FY 8

1.1K 55 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas at araw-araw ay may panibagong surpresa at mga regalo si Kard sa 'kin. Sinabihan ko na siya na hindi ako materialistic person pero patuloy pa rin niya akong binibigyan ng kahit na anong bagay at treats, lalo na 'yung chocolates, lagi na lang akong may dalang chocolates dahil sa kanya. Aish... gusto niya ata masira mga ngipin ko eh.


"Marcus, 'wag mo nalang akong hintayin mamaya, may gagawin pa kasi kaming project ni Kier, ako na bahala sa pag-uwi ko." Hininto niya ang kotse nang makapagpark na ito ng maayos, lalabas na sana ako ng sasakyan nang bigla niya akong tinawag.


"Xyxy." Napalingon ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sa 'kin.


"B-bakit? Ba't ka ganyan makatingin sa 'kin?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ito sinagot.


"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Halatang may lungkot at inis sa tono ng boses niya.


"May dapat ba akong sabihin?" I'm also wearing my serious face 'cause it's a serious talk.


"Akala ko ba ako ang unang makaka alam kung may boyfriend ka na, bakit parang wala kang planong sabihin sa 'kin na meron na palang nagpapa-kilig sa 'yo, na may umaangkin na pala sa bestfriend ko."


parang tumagos sa puso ko 'yung mga salitang binanggit niya pero bakit naman? Eh wala naman akong boyfriend, and I'm not attracted to someone kaya bakit pa ako malulungkot?


"Ano kaba, wala pa akong boyfriend noh! Ni wala pa ngang nagpapatibok ng puso ko eh." I pinched his cheek and smiled a bit. He's pouting while grabbing his phone inside his pocket.


"Eh sino 'to? 'Di ba siya 'yung Kard? 'Yung nakita natin sa park? Bakit kayo magkaholding hands dito sa pic?" Kanina parang lungkot lang yung nararamdaman ko sa ekspresiyon niya, ngayon may halong tampo na.


Hindi na ako nag abalang magulat pa kasi alam ko namang kumalat na talaga yung post ng @cuteboyshhu about sa 'min ni Kard.


"We're not dating okay?" Pandedepensa ko pero parang 'di naman siya kumbinsido.


"So pano mo mae-explain 'toh? Bakit magkahawak kamay kayo?" In-explain ko sa kanya ang mga naganap sa buhay ko simula nung nawala ang bracelet ko hanggang sa panliligaw ni Kard sa 'kin.


"Shiaaa! Malapit nang mag start ang first class ko! Ikaw kasi! Napakwento pa tuloy ako. Malelate ako nito aish. Mauna na ako." Nagmadali akong pumunta sa classroom at buti nalang wala pa ang subject teacher namin. Napaupo ako sa upuan ko at nag ayos ng sarili. Nakakahagard tumakbo.


Discuss.


Discuss.


Discuss.

Sawakas natapos na rin ang mahabang discussion. Inaya na ako ni Kier na umalis kaya kinuha ko na ang aking cutie bag at pumunta kami ng parking lot. Magkikita nanaman kami ng suitor ko kuno.


"Hi, kuya." Masayang bati ni Kier sa kuya niya. Saakin naman nakatingin si Kard at nginitian ko lang siya ng plastic.


"Hi, my dear princess." Parang nabingi naman ako sa sinabi niya. Eto nanaman po siya.


"Hello." Tipid kong sagot at bigla namang pumasok sa usapan si Kier.


"Ehem, nakakaistorbo yata ako dito eh." Napatingin kaming dalawa ni Kard sa kanya at natawa naman ang bwisit na suitor ko at ako naman ay umiling lang sa trip ng magkapatid. 'Di na kami nagusap pa at pumasok na kami sa sasakyan.


Nandito kami ngayon sa isang branch ng coffee shop na pagmamay-ari ng pamilya nila. Nice business. Tinatawag itong Green leaf cafe. Maganda 'yung interior design, napaka cozy at nakaka-kalma.


Matapos naming umupo sa private table ay nag order na kami. I just ordered a cup of strawberry freakshake, as usual. 'Yun ang favorite ko bukod sa pag inom ng sprite. Ilang minuto pa ay isinerve na ito at biglang may dumating na dalawang lalaki, ang isa ay halatang kapatid ng Corpuz brothers at ang isa naman ay 'di ko kilala. Mukhang gay model, he's pretty.


"Oh lil' bros buti naman naparito kayo." Nagkamustahan muna ang magkapatid hanggang sa napatingin sa 'kin ang kapatid ni Kard. Muntik na silang halos magkamukha.


"You're Xymie right?" Tumango ako sa kanya at nginitian ko lang. Nagngitian lang kami hanggang sa biglang pumasok sa eksena si Kard.


"Oh tama na 'yan, 'di niyo kailangan mag ngitian okay." Natawa naman ang dalawa niyang kapatid sa kanya.


"Ew, kuya Kard seloso" natawa ang lahat sa sinabi ni Kier at pati ako ay napatawa narin.


"Hi Xymie nice to meet you, I'm Sheen, Sheen Zie." masayang pagpapakilala ng gay na kasama ng kuya ni Kard, siya pala si Sheen, parang nakita ko na siya sa isa sa mga magazines. Maganda talaga siya, mukhang babae at maganda rin ang pangangatawan.


Magkasing sexy ata kami, char!


Nakipag beso naman ako sa kanya, mahinhin siya at halatang kauri ko. Nagkuwentuhan kaming lima ng halos isang oras. Ansaya palang kausap ng mag kapatid at andami ko ring natutunan dito sa mag couple na si kuya Kiel at Sheen.


"3 years na kaming mag boyfriend ni Kiel, sa 3 years na 'yun andami naming natuklasan sa isa't-isa. Kaya kayong dalawa kilalanin niyo muna ng mabuti ang isa't-isa. Wag niyong gawing basehan ng feelings ang perfections ng bawat isa. Mahalin niyo kung ano siya, mapa perfect man o imperfections niya, tanggapin mo ng buong puso."


Sa moment na 'to parang huminto ang oras. Napagtanto ko na ang bilis pala ng mga pangyayari, pati ang puso ko tumitibok ng mabilis 'di ko alam kung bakit. Napalingon ako kay Kard na ngayon ay nakatingin din sa 'kin.


What if pinaglalaruan mo lang pala ako?


What if 'di ka pa pala sigurado sa 'kin?


What if masasaktan lang pala ako sa 'yo?


Tama ba 'tong nararamdaman ko?


I think...


May feelings na rin ako sa 'yo.


:)

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon