***
Kard's POV:
Nandito kami ngayon ni Xymie sa Green Leaf Cafe at kasalukuyan siyang gumagawa ng research papers niya at ako naman ay nakatitig lang sa kaniya.
"What's your order, Sir Kard?" Tanong sa 'kin ng waitress at nginitian ko naman ito.
"Just the same as before." Sagot ko at tumango naman siya at umalis sa harapan ko, muli naman akong napatingin kay Xymie na busy pa rin sa kaka-type sa laptop niya.
"Hindi ka pa rin ba tapos diyan?" Tanong ko at umiling lang siya. Ano ba 'yan ang busy naman ng prinsesa ko. Ilang segundo pa ang lumipas ay nagtanong muli ako.
"Eh ngayon, tapos na ba?" Bigla namang umangat ang paningin niya sa 'kin at inis na inis ito kung maka tingin. "Are you done?" Nginitian ko siya ng napakatamis at 'di naman maalis ang tingin niya sa 'kin.
"Eh kung ikaw kaya ang tapusin ko?" Matapos niyang sabihin 'yun ay biglang may humintong lalaki sa harap ng table namin.
***
Xymie's POV:
Napatingin ako sa lalaking huminto at laking gulat ko nang magpakita nanaman sa 'kin ang lalaking napagkamalan kong stalker dun sa boutique.
"Ikaw?!" Gulat na pagkakasabi ko at napangiti naman siya.
"Hi Xymie, loves." Ngiting pagkakasabi niya at biglang hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako kay Kard na ngayon ay galit na kung makatingin sa lalaki. Ano nga ulit ang name niya? Yxian ba 'yon?
"Anong Xymie loves? Sino ka ba sa inaakala mo? Attention seeker ka bang buang ka?" Gulat na lamang ako nang magsalita si Kard. Gumawa naman sila ng atensiyon sa mga taong nakapaligid. Inalis ko ang kamay ni Yxian at tumayo ako sa kinauupuan ko.
"Ano bang problema mo, pre?" Tanong ni Yxian sa maangas na tono at bigla namang tumayo si Kard. Hindi ko na pinatagal ang usapan nila at pumagitna na agad ako.
"Tumigil nga kayo, ano bang mga problema niyo? Nasa public place kayo tas magsisisigaw kayo? Hay nako." Mukha namang napakalma ko sila kaya umupong muli si Kard sa upuan niya. Umupo naman ako sa gitnang bahagi ng table at inaya ko si Yxian na umupo sa kabilang upuan.
"Thankyou, Xymie loves." Bumalik ang nakaka cringe na ngiti ni Yxian at inaamin ko, kanina pa talaga ako naiinis pero ayoko lang talagang dumagdag sa gulo.
"Ehem," biglang ingay ni Kard at napatingin naman ako sa kaniya.
"Teka nga lang Yxian, bakit ka ba nandito? Kung gusto mong mag kape you can have your own table ba't ba gusto mo talagang dito sa table namin?" Tanong ko kay Yxian at patuloy pa rin ito sa pag-ngiti.
"Actually, may ico-confess lang kasi ako sa 'yo." Bumalik ang tingin ko kay Kard na ngayon ay halatang nagpipigil ng galit.
"Bakit pre? Aaminin mo na ngayon na may fucking feelings ka sa kaniya? As if may pag-asa ka." Biglang sagot ni Kard at nginisihan lang siya ni Yxian.
"Nope, tapos na akong mag confess sa kanya about diyan, sasabihin ko lang naman sa kainya ngayon na ako si Mr. K, remember me Xy? Ako 'yung number one fan mo na nagbigay sayo ng sprite at laging naka abang sa bawat posts mo." Gulat naman ako sa narinig ko, hindi ko akalaing siya pala 'yun. Oh my gosh, matagal ko nang hinihintay na may mag confess sa 'kin about dun. Bakit parang I felt disappointment?
"So what? Kung ikaw pala yung Mr. K, ano namang ngayon?" Inis na pagkakasabi ni Kard at pinatahan ko naman siya.
"Yxian, thank you nga pala sa pagiging number one fan mo sa 'kin. I didn't expect na ikaw pala 'yun, pero thank you talaga." I said to Yxian and he smiled again.
"Ikaw si Kard 'di ba?" Tanong ni Yxian at tumango lang si Kard sa kanya. "Ikaw 'yung mangliligaw LANG ni Xymie." Tinignan siya ng masama ni Kard at muli akong napahawak sa braso ni Kard para tigilan siya na baka may gawin siyang ikakagulo.
"Xymie," tawag sa 'kin ni Yxian at napatingin naman ako sa kaniya.
"I want to court you." Bigla akong napayuko sa sinabi niya, ano bang pinagsasasabi nito? Aish.
"You can't court him." Biglang sabat ni Kard at natawa naman sa kaniya si Yxian.
"I can't? Well gusto mo si Xymie at gusto ko rin siya. That means pwede ko rin siyang ligawan kagaya ng ginagawa mo." Seryoso na may halong inis na pagkakasabi ni Yxian at napahinga naman ako ng malalim.
"Yxian," mahinang pagkakatawag ko sa kaniya.
"Yes? Xymie loves." Biglang bumalik sa pagsigla ang mukha niya. Hindi ko na 'to patatagalin pa, ayokong ma-stress and I should tell him directly on his face.
"Gusto mo 'ko di ba?" Tanong ko at tumango naman siya. "Gusto rin ako ni Kard," napatingin naman sa 'kin si Kard. "Heto ang pagkakaiba nun," patuloy lang sila sa pakikinig sa 'kin. "I'm sorry pero si Kard ang gusto ko, hindi ikaw." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay parang nag iba ang mood niya. Bigla nalamang siyang napayuko. Oo, maldita ako, at madaling mainis pero ayoko ring makasakit ng tao kagaya nito, pero sorry kakaiba talaga ang tabas ng dila ko.
"I'm sorry, 'di ko sinasadyang guluhin ang date niyo." Bigla nalang tumayo si Yxian at naglakad palabas ng cafe. Aish, naaawa ako sa kanya.
Gulat na gulat ako sa sumunod na pangyayari. Biglang akong niyakap ni Kard. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at mas nagulat ako nang maramdaman kong umiiyak siya.
"Hoy, umiiyak ka ba?" Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa 'kin. Tumango lang siya at natawa naman ako. Grabe bigla-bigla nalang umiyak, ang cute niya haha. "Bakit ka naman umiyak ha?" Tanong kong muli at napaayos naman ang upo niya.
"Ang saya ko kasi sabi mo gusto mo rin ako. Ang saya ko kasi mas pinili mo 'ko kesa sa lalaking 'yun. Ang saya ko kasi may feelings kana sa 'kin, matagal ko nang hinihintay ang sandaling 'to. Ang sabihin mong gusto mo rin ako, ngayon nakakasiguro na ako na kaya mo rin akong mahalin. Xymie Kim, I fucking love you so much." Niyakap niya akong muli. Nanigas ako sa kinauupuan ko. at heto nanaman, lagi nalang ganito. 'Yung puso ko parang sasabog. Gusto kong sumigaw pero parang napipipi ako. What the fuck is this?!
:)