"Bakit ka nakipag kaibigan kay Oh Sehun?" sigaw ni Baekhyun kay Luhan, nag echo ito sa paligid dahil silang tatlo lang ang nasa loob ng convenient store. May shift si Luhan pero hanggang 12am lang dahil may nakuha na ang Boss niyang bagong employee pero nagprisinta si Kyungsoo at Baekhyun na samahan siya at bantayan. "hindi mo ba alam na kapatid niya ang leader ng mga demons" paalala ni Baekhyun.
"ha? sino siya? pero bakit sabi niya half human siya?"
Napasapo nalang si Baekhyun ng noo dahil hindi siya makapaniwalang hindi kilala ni Luhan si Lay.
"well yes that's right" sabi ni Kyungsoo habang binubuksan yung burger na binili niya. "Bago mamatay si Luxus sa kamay ng mga Humans nagkaroon siya ng anak sa isang Human, yun ay si Sehun."
"so dapat lumayo ka sa kanya, mamaya malaman pa niya na ikaw ang tagapagligtas..masira pa kung anong nasa propesiya." sabi ni Baek tapos kumagat siya sa burger niya.
"hindi naman siguro hindi naman niya alam eh, pati mukha naman siyang mabait"
Hindi makita ni Luhan na mapanganib si Sehun lalong lalo na nung nakausap niya ito kanina, magaan ang loob niya sa kanya.
"Anong ngiti yan ha?"
Lumapit si Baekhyun kay Luhan dahil napansin niya ang biglaang oagngiti niya ng walang dahilan.
Agad namang binalik ni Luhan ang dating mukha sabay tayo.
"anong ngiti?" tanong ni Luhan habang inaayos yung mga paninda nila sa counter."nararamdaman ko yung puso mo naging soft kapag sinasabi ko ang pangalang Sehun" sabi ni Baekhyun habang nakangisi kay Luhan, natawa naman si Luhan dahil dun. At dahil wala naman ibigsabihin ang mga konklusyon ni Baekhyun sa nararamdaman niya. "may gusto ka ba sa kanya?"
"sira! wala!" mabilis na sagot ni Luhan, hindi siya makapaniwala sa mga naiisip ni Baekhyun. Inalok lang naman siya ng pagkakaibigan pero iba na agad iniisip niya.
"magkaibigan lang kami""Hoy Luhan, mag ingat ka pa rin sa kanya ha? hindi natin ang plano nila, maging normal ka lang kapag nandyan sila sa paligid." paalala ni Kyungsoo, pero hindi naman kay Sehun nag aalala si Luhan kundi sa bago nilang Prof.
"Tama!" pagsangayon ni Baekhyun bago umupo sa tabi ni Kyungsoo.
"okay, pero kilala niyo ba si Park Chanyeol?"
"Oo, kanang kamay ni Lay yan" sabi ni Baekhyun, lumapit si Luhan sa kanila dahil wala pa namang customers.
"bakit?" tanong ni Kyungsoo.
"siya kasi yung bagong Prof namin sa chemistry."
"Oh no." sabi ni Baekhyun. "magiingat ka sa kanya, mas mabuti if you stay down low when he is around for sure hinahanap ka niya."
"lumayo ka na din kay Sehun" utos ni Kyungsoo, bigla namang nalungkot si Luhan.
"aaaw sayang naman alam mo mga gwapo ang mga demons na yan kaso masasama ang ugali" kumento ni Baekhyun.
Parang hindi naman masama si Sehun.
Nabasa ni Baekhyun at Kyungsoo ang iniisip ni Luhan.
"Hey Luhan, may gusto ka ba talaga kay Sehun?" sabi ni Baekhyun. Nagulat si Luhan dahil nalimutan niyang nababasa nga pala ni Kyungsoo at Baekhyun ang iniisip niya.
Pero hindi naman niya gusto si Sehun, nanghihinayang lang siya dahil sa tingin niya mabait si Sehun at hindi naman harmful.
"Hindi" maiksing sagot ni Luhan bago tumayo at naglakad pabalik sa counter dahil may pumasok na customer.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.