naglalakad papalabas ng pinto. "Break na tayo, wag ka nang babalik at magpapakita sa buhay ko!" Sigaw ko at alam kong narinig niya 'yun. Lumabas na siya sa pinto at narinig ko pa ang huling sinabi niya.


"Bahala ka sa buhay mo! Break na kung break! Madali ka namang palitan!" Pagkatapos nun ay isang kalabog nang pagsara ng pinto ang nangyari.


Patuloy lang ako sa pag-iyak, 'di ko inaasahang mapupunta sa ganito ang lahat. Hindi ko inaasahang ganun pala siya. 1 year kaming mag boyfriend ni Phoenix pero ngayon ko lang siya nakitang ganun. Ang sakit ng mga sinabi niya. Siguro tama nga ang sinabi ni Ezei sa 'kin na hindi talaga si Phoenix ang lalaking para sa 'kin. Napahiga ako sa sahig at di ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak.


Ang sakit talaga.


:)

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon