FY 16

845 42 1
                                    

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong may naka dagan na mabigat sa katawan ko. Minulat ko ang aking mga mata at bigla nalang akong napasigaw ng napaka lakas. Dahil sa sigaw ko ay nagising ang lalaking hubad na nakadagan sakin at umayos siya ng upo. Naka boxers lang siya, my gosh 'yung virgin eyes ko! Napatingin naman ako sa katawan ko at sumigaw akong muli. Wala akong damit! Naka boxer shorts lang din ako!


"Bakit ka ba sumisigaw?" Nagkamot siya ng ulo at napatingin naman ako sa abs niya. Oh my viand... tinakpan ko agad ang mga mata ko, ayokong magkasala!


"Bakit tayo nakahubad?! Anong ginawa mo sa 'kin kagabi?" Nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa mukha.


"Anong ako? Ikaw ang may ginawa kagabi." Sagot niya. Napaisip naman ako bigla, inaalala ko ang mga nangyari kagabi.


"Anong ako? 'Di naman ako naghubad ah, hinalikan lang naman kit---AAAHHH!" Naalala ko na 'yung ginawa ko kagabi! Hindi 'yon tama, no way! Siya ang humalik okay hindi ako, self hindi ako okay, hindi ako.


"'Wag ka masyadong sumigaw, na sa loob pa tayo ng sasakyan." Tinanggal ko ang kamay na nakatakip sa mata ko at umiwas ako ng tingin, may pandesal na naka hain sa harapan ko!  "Ang sarap mo pa lang humalik no? First kiss kita, grabe ganun pala kasarap." Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at nanginginig pa 'ko.


"Nadala lang ako ng pangyayari okay? Hindi ko 'yun sinasadya!" Natawa naman siya sa sinabi ko.


"Hindi sinadya, eh halos limang beses mo nga akong hinalikan kagabi hanggang sa makatulog ka, grabe baby, you're such a good kisser." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the fuck?! lasing ata ako kagabi eh, naalala ko na lahat ng mga pangyayari. Aish! Bakit ko ba kasi 'yun ginawa? My gosh anong nangyayari sa 'kin? Napasabunot ako sa sarili at pinigilan naman niya ako sa ginagawa ko.


"Hays baby, 'wag mong saktan ang sarili mo, 'di mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. Nakangiti ito nang napaka tamis pero inirapan ko lang siya. "Ang cute mo talaga, hay nako my princess, mas nai-in love ako sa 'yo sa bawat araw na lumilipas." Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi niya.


Ito nanaman 'yung strange feels!


"Ang saya ko ngayon kasi naramdaman ko nang may pag-asa na ako sa 'yo. Sa kiss na ginawa natin kagabi, naramdaman kong may feelings ka na rin sa 'kin, Xymie. 'Di pa man kita mapasasagot ngayon, asahan mo na sa susunod na tatanungin kita, sasagutin mo na ito ng malaking oo." Mas lalong bumilis ang pag tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. Parang nanigas ang buong katawan ko. My gosh! Ano bang meron sa lalaking 'to at anlakas talaga ng impact niya sa 'kin. Napalunok muna ako bago nagsalita.


"Akin na 'yung damit ko, kailangan ko nang umuwi, sigurado akong hinihintay na ako ni kuya sa bahay." Binigay naman niya sa 'kin ang mga damit ko at nagbihis muna kaming dalawa bago niya kinuha ang cellphone niya sa bag. "Ano 'yan? Ba't 'di mo sinabing may dala ka palang cellphone?" Nagulat naman siya sa tanong ko.


"Aba malay ko, ano bang gagawin natin sa cellphone ko?" Parang tanga.


"Tanga! Kagabi pa sana tayo nakaalis dito kung nagtawag tayo ng magsusundo!" Napakamot naman siya sa balikat niya.


"Oo nga noh? 'Di ko 'yun naisip ah." Tinawanan niya lang ako matapos niyang ma-realize ang katangahan niya.


"Parang tanga, tawagan mo nalang si kuya Xymon para dun na tayo sa bahay mag breakfast, magtawag ka nalang din ng magrerepair nitong kotse mo para maayos na ito."


"Yes, boss!" Ginawa naman niya ang sinabi ko at ilang sandali pa ay nakarating na si kuya at ang magrerepair ng sasakyan.


"Sigurado kayong wala kayong ginawa kagabi dun sa kotse ha!" Nagkatinginan muna kami ni Kard dahil sa sinabi ni kuya. Kinausap ko nalang siya gamit ang isip. 'Wag mong sasabihin 'yung about sa kiss, lalagutan talaga kita ng hininga! "Anong mga tinginan 'yan? So meron nga?" Muling sabi ni kuya at nagkalakas loob naman akong sumagot.


"Wala kuya, wala kaming ginawa, natulog lang kam dun sa loob ng kotse." Depensa ko ngunit bigla namang hinawakan ni kuya ang damit na suot ko.


"Kung ganon bakit basa ito? Natulog kayong basa kagabi?" Tukoy niya sa mga damit namin. Napalunok naman ako at napatingin kay Kard. Help me please. Mukhang naintindihan naman niya ang senyas ko.


"Brother Xymon, kagabi po kasi nasiraan ng makina ang kotse, tapos lumabas ako para ayusin ito then bigla nalang bumagsak ang napaka lakas na ulan at itong si Xymie naman ay lumabas bigla ng kotse at naglaro sa ulan. Unfortunately, 'di ko naayos ang makina ng kotse kaya sinabihan ko si Xymie na bumalik sa loob, pinagalitan ko pa nga 'yan kasi basang-basa na siya sa ulan, nung nasa loob na kami ng kotse, tinanggal namin ang mga damit namin para 'di po kami magkasakit. Sakto namang may blanket dun sa likod ng kotse kaya 'yun ang ginawa naming kumot. Natulog kami ng mahimbing tapos nagbihis kami nung mag umaga kaya ito 'yung damit namin, basa." Mahabang explaination ni Kard at mukhang kumbinsido naman si kuya dahil dito.


"'Yan talaga nagustuhan ko sayo Kard eh, complete explaination, oh sige kumain na kayo diyan, mauuna na 'ko sa school ha." Matapos magsalita ni kuya ay nagpaalam na ito at umalis. Naiwan kaming tulala ni Kard sa sala.


"Anong sinabi mo kanina? Ako, naglaro sa ulan?" Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko.


"At least 'di ba naniwala si brother, kaysa naman na sabihin kong nagpaulan ka kasi sinusuyo mo ko, o 'di ba mas maganda na 'yung nag laro ka sa ulan Haha." Halos 'di matigil ang tawa niya hanggang sa magsimula na kaming kumain.


"Tumigil ka na nga."


:)

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon