FY 18

875 38 2
                                    

***


Kier's POV:


"Ayan bagay sa 'yo, ito ang susuotin mo mamaya ha, wait, teka lang maghahanap pa ako ng mga cute na damit dun baka may mas cute pa akong mahanap na babagay sa 'yo."  Sabi ni Xymie at naghanap pa nga siya ng mga damit para sa susuotin ko mamaya sa date namin ni Marc. Yes. Tama ang nababasa niyo, mamaya na nga ang date namin and kinakabahan ako. Bakit ba kasi ako niyaya ni Marc na makipag date? Parang ang weird naman, may possibility ba na gusto niya rin ako? Agrrr... I hate my mind, pinapaasa ko lang sarili ko eh! Pumunta na ako sa counter at binayaran ang mga piniling damit ni Xyxy para sa 'kin.


"Pero, what if nga may gusto rin siya sa 'kin?" My god, I hate my mind!


***


Xymie's POV:


Iniwan ko muna sa isang sulok si Kier para makausap ko si Kard sa telepono, siya kasi ang kasama ni Marcus ngayon, magpapapogi si Marcus para sa date nila mamaya ni Kier, matagal na kayang pogi ang bestfriend ko. Ewan ko ba dun kay Kard, nung una ayaw na ayaw niya kay Marcus kasi nagpanggap itong boyfriend ko tapos ngayon na nalaman niyang mag de-date pala ito sa kapatid niya, parang ang supportive! Grabe ha, ang bilis magbago ng isip!


"Oh kamusta diyan?" Ako nang unang nagsalita.


"Okay lang naman, pero ako, 'di ako okay, nami-miss na kasi kita, my princess." Nag pa-cute pa talaga siya ng tono ng boses, mukhang tanga talaga.


"Umayos ka nga,  siguraduhin mo lang na malalaglag ang panga ko pag nakita ko mamaya si Marc ha." Natawa naman siya sa sinabi ko.


"Baka pag ako nga makita mo mamaya eh... baka malaglag 'yang undies mo." WHAT THE HECK?


"Hindi ikaw ang bida ngayon okay? Si Marc at Kier ang may moment dito, tumahimik ka nga dami mong alam!" Tumawa naman siyang muli.


"Hindi man ako ang bida ngayon, at least ako ang bida diyan sa puso mo yieee..." aba! Nakakarami na 'tong lalaking 'to ah.


"Shut up, mamaya na ako ulit tatawag mag papaganda pa kami ni Kier, bye!" Tinapos ko na ang tawag at napaisip naman ako bigla. Naalala ko hindi pala crossdresser si Kier, ako rin naman hindi. Kaya siguro gagawin ko nalang siyang mas cute tignan tutal.. bagay din naman 'yun sa personality niya.


Bumalik ako sa kung saan ko iniwan si Kier at nakita ko naman siyang may kausap na isang familiar na lalaki. Lumapit ako sa kanila at napalingon sa akin ang lalaking may napaka familiar na mukha.


"Xyxy!" Sigaw niya at napalapit naman saakin ito. Bigla niya akong niyakap at taka naman akong napatingin sa kaniya.


"Naaalala mo ba ako? Ako si Yxian, ako 'yung crush mo nung elementary, parang bumaliktad nga ang sitwasyon ngayon ako naman kasi 'yung may crush sa 'yo ngayon eh, akalain mo 'yun ang famous mo na ngayon sa tiktok noh? Sa susunod mag collab naman tayo oh." Na-loading naman ang utak ko, inaalala ko kung sino ba siya at paano niya nasasabing crush ko siya nung elementary. Baliw ba siya o may sayad?


"Teka nga lang, Yxian right? First of all. 'Di kita maalala, pangalawa, wala akong maalalang may crush ako nung elementary and pangatlo, 'di ako nagkaka-crush ng basta-basta."


"Ah sorry naman, kamusta ka na nga pala?" Tanong niya sa 'kin at ngumiti lang ako.


"Okay lang naman, actually nagmamadali nga ako ngayon eh." Napatingin muna ako kay Kier at nakita ko namang nabayaran niya na ang mga damit kaya tinawag ko siya. "Kier, halika na marami pa tayong gagawin." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay umalis na kami sa boutique na 'yun at iniwan ang lalaking Yxian daw ang name at schoolmate ko raw siya nung elementary, weird.


"Kilala mo ba 'yun, Xy?" Tanong sa 'kin ni Kier nang makalayo na kami sa lugar.


"Ewan ko ba kung sino 'yun, kung makapag sabi na crush ko raw siya nung elementary parang kilala ko talaga siya. Eh, wala nga ako masyadong friends nung elementary, crush pa kaya?" Mahabang sagot ko.


"Baka stalker mo 'yun sis, or baka schoolmate mo noon na may crush sa 'yo. Nako.. 'wag ka na dun Xy, kay kuya ka nalang." 'Di na ako muling nagsalita at pumunta na kami sa isang salon. 


Mabilis lang natapos ang pagpapa-enhance namin ng look kay Kier. Maraming inayos sa kaniya like 'yung kilay niya, buhok, at tinuruan ko rin siya ng mga posture at galaw na pang maganda. Pak! Ganda ka sis?


"Nandiyan na ba kayo sa venue?" Tanong ko kay Kard sa telepono.


"Oo, kanina pa kami nandito, kayo talagang mga pusong babae noh antatagal niyong kumilos."


"Duh.. papunta naman na kami diyan by the way." Matapos kong sabihin 'yun ay binabaan ko na ng tawag ang mokong. Akala niya ha, siya lang marunong nung pambababa ng telepono. Tsk, ako rin!


"Halika na Kier, sigurado akong nandun na sa venue si Marcus." Grabe napapa-sanaol lang talaga ako sa first date nila parang kasal na kung makapag prepare eh, 'yung samin ni Kard, tamang kain-kain lang. Napangiti naman ako bigla sa naalala ko.


Yieee... miss niya na si fafa Kard!


My gosh, Xymie, umayos ka ha para kang tanga kung ngumiti.


Napahawak naman ako bigla sa bibig ko at napalingon sa paligid. Buti nalang walang nakakita na ngumingiti ako.


***


Kier's POV:


Napaka dilim ng paligid, grabe ba't ba kasi kailagan pa nila akong i-blindfold? Dahan dahan akong inilalayan ni Xyxy para bumaba ng kotse. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa marinig ko ang familiar na song na nag p-play ngayon.


NP: Bubbly // Colbie Caillat


'I've been awake for a while now
You've got me feelin' like a child now
'Cause every time I see your bubbly face
I get the tingles in a silly place'


Biglang nag pause ang kanta at tumahimik ang paligid. Nakatayo lang ako at biglang may bumulong sa 'kin


"Tanggalin mo na 'yang blindfold." Bulong ng kung sino sa tenga ko. Si Xyxy ba 'yun? Bakit parang kinakabahan ako? 'Yung puso ko bumibilis ang pag tibok. Ano ba.. ba't parang mas bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundo na lumilipas. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkaka blindfold at bigla na lamang akong namangha sa nakita ko.


"I-is it real?" Unti-unting dumausdos ang patak ng mga luha dahil sa saya na aking nararamdaman.


:)

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon