FY 26

831 41 3
                                    

***


Kard's POV:


'Di pa rin ako makapaniwala, napa sa 'kin na ang pinakamamahal ko! I'm just so happy that I'm finally Xymie's boyfriend. Kailangan naming mag-celebrate para dito and we will tell our families after this day. Ngayon ang day 1 ng officially dating of Xymie and Kard.naks! Nakikilig na naman ako HAHAHAHA, for now, pagsasaluhan muna namin ang gabi. Kakatapos lang ng event at naghanda rin ako ng little surprise para sa kaniya. Gustong-gusto ko kasi siyang sino-sorpresa, ang cute kasi ng mahal ko.

***


Xymie's POV:


"Hoy lalake! 'Wag mo nga akong mangiti-ngitian nang ganyan, you look like a maniac, gosh," kinurot ko siya sa tagiliran at napa-aray siya't natawa sa sinabi ko.


"Masama bang maging masaya? Ang sarap kaya sa feeling na napa oo ko na 'yung taong pinu-pursue at minamahal ko." Bigla niya akong hinawakan sa bewang.


"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang kami'y naglalakad.


"May surprise pa 'ko sayo," bulong niya sa tenga ko at parang nanindig naman ang mga balahibo ko dahil sa boses niyang husky.


"Wait nga lang, surprise na naman? Baka mamaya ubos na pala pera mo kaka-surprise mo sa 'kin ah, sinasabi ko sa 'yo 'di naman kailangang may excitement and surprises palagi, you should know that having you is more than enough," natawa siya sa sinabi ko at mas diniin naman niya ang pagkakahawak sa bewang ko.


"Kaya mahal kita e, but... I'm just happy spoiling you with my gifts." Sobrang dikit na ng mga katawan namin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.


"Ano ba 'yan, ang higpit naman ng pagkakahawak mo sa 'kin, 'di naman ako tatangayin ng iba." Reklamo ko na may halong pangbibiro pero base sa facial expressions niya, parang sineryoso niya ang sinabi ko huhu.


"No one can have you except me, ako lang ang hahawak sa 'yo nang ganito at ayoko ring may humawak na ibang lalaki sa 'yo, madali pa naman akong magselos kaya ngayong na sa 'kin ka na, hindi na kita bibitawan pa." Syeteng ice na malamig, kinikilig ako! Ano ba namang lalaki 'to! Lagi na lang akong ginugulat sa mga pinagsasasabi niya, aish... deserve ko ba 'to?


Syempre naman.


Few minutes later, nakarating na kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto and guided me to enter his car. How's sweet, baka magmukha na akong kamatis nito dahil sa pagkakapula ng mga pisngi ko, aish. Natutunaw na ata 'tong heart ko!

Sa kalagitnaan ng byahe bigla nalang akong napaisip, saan nga ulit kami pupunta?


"Teka nga saan nga ulit tayo pupunta?" Tanong ko at napangisi naman siya sa 'kin habang nagda-drive.


"We will go to heavens, baby." Sambit niya sa pinaka sexy niyang boses. Feeling ko dumaloy lahat ng dugo ko papunta sa mga pisngi ko, what the heck!  


"My God Kard! Ang mankay mo!" Napatili ako bigla at tawa lang siya nang tawa habang nakatingin sa 'kin. "Hoy, tumingin ka sa daan wag sa 'kin!" Napabalik naman ang focus niya sa daan at patuloy pa rin ako sa pagiisip ng kung ano-ano.


'Oh my gee siz, mawawalan kana ng virginity!'


'Andumi mo mag-isip, baka naman nagjo-joke lang si Kard 'di ba? Pero if  joke lang 'yun, sayang naman.'


'Anong sayang ka diyan? Super sayang talaga, chariz! Hoping na lang na 'wag majontis ang Xymie.'


'Gaga! Gagamit naman siguro ng protection si Kard.'


'Hindi natin alam.'


'Teka nga lang wala naman siyang matres eh, so 'di rin siya mabubuntis, tangek!'


'Oo nga no?'


'Oh my god, gora na 'to!'


Napapikit na lang ako dahil sa mga pinagsasasabi ng isip ko. Nakakasakit ng ulo my gosh, napatingin ako sa nakangiting Kard. Ang gwapo niya talaga, aish... bumibilis na naman ang tibok ng puso ko, kaloka!


"Gwapong-gwapo ka na ba sa 'kin?" Bigla niyang sabi na nagpaiwas sa 'kin ng tingin.


"Kard," I called him by his name and his response is just 'hmmm?'


"Ba't parang bigla kang sumeryoso?" Tanong niya sa 'kin. I took a deep breath before I speak.


"Are we really going to heavens?" I said in a low volume, mimicking a kid's voice. 


"HAHAHHAHAH, sineryoso mo talaga 'yung sinabi ko? Baby, jino-joke lang naman kita. HAHAHAHAHA, did you just mimicked a kid's voice?" Halos sa bawat linya ng sinasabi niya may tawa. Ako naman itong napahawak sa ulo, my god, bakit ko ba kasi sineryoso? Nakakhiya tuloy!

Nakarating kami sa isang madilim na lugar. Madilim ang paligid pero makikita ang mga ilaw na nanggagaling sa mga buildings at kabahayan, the city lights. May isang puno tapos biglang umilaw ang paligid at ang ganda! Tanaw na tanaw ang magandang view sa ibaba, nasa isang mataas na lugar kami na kung saan natatanaw namin ang kagandahan ng city. Napatingala naman ako sa kalangitan at ang ganda rin ng mga bituin! Kinuha ko agad ang cellphone ko at nag-take ng pictures.


"Ang ganda dito!" Masayang pagkakasabi ko at bigla siyang lumapit sa 'kin, hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ganito 'yung nararamdaman ko pero may kuryente talaga sa bawat dampi ng balat niya sa kahit ano mang parte ng katawan ko. Is it the feels of love?


"I've made it for you, baby, we see that this place is beautiful but right in front of me is the most bieautiful person I've ever saw in my life, it's you, Xy," takte! Oo na inaamin ko na mahal na mahal ko na talaga 'tong lalaking 'to. Sa bawat pagpapakilig niya sa 'kin, nang-iinit talaga mga pisngi ko, bumibilis tibok ng puso ko and yes! Yes, I love him so darn much! Ayoko na siyang mawala pa sa 'kin!


"I love you, Xymie." Matapos niyang sabihin 'yun ay dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa 'kin. Nakatitig lang ako sa mapupula niyang mga labi, ang sexy talaga ng lips ng lalaking 'to! ahhh! nakaka-manyak!


"Ano ba 'yan Kard, ang bagal!" 'Di na ako nagpa bagal-bagal pa at ako na mismo ang sumunggab ng halik. Ayoko nang mabagal eh bakit ba HAHAHAHAHA, mahal naman niya 'ko at mahal ko naman siya kaya gora! "I love you too, Kard."


:>

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon