FY 23

794 37 0
                                    

Matapos ang gabing 'yon ay 'di ko na muling nakita si Phoenix kahit saan. Naka blocked ang lahat ng accounts ko sa kaniya kaya pati sa social media ay 'di ko na rin siya mahanap.


"Heto tissue baka gusto mo pa," binigay sa 'kin ni Ezei ang box ng tissue at nagpatuloy naman sa pag agos ang luha ko.


"Ezei, sabi ni Phoenix and dali ko lang daw palitan. Hindi ko ma-explain 'yung nararamdaman ko pero ansakit, sobrang sakit." Napahawak ako sa dibdib ko, parang pinupunit ang puso ko. 3 days na ang nakalipas ngunit ang sakit pa rin. Halos gabi-gabi akong 'di makatulog nang maayos dahil sa kakaiyak.


"Charm, pagpahingahin mo na muna 'yang puso mo. Kung lagi mo lang iisipin mas lalo ka lang rin masasaktan." Hindi ko alam kung makakayanan ko bang 'wag isipin na sa halos lahat ng mga bagay na nakikita ko sa paligid, si Phoenix kaagad ang naaalala ko.


***


Xymie's POV:


Nandito kami ngayon ni Kier at Marcus sa music room ng HHU, nanonood kasi kami ng rehearsals ng band nila Kard. Mag-peperform sila this upcoming saturday night dito rin sa loob ng HHU, music fest kasi namin sa saturday at sila ang mag-peperform na live band. Hindi na rin kasi kailangan pang kumuha ng sikat na band ang school namin kasi nasa saamin naman ang isa sa mga hottest band ngayon sa social media. Guitarist si Kard sa banda, vocalist naman si Kuya Tyzon at 'yung ibang members nila, 'di ko na kilala.


"Xy, bili muna tayo ng drinks, nakakauhaw eh," sabi ni Kier at tumayo naman kami ni Marcus at sumunod sa kanya.


"Ah Marc, Kier, kayo na lang muna ang bumili susunod na lang ako sa inyo dun sa caf, basta alam niyo na kung ano yung sa 'kin, magba-banyo lang ako." Tumango naman ang dalawa kaya dumiretso na ako sa pinaka malapit na restroom. Maghihilamos ako kasi anlagkit na ng mukha ko. My gosh!


Habang naglalakad ako papuntang restroom ay biglang may sumabay sa 'kin na lalaki, nalamn kong si Kuya Tyzon pala ito nang aking lingunin. Tinatawag ko siyang kuya kasi kasing edad lang sila ni kuya Xymon at tropa din siya ni kuya.


"Hi Xy," approach niya sa 'kin habang nakangiti at ngumiti naman ako pabalik.


"Hello po kuya Zon." Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapasok ng restroom. Syempre ginawa ko na ang kanina ko pa gustong gawin, ang manghilamos. Mga ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas si kuya Tyzon sa isang cubicle at tumabi siya sa 'kin upang manghugas ng kamay.


"Boyfriend mo na ba si Kard, Xy?" Tanong niya at napatingin lamang ako sa reflection niya sa salamin.


"Hindi Kuya Zon, nililigawan pa lang naman ako ni Kard," panglilinaw ko at napatango naman siya.


"Ah... akala ko boyfriend mo na talaga eh, sagutin mo na 'yun, magaling mag gitara tas gwapo rin katulad ko HAHAHA, worth it 'yun promise, mabait pa like me." Natawa lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy lang ako sa pag-check ng mukha ko sa salamin. "Oh sige Xy, balik na ako dun sa music room."


"Okay kuya Zon," umalis na nga nang tuluyan si kuya at ibabalik ko na sana ang mga gamit ko sa pouch nang bigla kong napansin ang isang cellphone. Ako lang naman mag isa rito sa CR, kanino kaya ito? Kinuha ko ang cellphone at chineck ito. Kita ko naman ang lock screen na mukha ni kuya Tyzon. Aish... naiwan niya gamit niya.

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon