FY 24

789 39 0
                                    

***


Xymie's POV:


Ngayon na ang araw ng music fest ng HHU. Nandito na rin kami sa school at nakaupo lang kami ni Kier dito sa isang gazebo, hinihintay kasi namin si Marcus kasi late daw siyang makakarating. Wait lang makapag update nga muna ng status ng dalawa.


"So kamusta naman 'yung first 2 weeks ng ligawan niyo?" Tanong ko sa kaniya at bigla naman siyang napa blush at napangiti.


"Okay lang naman Xy, actually sariwa pa rin sa utak ko 'yung mga nangyari ng gabing 'yun," tinutukoy niya 'yung gabing nag-propose ng panliligaw sa kaniya si Marc.


"I'm happy for the both of you kasi nakapag amin na kayo ng feelings niyo sa isa't-isa." I smiled at him at mas lumawak naman ang ngiti niya.


"Xy... super thank you sa lahat ng mga payo at dun sa pang-seset up mo sa 'min, I really appreciate it, Xy," ang saya lang talagang isipin na 'yung pinaplano ko, nagawa ko rin sa wakas.


Few minutes passed at nakarating na nga sa HHU si Marc at todo naman sa kamustahan ang dalawa parang 'di na nga sila mapalayo sa isa't-isa eh. How's sweet! 'Yung akin, nasaan na kaya? Kailan pa kaya niya ako tatanungin na maging boyfriend niya? Chariz, ba't ko ba iniisip 'yan? 'Di ko dapat iniisip 'to eh. Oh em gee!

"Heto uminom ka muna, okay na ba? tapos na ba 'yung final practice niyo?" Binigay ko sa kaniya ang tubig habang nag s-strum naman siya ng guitar.


"Painumin mo 'ko, 'di ko pwedeng gamitin kamay ko eh, look!" Pinakita niya sa 'kin ang kamay niyang nagpapatuloy lang sa pag-strum. Inirapan ko lang siya at binuksan ko ang bottled water at inilapit sa bibig niya.


"Ayan, ganiyan ang bonding." Nangingiti siyang umiinom ng tubig nang mabagal at may bigla namang tumili kaya napatingin kami dito.


Mga fans na naman niya siguro ito.


"Owemji! Ang cute nilang tignan!"


"Ang swerte ni Xymie mga besh!"


"Ngayon ko lang napansin ang cute pala nilang magsama!"


"Ang hot ni Kard, shet!"


"Love wins!"


"Ah... kakileg!"


Hindi ko na lang sila pinansin at finocus ko na lang ang pakikipag-usap kay Kard. "Mamaya may surprise ako sa 'yo," bulong niya sa tenga ko at taka naman akong napatingin sa kaniya.


"Anong surprise?"


"'Di na 'yun surprise 'pag sinabi ko sa 'yo HAHAHHA," he immediately massages my hair.


"Bakit parang kinakabahan ako sa surprise na 'yan?" Sabi ko sa kaniya at napangiti naman siya.


For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon