FY 7

1.1K 57 0
                                    

Buti na lamang at 'di masyadong makulit manligaw si Kard. Nag goodmorning lang siya sa 'kin kaninang umaga and after nun 'di na siya muling tumawag.


Bakit ko ba kasi binigay 'yung cellphone number ko? Aish.


Kasama ko ngayon si Kier papuntang cafeteria, nagpasama kasi akong kumain, 'di ko na naabutan si Marcus kasi nakapunta na ito sa classroom niya, dun sa kabilang building.


Nang makapasok kami sa caf agaw pansin na kaagad ang tingin ng mga tao sa 'kin. I know it na, ito na ata 'yung 'issues attack day number 1.'


Umupo kami sa may corner part ng caf para naman hindi masyadong agaw pansin sa crowd. Feeling ko tuloy artista na ako walang hiya kasalanan 'to nung Kard na 'yon!


Tatayo na sana ako para bumili ng pagkain nang may biglang humarap sa 'kin, nakatingin lang ako sa mukha niyang nakangiti saka ito umupo sa tabi ko. Yes, tama ang hinala niyo, si Kard nga ito.


Umupo ako ng maayos at napatingin sa dala niyang food tray na inilapag niya sa table. Napatingin akong muli sa mukha niya at naka smile parin ito. Taka naman akong napatingin sa pagkain na dala niya.


"Uh... magtititigan lang ba tayo dito? Itigil niyo na 'yan, okay? Gutom na rin ako kaya let's eat na." Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Kier.


"Here, I know you want it." Nilagay niya sa harap ko ang sprite in can, chocolate cake at strawberry ice cream. Ang weird ng food combination na 'to ha pero nakakapagtaka, favorite ko lahat ng 'to.


"Okay, thanks." Dahil sa gutom ay 'di na ako tumaggi sa binigay niyang pagkain.


Nagsimula namang kumain ng chocolate cake si Kier at kinain ko muna ang ice cream. 'Di ko na siya muling pinansin at nag focus nalang ako sa pag kain.


"Did you like it?" Biglang tanong niya sa 'kin, humarap kaagad ako sa kanya. I smiled a bit and lend him the sprite in can he bought for me.


"Binibigay mo sakin?" Biglang lumaki ang mga singkit niyang mata at mas nilakihan ko pa ang smile.


"Hmmm... nope, papa-bukas ko lang sa 'yo, baka kasi mabulunan pa ako pag wala akong naiinom." Bumalik naman sa ayos ang mukha niya, nakakatawa lang tignan parang tanga.


Kinuha niya sa kamay ko ang sprite saka niya ito binuksan. Kukunin ko na sana sa kanya nang bigla niya itong inumin. Walang hiya! 'Kala ko pa naman binigay na niya talaga sa 'kin.


"Oh heto, nabuksan ko na."


"Ayoko na niyan, sa 'yo na yan tutal ikaw naman bumili at ininom mo na rin, iw.. ayokong magka indirect kiss sa 'yo, okay?" Inirapan ko lang siya.


"Ow... kawawa ka naman kuya, 'di ka man lang makagawa ng maganda kay Xymie." Tinawanan lang siya ng kapatid niya. "Sis balik na ako sa classroom ha, may gagawin pa pala akong assignment, kumain ka nalang muna diyan, gutom ka remember?" Tumayo naman si Kier saka ito naglakad papalayo.


Naiwan kami ni Kard sa table at napapansin kong mas lumalakas na ang bulong-bulongan sa paligid at halos nakatingin na sa 'min lahat ng mga students sa loob ng caf. Binilisan ko nalang ang pagkain ng chocolate cake hanggang sa mabulunan ako.


"Dahan-dahan lang sa pag kain." Pagkasabing pagkasabi niya palang nun ay nararamdaman kong nabubulunan na talaga ako. This feeling sucks! Hirap huminga shit.


Dahan-dahan akong napa-head turn sa kanya. My eyes are widely open, nagkatitigan kami ng ilang segundo hanggang sa agawin ko sa kamay niya ang sprite. Mabilis pa sa alas kwatro ang pag inom ko dito. Hingal na hingal akong napahawak sa dibdib ko.


"Ayan kasi sinabing wag bilisan, ayan tuloy nabulunan." Tinawanan lang niya ako habang ginugulo ang buhok ko. I slightly slapped his hand kaya napatigil ito sa pang gugulo ng buhok ko. Muli kong ininom ang sprite habang nakatingin sa kanya, ngumiti naman ito ng nakakaasar.


"Enjoying the indirect kiss, huh?" He smirked.


Umirap ako sa kaniya sabay sabing, "whatever." Natatawa nanaman siyang muli saka niya ako inayang umalis.


"Tapos ka na namang kumain, hali kana, hatid na kita sa classroom mo." Tumango lang ako at tumayo. Siguro kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko na may maghahatid sakin, aish.


Mas tumindi ang bulung-bulungan sa paligid nang magsimula na kaming maglakad palabas ng caf. Napahinga nalang ako ng malalim at napatingin kay Kard.


"Ini-enjoy mo ba 'to?" Tanong ko sa kanya.


"Ang alin?" Napatingin siya sa 'kin pero diretso lang ang paningin ko sa daan.


"Ito, 'yung mga bulung-bulungan, the rumors about us, are you enjoying this moment?" Napatingin ako sa kanya at napahinga naman siya ng malalim bago siya muling nagsalita.


"Sa totoo lang, 'di ko na pinapansin 'yung mga naririnig ko, 'di naman kasi sila ang nanliligaw sa 'yo at wala naman akong pakialam kung anong sabihin nila. Sa 'yo lang naman ako naka focus."


"Marunong ka din palang sumagot ng seryoso?" Napatingin siya sa 'kin habang ngumingiti.


"Napapadalas 'yung pag joke at pangaasar ko sa 'yo, but trust me, I'm really serious in this courtship, I'm serious in pursuing you." Napatigil ako sa paglakad at napalingon sa kanya. 'Di ko namalayang tumatakbo na pala ako.


My gosh hinahabol ako ng mga puso!


"Kaloka."


:)

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon