"So gaano na kayo katagal nitong anak ko." Napalunok naman ako sa tanong ng mommy ni Kard. Halos 'di ako makatingin sa mga mata ng parents niya. Nahihiya't natatakot ako ng slight.
"Ma naman, tinatakot niyo si Xymie, ma uulitin ko, 'di pa po kami ni Xymie, I'm still his suitor." Pandedepensa ni Kard at dahan-dahan namang naglakbay ang kamay nito sa ibaba ng lamesa. Anlakas ng loob niyang hawakan ang kamay ko. Kinurot ko bigla ang kamay niya kaya agad siyang napa-aray.
"Okay ka lang Kard? Anong nangyayari sayo?" Tanong ni kuya Kiel sa kanya. By the way, kumpleto pala ngayon ang pamilya nila. Nandito sa hapag ang buong Corpuz family at narito rin si Sheen.
"Okay lang ako." nag hand sign pa siya at muling sumubo ng pagkain. Ako naman ay mahinahong kumakain at 'di alam kung ano ba dapat ang gagawin. Nahihiya talaga ako sa parents ni Kard.
"Xymie," tawag sa 'kin ni tito Drew.
"Po?" I respond.
"Kung sakaling magloko 'tong anak ko sa 'yo sabihin mo lang, uupakan ko agad 'to." Matapos iyong sabihin ni tito ay bigla nalang tumawa ang lahat except sa amin ni Kard. Napalingon naman ako kay Kard na walang ginawa kung 'di mag focus sa pagkain.
"Daddy tama na, 'yung anak mo oh nahihiya na sa nililigawan niya." And that's it, natawa ako sa sinabi ni tita. Napatingin naman silang lahat sa 'kin. Nawala ang tawa ko nang mapansin kong na sa 'kin na pala ang tigin nila. Nakakahiya.
"Hindi lang maganda itong soon to be jowa ni Kard, ang cute din palang tumawa." Pumalakpak pa si tita matapos niya iyong sabihin. Nahiya naman ako ng tuluyan, grabeng pamilya 'to ang saya kasama.
"Wag ka nang mahiya sa 'min Xymie, mom at dad nalang din itawag mo sa 'min." Napangiti naman ako sa sinabi ni tito. At least nawala na 'yung kaba ko.
"Matanong ko lang Xy, nasaan ba mga parents mo? Mag kwento ka naman." Pangungumbinsi ni tita sa 'kin at napangiti naman ako sa kanila.
"Si daddy po na sa South Korea, he's managing our family business there at si mommy naman po deads na, malungkot pong isipin na nawalan na po kami ng mother pero me and my older brother nakakayanan naman po namin kahit wala na siya, meron pa naman kaming dad at kahit 'di naman po namin siya laging kasama, ramdam naman po naming love kami ni dad." Mahabang litanya ko at nakakagulat lang kasi tumahimik silang lahat.
"Grabe naiiyak ako, wait nga lang kukuha ako tissue sa taas." Mangiyak-ngiyak na pagkakasabi ni tita at tahimik namang nakinig sa kaniya ang lahat.
"Xymie anak, don't worry, from now on, you have a new pair of beautiful and handsome parents and we're ready to take care of you, kagaya nitong si Sheen, mahal na mahal namin siya dahil mahal siya ng anak namin kaya ikaw mamahalin ka rin namin kasi mahal ka ni Kard, kaya kayong dalawa mahalin niyo ang isa't-isa. Kilala ko naman 'tong gwapong anak ko kaya alam kong aalagaan at mamahalin ka niya ng totoo." Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang mga sinabi ni tito. Kard must be so happy kasi may mga magulang siyang napaka supportive at puno ng pagmamahal.
"I'm back... grabe 'wag na nga tayong mag topic ng malulungkot, naiiyak ako eh, dun naman tayo sa kung paano kayo nagka kilala." Bigla na lamang nag change mood ang lahat matapos iyong sabihin ni tita. Nagkatinginan muna kami ni Kard at na pa 'yieee' naman ang lahat. Grabe na talaga 'to.
"Ganito kasi 'yun, kumukuha kasi ako ng litrato nun nang biglang may nahagip na DIWATA ang camera ko." Kinindatan ako ni Kard at napa 'yieee' ulit ang lahat. My gosh, Kard.
"That's my boy." Masayang pagkakasabi ni tito at natawa naman si tita sa kanya. Nagpatuloy naman sa pag ku-kwento si Kard at ako naman ay uminom muna ng tubig.
"Habang kinukuhanan ko siya ng picture nun, bigla na lamang siyang humarap sa camera ko at nag smile, 'yun na ata ang pinaka magandang smile na nakita ko. Alam ko na sa mga oras na 'yun ay may crush na sa 'kin si Xymie." Naibuga ko bigla ang iniinom kong tubig sa kanya. Natawa naman ang lahat at nag peace sign kaagad ako at nag sorry.
"Xymie, here." Ini-abot ni tita ang tissue sa 'kin na kanina pa niya dala-dala. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. Never in my life na may nabugahan ako ng iniinom ko. Kadiri ka self. Kadiri ka, ew....
"Hoy ang hangin mo ha, kailan pa kita naging crush? Uulitin ko, hindi ikaw ang nginingitian ko nun okay? 'Yung camera mo." Napa 'yieee' naman ulit ang lahat matapos akong magsalita.
"Xy! Grabe na talaga kilig ko sa inyo makapag jowa na nga." Bglang sabi ni Kier at binatukan naman siya kaagad ni kuya Kiel.
"Dad oh! 'Yung bunso niyo jowang-jowa na." Natawa naman kami sa panunumbong ng kapatid.
"Kier, bago ka magjowa ipakilala mo muna sa 'min ah, kagaya nitong kina kuya Kard mo. Gusto naming ma-sure na nasa tamang tao ka kaya ipakilala mo muna." Sabi ni tito kay Kier.
Masasabi kong mabubuting magulang sina tito Drew at tita Gelai. 'Yung mindset nila, iba sa ibang magulang. Hindi nila sinasakal ang mga anak nila pero 'di rin naman nila pinababayaan. Sinisigurado lang nila 'yung kasiyahan at security ng mga anak nila. What a very nice parents. Mahaba-haba pa ang napag chikahan namin hanggang sa napagpasiyahan ko nang umuwi.
"Halika na, ihahatid na kita."
:)