D-19 before the 30th sunrise
Pagdating ni Luhan at Sehun sa bahay medyo madilim na kaya sinalubong sila ni Kyungsoo at Baekhyun habang naka cross arms at nakataas ang isang kilay.
Nung napansin ni Luhan ang dalawang kaibigan agad siyang napabitaw sa kamay ni Sehun at may kaba sa dibdib.
"what was that?" gulat na tanong ni Kyungsoo dahil sa nakita niya.
"kayo na din?" napaurong si Kyungsoo ng sandali dahil sa sinabi ni Baekhyun, hindi pa rin siya sanay na mapagusapan sila ni Kai.
"din?" lumapit si Luhan sa dalawang kaibigan habang si Sehun inaayos yung bike sa puno tapos lumapit din siya at pumunta sa likod ni Luhan.
"kasi si Kai at Kyungsoo sila na eh tapos ngayon kayo naman?"
Parehas na nagulat si Sehun at Luhan sa narinig, habang si Kyungsoo naman halos manliit sa kinatatayuan niya.
"Hindi naman sa pinipigilan ko kayo pero paalala ko lang na demons sila at kapag natuloy ang propesiya mawawala sila iiwan nila kayo sasabihin ko na ngayon pa lang, masasaktan kayo..." tumingin si Baekhyun kay Luhan "at ikaw Luhan sana hindi mabago nito yung mission natin"
Biglang lumungkot ang paligid sa sinabi ni Baekhyun, dahil lahat ng sinabi niya ay tama.
"I understand Baekhyun, pero sinasabi ko na hindi ako hadlang sa mission niyo.." sabi ni Sehun "maybe this sound cheesy pero handa akong mamatay para kay Luhan hindi ko siya hahayaang mamatay sa kamay ng kapatid ko."
"siguraduhin mo lang." banta ni Baekhyun bago pumasok sa loob ng bahay nasalubong niya si Kai pero hindi siya nito pinansin. Paglabas ni Kai nakita niya si Kyungsoo, Luhan at Sehun na medyo gloomy ang mga mukha.
"so what happen here?" tanong ni Kai, inexplain lahat ni Kyungsoo ang nangyari.
"well congratulations to us this calls for a celebration!" masayang sabi ni Kai, nakakuha siya ng pagsiko mula kay Kyungsoo dahil sa pagiging insensitive nito. "bakit ba sobrang concern kayo sa buhay namin ni Sehun, pinili namin 'to dahil gusto naming matigil na yung dugo ng demon na dumadaloy sa amin.."
"wag kayong magalala may plano kami ni Kai..lahat gagawin namin para makabalik dito" pag aassure ni Sehun, nagkatinginan sila ni Kai dahil wala naman talaga silang plano ni Kai at ni hindi nga sila sigurado kung may after life ba talaga.
"bonus niyo na sa amin ni Sehun 'to, consider it as a deal...19 days tapos after kalimutan niyo na kami.." biro ni Kai pero hindi nabago nun ang mood ni Kyungsoo at Luhan.
May naramdaman si Kai at Sehun na nakamasid sa kanila.
"pumasok na kayo sa loob.." yaya ni Kai, hinila naman ni Kyungsoo si Luhan para pumasok na sa loob, nung nakapasok na sila sinarado nila yung pinto."Nandito si Chanyeol.." bulong ni Kai tumingin sila ni Sehun sa madilim na kagubatan, may kaba sa dibdib nila dahil baka maraming demons na kasama si Chanyeol kaya sila na ang lumapit.
Sinundan nila yung pakiramdam nila hanggang sa mapunta sila sa gitna ng kagubatan kung saan tanging liwanag mula sa buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa kanila. Pero kitang kita nila ang mga ngiti ni Chanyeol na nakakaloko, nakasuot kasi ito ng isang itim na sleeves nakabukas ang unang tatlong butones kaya nakikita ang dibdib nito, isama pa ng masikip na pantalon nito at black leather shoes.
Hinanda ni Sehun at Kai ang sarili nila para sa pwedeng laban na mangyayari.
"look what we have here, the bastard and the traitor" umpisa ni Chanyeol habang naka ngisi pa, na lalong kinainis ni Sehun at Kai.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.