"Punta ka mamaya sa laro ko ha, aasahan kita. Magkaka energy kasi ako 'pag nandun ka. Siguradong mapapanalo ko ang laro!" Matapos niyang magsalita ay nagpaalam na siya sa 'kin at pumunta na sa kaniyang classroom.
Tumungo naman ako sa upuan ko at nag check muna ng social meedia accounts, halos draft nalang ang napo-post ko ngayon sa tiktok. Medyo busy na rin kasi ako nowadays, 'daming ginagawa sa school e. Nag scroll pa ako sa IG nang bigla ko namang nakita ang isang post na tungkol kay Kard.
'Maghanda na kayo girls and pa-girls, maglalaro nanaman mamaya ang football heartthrob natin! Kard Corpuz y'all'
Ano nanaman 'to? Bakit ba andami niyang fans, amp, magtutumpukan nanaman ang mga fan girls niya mamaya. Inis kong tinurn off ang cellphone ko at tyempo namang nakarating na ang lecturer namin kaya nakinig nalang ako sa discussion.
"GO KARD! GO KARD! GO KARD!" Andaming nagsisigawang fans ni Kard dito. My gosh! 'di ba dapat i-cheer ang buong team? Hindi 'yung magsi-simp lang kayo sa isang member, tsk!
"Xyxy," biglang may tumawag sa 'kin, si Marcus pala. Perfect timing, magkaka-moment nanaman sila ni Kier. Remember? Alagad ako ni Cupid, haha!
"Oh besty, dito kana umupo sa tabi ko, usog dun Kier." Kinindatan ko pa si Kier at nahiya naman siya't napangiti. Umupo sa gitna namin si Marcus at ang ibang students naman ay napatingin sa kaniya. Wow! Famous nga rin pala 'tong bestfriend ko grabe! Parang mababali na kakalingon 'yung leeg ng mga students e.
Bumalik ang focus ko sa laro at napapansin kong time-to-time ang pag lingon niya sa bleachers. Hindi rin siya masyadong energetic mag laro para bang walang gana. Lumingon siyang muli sa bleachers, hinahanap ba niya ako? Nagulat nalang ako nang biglang magsitinginan sa 'kin ang mga students.
"Anong ginawa ko? Bakit ganyan kayo makatingin sa 'kin?" Nagtatakang tanong ko at may bigla namang sumagot.
"Sis, i-cheer mo na 'yung jowa mo, halatang hinahanap ka oh." Parang nagulat naman ako sa nagsalita. Si Charm La Questa kasi 'yung sumagot, siya 'yung news caster ng High Hit News.
"Kailangan ko ba talagang gawin 'yan?" Matapos kong sabihin 'yun ay napatango naman ang lahat ng mga students na nakatingin sa 'kin. Ano 'to? Pinagtutulungan ako?
"Tumayo kana diyan at I-cheer mo na si Kard, jowa mo siya 'di ba?" Muling nagsalita si Charm.
"'Di kami mag jowa okay?" Parang sasabog na ako sa galit dahil sa pinagsasabi nitong Charm na 'yo. Senior ko nga siya pero wala siyang karapatan na pangunahan ang status namin ni Kard!
"Okay akala ko kasi... sorry dun sa news. 'Di pa pala kayo mag-on, 'di bale gagawa ako ng correction dun sa news and 'pag nagkataon na naging kayo, I'll feature you." Mahinahong pagkakasabi niya at patuloy pa rin ang pagsulyap saakin ng mga students. lalo na 'yung nagtutumpukang fans club ni Kard.
Okay gagawin ko na 'to, sana naman marinig niya, kasi 'pag hindi, bahala na siya sa buhay niya isang beses ko lang 'tong gagawin sa life ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at binigyan naman ako ng isang banner ng isa sa mga fans ni Kard. Sa akin nalang daw tutal fan din naman daw ako. 'Di ako fan, amp.
"GO KARD CORPUZ! KAPAG 'YAN HINDI MO NAI-PANALO... HINDI NA KITA SASAGUTIN!" Nanatili akong nakatayo at parang natahimik naman ang paligid. Ilang segundo pa lumipas ay napa yieeee naman ang mga students sa paligid. Dumapo ang tingin ko kay Kard na ngayon ay nakatingin na rin sa 'kin, nakangiti.
Umupo ako ulit sa kinauupuan ko at napansin kong masaya na si Kard sa paglalaro. Okay din naman pala' yung ginawa ko, hindi na masama. Pero wait, aish... ba't 'yun 'yung mga sinabi ko?
***
Kier's POV:
Gulat kaming lahat sa sinabi ni Xy, grabe ang lakas ng boses niya parang naka megaphone! Shemay nakikilig ako sa sinabi niya kay kuya! Aaahhh... 'di ko napansing nakahawak na pala ako sa braso ng katabi ko. Teka nga lang sino nga ulit ito? Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak sa braso niya at napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Ayy hala, sorry Marc, 'di ko sinasadya." My god Kier! Anong ginagawa mo? Kung saan-saan ka kasi humahawak ayan tuloy...
"Ah hindi, okay lang." Ngumiti siya sa 'kin. Shemay! 'Yung puso ko parang sasabog!
"Ah... eh... ih... oh... sorry talaga." Matapos kong sabihin 'yon ay nabigla nalang ako nang mapansin kong naka hawak pa rin pala ako sa braso niya. Ano ka ba Kier, ano ba 'tong ginagawa mo? Mabilis kong inalis ang kamay ko sa kaniya ngunit mas nagulat ako nang ibalik niya ulit ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya.
Lord, ito na ba 'yun?
"'Wag mo nang alisin, nahawakan mo nanga, papakawalan mo pa." Sh-shemay! Feeling ko pulang-pula na ang mukha ko. Nagkatinginan muna kami at may bigla namang um-ehem, alam na alam kong si Xymie 'yun. Napatingin ako kay Xymie at nakangiti ito na parang nang-aasar.
***
Xymie's POV:
Ano 'tong nakikita ko? Oh my gosh, moment ng Marcus and Kier!
"Ehem," malakas na pagkakasabi ko at napatingin naman sa 'kin si Kier kaya nginitian ko lang ito ng pang-asar. May harot din pala ito sa katawan si Kier, akala ko talaga shy shy shy lang meron siya.
Natapos na ang laro at masaya kaming bumaba sa field upang malapitan si Kard. Panalo ang team nila at ang saya lang talaga ,ngayon lang din ako nakapanood ng football game at okay din pala maging fan.
Nakangiti siyang nakatingin sa 'kin at inabutan ko naman kaagad siya ng bottled water. Akala ko kukunin niya ang sa 'kin, imbes ang plastic bottle ang hawakan, kamay ko ang hinawakan niya at hinila niya ako palapit sa kaniya. Napayakap siya sa 'kin at parang nanigas naman ako ng mga eight seconds. Inilayo ko ang katawan niya sa 'kin at tinignan ko siya sa mukha.
"Pawisan ka na nga tas yayakapin mo pa 'ko? Very wrong." Natawa kaagad siya sa sinabi ko at ginulo niya ang buhok ko. Yumuko siya sa 'kin at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.
"Thankyou nga pala sa pag cheer." Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya at napa yieee naman si Kier sa 'min kaya napatingin ako sa kanya. Natahimik naman siya at ako naman ang natawa.
Tatahimik ka o ilalaglag kita?
:)