[ Author's Note: SURPRISE! Akala niyo tapos na ano? At dahil love na love ko kayo ito na talaga ang wakas! At remember first chapter ko sabi 'Panimula' syempre pag may panimula edi may 'wakas'! ENJOY GUYS! ]
*****
After nila mag bonding mag hapon, umuwi na silang lahat sa kani kanilang bahay. Naiwan ulit si Baekhyun at Aeri sa bahay nila, si Aeri nakatulog na sa sofa dahil sa pagod habang si Baekhyun naman busy mag linis ng mga laruan ni Aeri na nakakalat sa sahig. Napatigil si Baekhyun sa paglilinis ng biglang may nag doorbell, tumingin siya sa orasan 7PM na kaya nagtaka siya dahil wala na siyang inaasahang bisita.
"Daddy I will get it." sabi ni Aeri, bumangon ito habang nagkukusot pa ng mata. Hinayaan nalang ni Baekhyun at tinapos na yung pagliligpit niya. Nagtaka si Baekhyun dahil ang tagal bumalik ni Aeri.
"Aeri? sinong nasa pinto?" tumayo si Baekhyun para i-check kung sino yung dumating ngunit papunta na sana siya sa pinto may isang familiar na pigura ang lumalakad palapit sa kanya habang buhat buhat nito ang anak niya....or I must say anak nila.
"chanyeol?" lumapit si Baekhyun sa lalaking nasa harap niya at agad niyang kinuha si Aeri na nakatulog sa balikat ng istranghero na may hawig kay Chanyeol. Hiniga niya si Aeri sa sofa tapos bumalik sa istranghero.
"impossible..kung sino ka man uma—" napatigil sa pagsasalita si Baekhyun nung bigla siyang halikan sa labi nung lalaki.
"walang impossible, Baekhyun." bumilis muli ang tibok ng puso ni Baekhyun.
"Chan..yeol? ikaw ba talaga yan?" pinagmasdan ni Baekhyun ang mukha nito mula sa buhok at mga labi halos walang nagbago.
"yup, di ba sabi ko sayo kapag lalaki ang anak natin Byeol ang ipangalan mo..bakit Aeri pangalan niya?"
"Chanyeol!" at dahil dun na confirm niya na siya talaga si Chanyeol agad na niyakap ni Baekhyun si Chanyeol. Parehas silang umiiyak sa saya dahil nakita na nila ulit ang isat isa.
"wait hindi ba ako nananaginip?" tanong ni Baekhyun sa sarili.
"nope" nakangiting sabi ni Chanyeol tapos dahan dahan niyang hinawakan ang mga pisngi ni Baekhyun at sinimulan uli niya itong halikan sa labi.
Walang mapaglagyan ang sayang nasa dibdib nilang dalawa.
*****
Hinatid na ni Kyungsoo si Minseok.
"Thanks Kyung! Kita tayo bukas!""sure, text mo lang ako kung saan."
"okay, ingat ka!" kinawayan ni Minseok si Kyungsoo habang pinagmamasdan ang kotse nito paalis, kinuha na ni Minseok ang susi niya sa bulsa niya.
"Min.." napatigil si Minseok at tumingala, nakita niya ang isang lalaki na kahawig ni Chen. Lumapit ng konti si Minseok tapos pinindot niya ang ilong nito.
"totoo ka, sino ka?" tanong ni Minseok.
"akala ko ba hindi mo ako makakalimutan?" niyakap nung lalaki si Minseok, at dahil dito na confirm na ni Minseok na si Chen talaga ang nakayakap sa kanya.
"nananaginip yata ako." lumayo si Chen sa yakap para halikan ang noo nito. "Chen ikaw ba talaga yan? totoo ba talaga to?"
Hinawakan ni Chen ang mukha nito sabay ngumiti at sinabing.
"oo" hinalikan niya ang tuktok ng ilong nito hanggang sa mapunta na ito sa mga labi ni Minseok.Hindi alam ni Minseok kung nananaginip ba siya o totoo na talaga na kasama niya si Chen. Dahil kung panaginip man ang lahat ayaw na niyang magising pa.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanficAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.