'It starts in my toes and I crinkle my nose
Wherever it goes, I always know
That you make me smile, please stay for a while now
Just take your time, wherever you go'
Napaluha na lamang ako dahil sa sobrang saya na nadarama. I'm not expecting this moment, nandito ang family ko at pati na rin ang lalaking gusto ko! Ang ganda ng paligid, ang mga bituin sa langit at ang mga kumikinang na mga ilaw na nakapaligid sa amin, lahat maganda, sobrang ganda! Natulala ako sa lalaking na sa harap ko na dahan-dahang naglalakad papunta sa 'kin.
'But what am I gonna say
When you make me feel this way
I just... mmm'
Patuloy na umaagos ang mga munting luha sa mga mata ko. Hinawakan naman niya ang mukha ko at tinanggal ang mga luhang dahan-dahang pumapatak.
"Tahan na, 'wag ka nang umiyak. Bakit ka ba umiiyak? Tahan na." Napahawak ako sa damit niya at pilit siyang pinag susuntok nang mahina.
"Ikaw kasi, ikaw kasi, bakit 'di mo sinabing andito sina mama at papa? Date lang naman 'to 'di ba?" Hinawakan naman niya ang mga kamay ko at dahan-dahan itong nilalagay sa balikat niya.
"Hush... i-enjoy mo na lang muna ang moment, mamaya ka na mag tanong," he suddenly grabbed my waist. "Sumayaw muna tayo." Bulong niyang muli sa tenga ko. Agr... nanghihina ang mga tuhod ko!
'And it starts in my toes
Makes me crinkle my nose
Wherever it goes
I always know
That you make me smile
Please stay for a while
Now just take your time
Wherever you go'
Sumabay ang mga katawan namin sa ritmo ng musika habang ang mga mata naman namin ay malagkit lang na nakatingin sa bawat isa. 'Yung puso ko, parang sasabog na sa sobrang bilis ng pagkakatibok.
'Dada dumdudum dumdadadadadum
Ohbodododododododum mmm mmm'
Isa ito sa mga pinaka masayang sandali ng buhay ko. Seeing my parents dancing like a newlywed couple. Tapos 'yung mga kapatid ko kasayaw rin ang mga minamahal nila. Tapos ako, hindi ko in-expect na makakasayaw ko rin ang lalaking matagal ko ng gusto. My heart is very happy right now.
'I've been asleep for a while now
You tuck me in just like a child now
'Cause every time you hold me in your arms
I'm comfortable enough to feel your warmth'
"May itatanong sana ako sa 'yo Kier, I expected na sasagot ka ng oo kaya sana oo ang sagot mo." Nakatanaw ako sa mga mapupungay niyang mga mata at tumango.
"Anong tanong ba?" Mahinang pagkakasabi ko pero sure naman akong narinig niya ito. Kita ko sa adams apple niya na napalunok muna siya bago siya nag salita.
"P-pwede ba kitang l-ligawan?" 'Yung puso ko biglang mas bumilis ang pag tibok dahil sa mga salitang binigkas ng bibig niya. "Can I?" Please help, 'yung tuhod ko nanginginig... 'di ko na alam ang gagawin.
Bigla ko na lang siyang niyakap at napasabi ng "Oo, pwedeng-pwede."
'It starts in my soul
And I lose all control
When you kiss my nose
The feeling shows
'Cause you make me smile
Baby, just take your time
Now holdin' me tight'
Niyakap naman niya ako pabalik at narinig ko nalang ang mga ingayan ng nakapaligid sa 'min.
'Wherever, wherever, wherever you go
Wherever, wherever, wherever you go'
I'm so happy, hindi lang dahil sa nalamang kong may feelings din sa 'kin ang taong gusto ko pero dahil, nandito ang pamilya ko na handang sumuporta sa kaligayahan ko.
'Wherever you go
I always know
'Cause you make me smile
Even just for a while'
Muli akong naiyak sa sandaling naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
***
Xymie's POV:
Naiinggit ako sa courting proposal ni Marcus kay Kier, napaka sweet ng moment. Eh 'yung sa amin ni Kard parang napilitan pa ako. Napatingin ako sa bracelet na suot suot ko. Kung hindi ko siguro ito naiwala, hindi rin ako aabot dito. I mean, hindi ko makikilala ng lubos si Kard, hindi naman siya mahirap gustuhin pero ang weird lang talaga dahil nagsimula lang sa condition thingy 'yung story. Aish, basta naiinggit pa rin ako sa dalawang magkayakap ngayon sa harap namin. But well, masayang-masaya ako sa kanila, akalain mo 'yun? Ako ang naging susi para makapag confess sila sa bawat isa. Pati tuloy ako naiiyak.
"Oh heto panyo baka umiyak ka nang tuluyan diyan." Biglang sabi ng lalaking katabi ko, napatingin naman ako sa kanya at bigla niya na lamang akong dinala sa isang table na may dalawang magkaharap na upuan. Umupo naman ako at tumingin muli sa magkayap na Marcus at Kier.
"Hey, baka naiingit ka na, sorry ka hindi ako ganyan ka sweet man-trato," I just gave him a death glare.
"Oh 'wag ka namang magalit, heto inuman muna tayo." Bigla siyang may kinuha sa ibaba ng table at inilapag ito sa lamesa. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Alam kong miss mo na rin 'to, ayan inuman tayo ng sprite tas pulutan natin 'yung pizza haha, nandito sina mommy pagbabawalan tayo pag nag beer tayo." Tawa pa siya nang tawa saka niya binuksan ang dalawang sprite in-can at binigay sa 'kin ang isa.
Napangiti naman ako at napailing sa trip niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba naming nagawa ang trip na ito. Sa tuwing nag de-date kami, ay wait 'di yun date, usapan lang 'yun. So, sa tuwing may usapan kami na kami lang dalawa, ito talaga 'yung pinapabili ko sa kaniya. I just love it.
"Akalain mo 'yun, napunta sa point na 'to ang lahat. Buti nalang may lakas loob si Marcus na magpakilala kina tita Gelai at---"
"Ehem," bigla niyang sabi.
"I mean, buti na lang may lakas loob si Marcus na magpakilala kina Mommy Gelai at Daddy Drew." Napangiti naman siya sa pang-uulit ko.
"Gustong gusto ko talaga kung paano mo tawaging mommy and daddy ang parents ko, lakas talaga ng tama mo sa 'kin." Inirapan ko lang siya at bigla naman siyang natawa.
"Edi wow sa 'yo!" Ininom ko na ang sprite na binigay niya sa 'kin at napatingin naman ako sa pamilyang nagsasaya.
Si Mommy Gelai, Daddy Drew, si Kuya Kiel, si Sheen at 'yung dalawang magkayakap, ang saya pala ng ganito.
"Sana ganito 'lagi."
:)