Kasalukuyan akong nasa kwarto at nag-shoshoot ng video para sa tiktok. Hinihintay ko kasi si Kard na dumating, may balak raw kasi siyang pumunta ngayon, tutal sabado naman ngayon at wala rin akong gagawin kaya dito na lang muna daw kami sa bahay. Okay lang din naman kay kuya Xymon na dumito si Kard, napaka close na nga nila lately, parang magkapatid kung mag bardagulan sa paglalaro ng video games. Minsan nga napapaisip ako kung ako ba talaga pinupuntahan niya dito sa bahay o si kuya.
"Xyxy! Nandito si Kard sa baba, lumabas kana diyan sa palasyo mo!" Sigaw ni kuya mula sa ibaba kaya tinignan ko kaagad ang sarili ko sa salamin kung maayos ba at tuluyan na nga akong bumaba.
"Good morning, my princess." Biglang bungad ni Kard nang makababa ako ng hagdan. Nginitian ko naman siya.
"Good morning, and goodmorning din sa napakagwapo kong kuya." Biglang backhug ko sa nakaupong kuya Xymon sa sofa, at hinalikan ko siya sa pisngi. Aish... naglalaro na naman siya ng mobile legends. Gamer ka ghorl.
"Good morning din bunso, ieeee... ang sweet naman ng bunso," kinurot niya ang ilong ko at napa-aray naman ako.
"Ouch kuya, don't touch my nose!" Bigla naman kaming napatawang tatlo. Sinenyasan ko si Kard na umupo at sumunod naman ito.
"So Kard, kamusta naman ang panliligaw mo dito kay Xy?" Tanong ni kuya.
"Okay lang naman kuya Tim, worth it naman pong ligawan e." Feeling ko... nang iinit ang mga pisngi ko. kailangan ba talaga nilang pagusapan ang bagay na 'to? Like... sa harapan ko pa talaga? Feeling ko tuloy namumula ang mga pisngi ko sa hiya.Nakakahiya kaya!
"Owsss... akala ko talaga wala nang magtatagal dito sa ugaling meron ang kapatid ko, buti na lang kinaya mo ang pagka-abnormal nito." Natatawang pagkakasabi ni kuya Xymon at pati si Kard ay natawa rin. Mga walang hiya.
"Hindi naman po kasi mahirap intindihin si Xymie." Takte, 'yung puso ko! Amp.
"Magsitahimik na nga kayo, nakaka-cringe mga pinagsasasabi niyo, ews." Tumayo ako nang maayos at pumunta sa kusina, dinig na dinig ko pa ang tawanan nila sa sala. Mga walang hiya pinagtutulungan nila ako! Alam kas nilang madali lang akong ma-cringe sa mga ganung topics, psh...
"Heto, nag bake ako ng brownies." Inilapag ko ang cookie sheet sa table na nasa harap nila. Tinignan naman nilang dalawa ito at napa angat ang mga tingin nila sa 'kin.
"'Di ko alam na marunong ka pa lang mag bake, Xy." Banggit ni Kard.
"Matagal na tayong magkapatid pero ngayon lang kita nakitang gumamit ng oven sa kusina para mag bake." Ay wow ha! Marunong naman talaga akong mag bake eh, sadyang ngayon ko lang talaga inilabas ang skill kong 'yon!
"Wag na kayong magsalita, kainin niyo na lang 'yan, ginawa ko 'yan para sa inyo." Ngiting pekeng pagkakasabi ko at ngumiti naman pabalik sa 'kin si Kard at si kuya naman ay parang nag-change mood.
"Oi... oi... respeto naman oh, 'di porke't nagliligawan kayo mag su-sweetan na kayo sa harapan ko, kadiri kayo, yaks!" Matapos iyong sabihin ni kuya ay sinimulan na niya ang pagkain ng brownies. Sumunod naman sa pagkain si Kard at umupo na ako sa katabing sofa at nag kwentuhan pa kami ng kung ano-ano.