***
Xymie's POV:
Inuwi na ako sa bahay ni Kard at may slight na kaba factor dahil hindi ko alam kung magagalit ba o masisiyahan si kuya sa sasabihin naming announcement. Sasabihin na kasi namin ni Kard kay Kuya at daddy na we're official na, we will tell it to dad through video call.
Sobra talaga ang kaba ko, kasi kung gaano ako ka-confident sabihin sa family ni Kard ang about sa relationship namin ay kabaliktaran naman nun ang nararamdaman ko ngayon.
Nasa harap na kami ng front door at dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto.
Ilang segundo pa ang lumipas ay bigla na lang akong naluha sa mga nakita ko. Hindi ko inaasahan ang nangyari, hindi ko in-expect na mangyayari 'to, ngayong araw. Umuwi siya. Nakabalik na si dad! I'm so happy like aish, naguunahan sa pagbagsak ang mga luha ko. I missed him so much.
"Surprise!" Sigaw ng lalaking unang minahal ko. I ran towards him and hugged him tight, sobrang na-miss ko si dad.
"P-papano? H-how? Kuya? D-dad? Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka! ano ba 'yan, miss na miss na kita, nakakinis ka talaga!" Pinagsususuntok ko siya sa dibdib niya habang patuloy pa rin ako sa pagiyak. Dala na rin siguro ng announcement kaya masyado akong naging emotional sa pagbalik niya, masasabi na rin namin sa wakas ni Kard sa kaniya sa personal.
"Eh kasi surprise nga 'di ba, hay nako miss na miss na talaga ako ng nagiisang ko." Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa 'kin at mas napahagulgol naman ako dahil dito.
"Ano ba 'yan, gusto kong sumali! Halika Kard, group hug!" Sambit ni kuya at kaagad na inakbayan si Kard upang makasali. Gusto ko mang matawa sa pagkabigla ng reaction ni Kard ay 'di ko na lang pinahalata sa kanila.
"Aray kuya Xymon! Iniipit mo 'ko!" Tumigil naman sila sa pagyakap sa akin at tumawa kaagad silang tatlo.
"Sorry na agad prinsesang panget." Sinira pa talaga niya ang buhok ko ah, wala talagang hiya si kuya Xymon.
"Bahala ka diyan, mas panget ka kaya." Sabi ko at napangiti naman si dad.
"Aish, 'wag na nga kayong magsabi ng panget, mga anak ko pa naman kayo, you two are the prettiest and hansome, must remember." Kinurot pa nga ni dad ang mga pisngi namin ni kuya.
"Aray, dad naman, alam naman namin 'yan, kanino pa ba kami nagmana ng good looks? Edi kay Daddy good Luke HAHAHHA," joke ni kuya, ang corni.
"Cringe," matapos kong sabihin 'yun ay napatungo naman ang tingin ni dad kay Kard. Teka lang bumabalik ang kaba.
"A-ah d-dad may sasabihin nga pala kami ni Kard sa inyo." I felt the shivers after I've said that.
"Hmmm..." He responded.
"Ano kasi..." Nahihirapan akong magsabi! Si Kard naman parang pinutulan pa ng dila kung makatahimik sa gilid. "Dad... kami na, mag-eexplain po ako." Biglang nanuyo ang lalamunan ko nang makita ko ang seryosong reaksiyon ni daddy.