FY 11

943 50 2
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kwarto, natapos ko na lahat ng preparations ko, naligo, nagbihis, nag apply ng light makeup, lahat natapos ko na, pero 'di pa rin tumatawag sa 'kin si Kard. Ako nalang kaya tumawag sa kanya? Ii-inform ko lang naman siya na kakausapin siya ni kuya, eh.


Teka nga lang ba't ba ako nag papanic? 'Di ko naman siya jowa ah, ligaw pa lang naman 'yun, dapat 'di ako mag panic.


Napahinga ako ng malalim at nabawasan naman ang kabog sa dibdib ko.


Deads ka na later Xy, baka 'di siya magustuhan ni kuya Xymon, hala ka....


Hala ka.. gigisahin ka na ng buhay ni kuya.


Deads...


Patay...


"Teka nga lang! 'Di ba dapat 'yung isa magpapatahan sa 'kin? Ano ba pati ba naman kayo papakabahin ako!" Sigaw ko sa sarili ko at napabuga ng malalim.


Sana naman marunong sumagot ng maayos si Kard.


Teka nga lang! Baka ito na ang chance! Kapag si kuya na turn off kay Kard, mapapalayo ko na siya sa 'kin, 'pag hindi napapayag ni Kard si kuya na ligawan ako for sure titigil na 'yung mokong na 'yun. Matatapos na itong lahat ng mga ginagawa niya sa 'kin.


Napangiti naman ako sa naisip ko.


Matatahimik na ulit ang buhay ko, yes!


Sa kabilang banda..


***


Kard's POV:


Nasa harap na ako ng bahay nila Xymie. 'Di na ako nag abalang tumawag, isi-surprise ko nalang siya! Baka makausap ko na rin ang kuya niya, manghihingi ako ng permission na ligawan ang kapatid niya. Kung pwede hihingan ko na lang din ng permission ang tatay niya para naman ma-legal na kami. Naks! Legal agad 'di ko pa nga napapa-oo 'yung prinsesang 'yon. Ah, basta ile-legal ko na ang sarili ko sa pamilya niya para tuloy-tuloy na ang ganap.


Ewan ko ba, kung bakit pursigidong-pursigo na ako sa kaniya. I've never felt this feeling before, 'yung pagkakabilis ng pag tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Halos tumulo na minsan ang mga mata ko kakatitig sa mga litrato niya. Gustong-gusto ko na talaga siya, gusto ko na siya sa buhay ko, gusto ko na siyang mahalin. 


"Sino ka at anong kailangan mo?" Biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko, ito na ata ang kuya niya.


Huminga ako ng malalim at nagsalita. "Ako po si Kard, suitor ni Xymie, nandito ako para sunduin siya, magkaklase po kasi sila ng kapatid ko at sa bahay daw sila gagawa ng project nila kaya.. ako nalang po'ng susundo sa kanya. 'Wag kang mag-alala brother, harmless ako at pursigido ako sa kapatid mo." Mahabang explenasiyon ang naisagot ko. Napa ngiti naman ang kuya ni Xymie at binuksan na niya ang gate.


"Magaling kang sumagot ha, pasok ka muna baka hinihintay ka na ng kapatid ko sa loob." Napatango naman ako at pumasok na ako ng tuluyan sa bahay nila.


Pagkarating ko sa front door ay napatingin kaagad ako sa nangingintab na sahig, kung nandito lang si mommy sasabihan niya ako na magtanggal ng sapatos kasi hindi daw deserve ng shiny floor ang dumihan ng basta-basta kung hindi naman ikaw ang nagpakintab sa kaniya. Magtatanggal na sana ako ng sapatos bago pumasok ngunit pinigilan kaagad ako ng kuya ni Xymie. Natatawa siyang nakatingin sa 'kin.


"Oh no, you don't need to do that, bisita ka naman kaya pumasok ka na." Napangiti ako sa sinabi niya ngunit tinanggal ko parin ang mga sapatos ko.


"Nasanay na rin kasi ako sa bahay, and madali lang naman itong suotin ulit." Napatango lang ang kuya ni Xymie at pumasok na ako sa loob at pinaupo muna niya ako sa couch. Tatawagin lang daw muna niya si Xymie.


***


Xymie's POV:


Nakagawa na ako ng limang videos sa tiktok at 'di pa rin tumatawag sa 'kin ang lalaking 'yon, teka nga lang baka 'di na ako susunduin nun aba.. 'di ako makakapayag! Ipapa turn off ko pa siya kay kuya kaya dapat pumunta siya dito ngayon.


Pinagmasdan ko lang ang maganda kong mukha sa salamin ng biglang kumatok si kuya sa pintuan ng kwarto ko.


"Xyxy, bumaba ka na, may naghihintay sayo sa baba." Nagulat ako sa sinabi niya. Sino ba naman ang hindi magugulat eh 'yung hinihintay ko nakarating na nang 'di nagsasabi! Shems.


"O-okay kuya!" Matapos kong sabihin 'yun ay kinuha ko na ang mini backpack ko, pang aesthetic ang design para dito sa suot ko. Dinala ko na rin ang wallet at cellphone ko para kumpleto na lahat ng mga dadalhin. Chineck ko muna ang damit ko sa salamin at napagpasyahan nang bumaba.


Habang pababa ako sa hagdan ay nakikita ko na siya. Napangiti siya nang makita ako at parang may kung ano sa tiyan ko. 'Di naman ako najejebs pero parang may butterflies sa stomach ko.


Char, butterflies in my stomach. Pero seryoso iba talaga yung feels eh.


"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya at napailing ito.


"Hindi, kakarating ko lang, ang ganda mo." What the fudge, kailangan ba talagang sabihin 'yun?


 Feeling ko tuloy namumula ako. Walang hiyang lalaking 'to. Hinawakan ko ang mga pisngi ko at natawa naman siya kaya tinalikuran ko siya at tyempo namang nandun pala si kuya sa likod ko. Patay.


"Hi, kuya!" Napangiti ako ng plastic at tinaasan ako nito ng kilay.


"Hello.. maganda kong kapatid," ngumisi lang siya sa 'kin at napatingin siya kay Kard. Eto na yung hinihintay ko, dapat ma turn off si kuya kay Kard para tumigil na siya sa pangliligaw sa 'kin!


"Kuya, siya pala si Kard yung ano," napangiti naman si kuya.


"You don't need to explain, nag-usap na kami ni Kard na MANLILIGAW mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. 


How did he knew? Matagal na ba silang nag-uusap dito? Ako nalang ba 'yung walang alam?


"Teka lang kuya, okay lang sa 'yo?" Gulat akong napatitig sa mukha niya.


Pinagkrus niya ang mga kamay niya sa dibdib at kalmadong nag salita, "wala namang masama kay Kard, nakikita ko namang gusto ka niya at marespeto naman siya kaya, pinayagan ko na siyang ligawan ka." at tumigil ang mundo. "Are you happy with that, bunso?"


"ANO?!"


:)

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon