CW: Sexual
***
Kard's POV:
One month na ang nakalipas simula nung maging kami ni Xymie. Today is our first monthsary, and may surprise ako sa kaniya.
"Teka lang, saan ba kasi tayo pupunta?" Hawak ko ang kamay niya habang kami ay patuloy na naglalakad. Naka blindfold siya at ako naman ay naka focus lang sa aming nilalakaran.
"Malapit na tayo, 'wag kang mag-alala." sabi ko at ilang sandali pa ay narating na nga namin ang lugar.
Lugar na kung saan nakalibing ang kaniyang pinakamamahal na ina. Plinano ko talaga na dalhin siya rito sa first monthsary namin. Gusto kong ipakilala niya ako sa mommy niya.
"Andito na tayo," sabi ko at dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatakip ng blindfold sa mga mata niya.
Natulala muna siya nang halos sampung segundo bago siya umupo sa damuhan at umupo rin ako sa tabi niya at nilagay ang bulaklak na sunflower sa tabi ng tombstone.
"Bakit 'di mo sinabing dito pala tayo pupunta?" Tanong niya.
"Wala lang para surprise, hi nga pala mommy... ako nga po pala si Kard ang mapapangasawa—aray." Hindi ko natapos ang pagpapakilala ko nang bigla niya lang akong kinurot sa tagiliran.
"Ma... ito po si Kard, boyfriend ko." Sabi niya at napatingin naman ako sa kanya.
"Alam mo po ma... bukod sa 'yo, kay kuya at kay daddy, si Kard lang po nakaka intindi sa ugali kong napaka maldita. Ewan ko nga ma kung bakit mahal na mahal pa rin ako nito kahit ganito ugali ko." Napayuko siya at tinignan ang bracelet na nasa kaliwang braso niya.
Nanahimik lang ako habang nagmamasid sa ginagawa't sinasabi niya. 'Di ko maiwasang mapangiti sa mga sinabi niya. Parang natutunaw ang puso ko.
"Ma... thankyou nga pala rito sa bracelet na niregalo mo sa 'kin, dahil dito nagkakilala kami ng asungot na lalaking 'to." Ipinulupot niya bigla ang mga kamay niya sa braso ko. Hindi ako kinikilig ha.
"Mommy, wag po kayong mag-alala. Araw-araw ko pong papasayahin ang prinsesa niyo. Sa kaniya lang po ako magmamahal nang lubos panghabang buhay. Wala na po akong hihilingin pa sa buhay ko kung 'di ang makasama ang anak niyo, salamat po sa pagbuo sa kany—aray!" Muli niya akong kinurot at inirapan.
"Kung saan-saan napupunta mga sinasabi mo." Nakakatigas 'yung tingin niya, parang pusa.
"S-sorry naman."
Ilang minuto pa kaming nantili sa sementeryo hanggang sa mapag desisyunan na naming pumunta sa 'High Hill'. 'Yun na ang tawag namin dun sa lugar na lagi naming pinupuntahan at dun din nangyari ang first official date namin. Nag-request din kasi siya na dun daw kami tumambay sa hapon hanggang gumabi. Gusto niya rin daw maligo sa malinis na ilog na katabi ng nasabing lugar.
***
Xymie's POV:
Nandito na nga kami sa High Hill. Ang presko talaga ng hangin tsaka ang ganda ng tanawin.
"Oh magbihis kana, dun na tayo sa ilog 'di ba gusto mong maligo ro'n?" Sabay turo niya sa ilog.
"Teka lang umalis ka diyan." Tinulak ko siya nang mahina para makapasok ako sa kotse. Nagbihis ako ng sexy shorts at saka v-neck white shirt, tinali ko sa gitnang part para maging fit sakin.
"Oh mag bihis ka n—" lumabas na ako ng kotse at 'di ko inaasahang topless na siya at boxers na lang ang natitrang suot sa katawan niya.
From head to ughmmm... toe. Shit! This guy is a totally hot mess.. myghad Xymie umayos ka, gaga!