'Good morning, my pretty Xy.' -K
Kanina ko pa iniisip kung sino ba talaga etong si Mr. Misterious letter 'K' na ito. Siya ang nagbigay netong sprite na hawak ko. Nasa bahay na ako ngayon at hanggang ngayon 'di ko parin ito iniinom. Baka kasi may lason! Char lang naman. Parang gusto ko nalang kasi siyang i-keep, first time ko kasing maka tanggap ng bagay na galing sa isang fan ko, I mean 'yung bagay na gusto ko talaga kasi kasagaran sa mga fans ko dati binibigyan ako ng stuffed toys kemerut pero 'di ko naman bet, pero tinatanggap ko 'yung mga bigay nila, huh. Ang cute lang din kasi.
"Kanina mo pa yan hinahawakan, 'di mo ba yan iinumin?" 'Di ko pa pala nasasabing kasama ko ngayon dito sa kwarto etong si Marcus. Wala kasi daw siyang magawa sa bahay nila, kaya tatambay nalang daw siya sa 'min.
"Hindi pa, may iiniisip pa kasi ako." Humiga ako sa kama at tutok na tutok ang paningin sa kisame. Hawak ko parin ang canned soda.
"Patinging nga niyan." Kinuha ni Marc sa kamay ko ang hawak kong lata ng sprite.
'Huy...'
'What?'
'May idea ako kung sinong K 'yung nasa note.'
'Who is it?'
'Syempre! Si Kard, letter K din 'yun.'
'Huh? The photographer?'
'Oo 'yung cute na photographer.'
'Ah... the assumerong photographer you mean?'
'Uhm... basta 'yung cute.'
"Shut up! 'di siya cute okay?" Irita kong pagkakasabi.
"Huy Xy, anong pinagsasasabi mo diyan?" Bigla akong napatingin kay Marc. Wtf?! Nag self talk nanaman ako.
"W-wala, may sinabi ba ako? Wala naman ah.."
"'Di ako bingi Xy, teka nga sino ba yang sinasabi mong hindi cute?" Muli niyang tanong at lumagok ulit sa sprite na hawak niya.
"Wala nga sa-"
Teka nga..
"HOY BAKET MO ININOM 'YAN?! 'DI KO NGA ININOM TAPOS AHHH...!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Napatayo naman siya sa kinauupuan niya at ngumiti lang habang naka peace sign.
"Don't worry bestfriend, bibilhan kita ng maraming sprite, kahit ilan pa gusto mo." Muli siyang ngumiti at ininom ulit ang sprite na bigay sa 'kin ng fan ko.
"Walang hiya! Ayoko ng iba gusto ko 'yan!" Tinuro ko ang iniinom niyang sprite.