FY 12

945 45 0
                                    

Bago kami umalis sa bahay ay nag lunch muna kami kasama si kuya Xymon, ang haba ng usapan nila ni Kard ha, parang antagal na nilang magkakilala. Matapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay kuya na aalis na kami.


"Ingatan mo 'yang kapatid ko, 'di ko pa yan nasasaktan, kaya 'pag ikaw sinaktan mo 'to, malalagot ka sa 'kin." Napatingin naman ako kay kuya at natawa. Kakaiba talaga siya mag concern, haha!


"Don't worry brother, 'di ko po sasaktan ang prinsesa niyo, na prinsesa ko na rin." Tinakpan ko bigla ang mga tenga ko dahil naki-cringe nanaman ako sa pinagsasasabi niya.


"Magsitigil na nga kayo, gagawa lang naman kami ni Kier ng project eh, ano ba kayo?" Natawa naman ang dalawang lalaki sa harapan ko kaya umalis nalang ako sa harap nila at pumunta sa labas. 


Sumunod sa 'kin si Kard at tinungo namin ang kotse niya at magkabilang pumasok roon. Sa kalagitnaan ng byahe ay bigla kong naalala ang mga nangyari kanina kaya napatingin ako kay Kard na ngayon ay nagmamaneho.


"Teka nga lang, anong ginawa mo kay kuya ba't support siya agad sayo, ha." Napangiti naman siya sa tanong ko at nagpatuloy pa rin sa pagmamaneho.


"Gwapo kasi ako kaya nagustuhan kaagad ako ni brother." Nagkatingin kami saglit at nginisihan niya ako.


"Aba.. ang hangin mo talaga, hindi naman ganiyan si Kier at kuya Kiel ah, sa'n mo ba namana 'yang kahanginan mo?" Napasulyap siya sa 'kin at napangiting muli.


"Makikilala mo na sina mama at papa mamaya 'wag kang mag alala, malalaman mo na kung saan ko namana itong kagwapuhan, kabaitan, kakisigan, kasara---"


"Oo na, oo na! Nakaka-cringe mga sinasabi mo, nagsisitayuan mga balahibo ko, jusko Kard." Natawa lang siya sa mga sinabi ko at napaiwas ako ng tingin.


Heto nanaman eh, sa tuwing nasusulyapan kong nakangiti o tumatawa siya parang may strange feels, 'yung pag tibok ng puso ko bumibilis. Aish. Pero wait, seryoso ba siya dun sa sinabi niyang ipapakilala raw niya ako sa mga magulang niya? Baliw ba siya? 'Di pa nga kami magjowa eh ipapakilala na agad, amf. Pero sabagay, ang OA ko naman talaga, pakilala nga 'di ba? Hindi naman sinabing ipapakilala as jowabels. Tanga.


"Oh halika na, kanina pa kita napapansing tulala, may problema ba?" Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at napatingin naman ako sa kanya. Lumabas na ako at sumunod sa kanya papasok ng bahay nila. Infairness maganda 'yung bahay nila ah, I like it!


Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng bahay. Ang ganda lang talaga, napaka cozy. Bet ko 'yung style at 'yung mga furnitures.


"Uy Xy! You're here na pala. Okay ka lang ba? Halika dun tayo gumawa ng project sa lib room nalagay ko na 'yung mga materials natin dun." Tumango lang ako at dinala ako ni Kier papuntang lib room ng bahay nila. Library room, in short lib room.


Inilapag ko ang mini bag ko sa lamesa at napaupo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinimulan ko na ang proyekto namin. Sa kalagitnaan ng pag paint namin ay bigla kong naalala ang mga sinabi sa 'kin ni Marcus about dun sa feelings niya kay Kier.

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon