Kabanata I

260 11 6
                                    

Luhan's POV

Boring.

Boring ang klase na pinasukan ni Luhan kanina kaya pagkalabas palang ng prof nila lumabas agad siya dahil naso-suffocate siya sa dami ng taong nakapaligid sa kanya.

"Luhan!" tawag ng mga kaklase ni Luhan. Naamoy  agad niya ang malansang dugo ng mga tao sa paligid niya at mas tumapang pa ito nung lumapit sa kanya ang classmate niya.

"sumama ka sa amin mamaya mag vivideoke tayo!" kumapit sa braso ni Luhan  si Joy na mahilig mag videoke at magyaya ng mga hangouts kapag weekends pero..

"ayoko, may part time pa ako mamaya eh.." yan lagi ang sagot ni Luhan sa kanila. Inalis ni Luhan ang pagkakapit sa braso niya ni Joy kaya sumimangot ito. Alam ni Luhan mag tatampo nanaman ito sa kanya dahil ito na ata ang pang labing anim na pagtanggi niya sa kaklase.

"lagi naman yan ang dahilan mo!" sabi naman ni Irene kaklase din ni Luhan. "ang sabihin mo ayaw mo talaga kaming kasama.." dagdag ni Irene para konsesyahin lalo si Luhan.

"Hindi naman sa ganun, kailangan ko lang talaga mag trabaho para sa amin ni Mama." totoo naman ang sinasabi ni Luhan, bukod na isa siyang half-vampire kailangan din niyang magtrabaho para sa kanila ng Mama niya.

"hmm okay! basta kapag naging free ka wag kang mag hesitate na tawagan ako!" sabi ni Irene tapos nag wink siya bago umalis kasama ang apat pa niyang mga kaibigan.

Napailing nalang si Luhan sa kanila, ang totoo niyan mabait naman sila at masaya kasama kapag sa klase sila ang nagbibigay saya. Pero hindi pwedeng magtagal si Luhan kasama sila dahil baka mawala siya sa sarili niya at masaktan niya ang mga kaibigan.

Pagkatapos ng klase nila agad umuwi si Luhan pero habang naglalakad siya nakaramdam siya ng isang awra. Isang awra ng Vampire.

Isa sa mga kakayanan ng mga vampires ang makipag usap gamit ang isip kaya ginawa ni Luhan yun.

"Sino ka?"

"Ah you got me!" lumabas ang isang lalaking may malapusong labi at halos kasing taas lang ni Luhan. Nakangiti itong lumapit kay Luhan.

"sino ka?" tanong ulit ni Luhan.

"Kyungsoo Do, I'm a vampire like you.. pero pakiramdam ko hindi ka pure vampire... may naamoy akong" inamoy muli niya ang awra ni Luhan. "human blood sa katawan mo."

"Ako si Lu Han, half vampire half human." pakilala ni Luhan.

"I knew it!" nakangiti nitong sabi, nilahad ang kanang kamay para makipagkamay kay Luhan. "bagong transfer ako sa school niyo, naamoy agad kita kaya sinundan kita!"

"bakit mo ako sinusundan? anong kailangan mo?" tanong ni Luhan, nakataas pa rin ang depensa kung sakaling kalaban ang kaharap niya.

"I'm looking for a friend or maybe a bloodsucker buddy.."

Tanong ni Kyungsoo pero tumalikod lang si Luhan at naglakad paalis pero sumunod pa rin si Kyungsoo sa kanya. "matagal na kaming tumigil ni Mama, natuto na kaming kumain ng mga pagkain ng tao.."
sinanay si Luhan ng kanyang Mama bago siya pinayagan makisalamuha sa mga tao. Dahil sa panahon nila isang kalaban ang turing ng mga tao sa vampire at demons kaya nagtatago sila sa mga ito.

"Really?" sinabayan ni Kyungsoo sa paglalakad si Luhan. "ang galing naman... pero di mo mapipigilan ang instincts Luhan.."

"alam ko.. kaya hanggat maaari di ako nag stay ng matagal kasama sila.." kaya lagi din mag isa si Luhan kapag pumapasok sa school para makaiwas.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon