Kabanata XIV

73 9 0
                                    

D-23 before the 30th sunrise

Walang demons sa loob ng HQ nila dahil lahat sila nasa labas, hinahanap ang tagapagligtas na si Luhan.

Bukod tanging natira sa HQ ay si Lay, balisa siya at hindi na alam ang gagawin dahil napag alaman niyang nagtaksil sa kanya si Sehun at Kai. Trinaydor siya ng sarili niyang kapatid.

"AAAAAAAAAH!" sigaw ni Lay, hinawi niya lahat ng gamit na nasa mesa niya at lahat ito nalaglag sa sahig na naggawa ng malakas na tunog.

"Master Lay, si Chanyeol po ito." huminga si Lay ng malalim at siya namismo ang nagbukas ng pinto, na siyang kinagulat ni Chanyeol dahil hindi ito ginagawa ng pinuno nila.

"pakiusap magandang balita lang ang sabihin mo sa akin.." galit sa tugon ni Lay habang mahigpit ang hawak sa pinto at nanlilisik ang tingin niya kay Chanyeol.

Huminga muna ng malalim si Chanyeol at pinilit na magisip ng mga bagay na hindi ikagagalit ng Master niya.

"may nakitang sasakyan na nakaparada sa isang kagubatan malapit sa headquarters ng mga Vampires, at naghinala kami na nasa loob ng kakahuyan si Luhan kaya magpapadala na ako ngayon ng mga alagad natin sa buong lugar.." balita ni Chanyeol sa Master niya, pero wala itong reaction imbes naglakad siya palabas ng kwarto niya kaya sumunod sa kanya si Chanyeol, pumunta siya sa quadrangle kung saan nandoon ang mga kumpulan ng mga halimaw na demons.

"sila ang gusto kong ipadala mo, wala na akong tiwala sa mga demons na may puso...mga wala silang kwenta!" sabi ni Lay, alam ni Chanyeol na si Sehun ang sinasabi nito pero natatamaan din siya dahil isa din siyang demon na may puso. At ngayon niya lang din napansin na hindi na pala talaga nagtitiwala ang master niya sa kanya.

"Masusunod Master Lay" nagbow siya sa Master niya bago umalis pababa sa quadrangle. Pagtalon niya agad niyang sinabihan lahat ng mga halimaw na alagad nila na pumunta sa kakahayun at hanapin si Luhan. Agad naman nagliparang ang batalyon nila para umpisahan na ang paghahanap.

Tumingala si Chanyeol, nakita niya si Lay na nakatingin sa mga halimaw na paalis sa HQ puno ng galit ang mata nito at kung nakakatakot siya kapag normal ang mood niya mas nakakatakot ito dahil halos magliyab na sa pula ang mga mata niya.

"Baekhyun buntis ka." isang boses ang bumulong kay Chanyeol pumikit siya pero wala siyang makitang vision kung sino ang mga nagsalita.

"doc minseok pwede bang itest mo ulit ako, baka mali lang yung result" ngayon narinig niya ang boses ni Baekhyun.

"Baekhyun, pangatlong test na natin 'to, buntis ka talaga." napadilat si Chanyeol, tama ang lahat ng narinig niya buntis si Baekhyun at siya ang dahilan nito. Hindi niya maiwasan matuwa dahil sa wakas magkakaanak na siya pero kapag naiisip niya yung huling sinabi ni Baekhyun sa kanya bago sila maghiwalay nawawala ang saya niya at bumabalik ito sa pagkamuhi sa sarili.

"tangina" napamura nalang si Chanyeol habang iniisip yung katarantaduhang ginawa niya kay Baekhyun na ngayon ay nagbunga na. Nakakasiguro siya na kinamumuhian na talaga siya ni Baekhyun at siguro hindi na siya mapapatawad nito.

Binuka ni Chanyeol ang pakpak niya tapos lumipad siya papunta sa kagubatan upang hanapin din si Luhan, kailangan niyang patayin si Luhan para mas matagal pa niyang makasama si Baekhyun at ang magiging anak nila gusto niyang bumawi sa lahat ng nagawa niya.

"bakit ang bilis ko mapagod?ganito ba pag buntis?" narinig nanaman ni Chanyeol ang boses ni Baekhyun at mas malakas ito. Nakakasiguro siya na malapit lang si Baekhyun, nawala na sa isip niya ang paghahanap kay Luhan dahil nararamdaman niya na kailangan ng tulong ni Baekhyun.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon