D-17 before the 30th sunrise
Sa bahay ni Chanyeol
"NAWALAN NA AKO NG CONTACT SA HEADQUARTERS!" sabi ni Kyungsoo habang chinecheck ang phone niya.
Unang umaga pa lang nila sa bahay ni Chanyeol problema agad ang bumungad kay Kyungsoo at Luhan, dahil nawala ang signal ng Vampire Headquarter sa GPS ni Kyungsoo.
"babalik ako sa headquarters." sabi ni Kyungsoo
"Hindi wag! delikado!" sigaw ni Luhan.
"Luhan I have to, baka kailangan nila ng tulong ko..si Junmyeon...." alam ni Kyungsoo na wala siya sa posisyon para sabihin kay Luhan na siya na ang namumuno dapat sa mga tao pero ayaw itong ipasabi ni Junmyeon para hindi masyadong alalahanin ni Luhan.
"bakit anong nangyari kay Junmyeon!?" tanong ni Luhan.
"wala basta!kailangan kong bumalik dun." kinuha ni Kyungsoo yung backpack niya "basta wag mo ng sabihin sa kanila na aalis ako" hinawakan ni Luhan ang kamay ni Kyungsoo.
"teka mag isa ka lang!"
"do I have a choice? wala na diba?" binuksan ni Kyungsoo ang pinto at bumungad si Kai sa kanila.
"yes you have a choice, me!" nakangiting sabi ni Kai pero umiwas lang si Kyungsoo at naglakad paalis.
"kanina ka pa ba nakikinig sa amin?" tumango lang si Kai habang nakangiti "hindi pwede mas kailangan ka ni Luhan dito!" dugtong ni Kyungsoo, tumigil siya sa paglalakad dahil hinawakan ang kamay niya ni Luhan.
"hindi ako papayag na umalis ka kung hindi mo kasama si Kai." sabi ni Luhan.
"wag na!kaya ko na ang sarili ko!" napabuntong hininga si Kyungsoo habang inaalis ang kamay ni Luhan.
"I swear kaya ko na.""I won't let you go out there alone, ako ang boyfriend remember." sabi ni Kai.
"Mas mag aalala ako sayo kung wala kang kasama." sabi ni Luhan "at for sure ganun din si Baekhyun."
Napabuntong hininga muna si Kyungsoo bago ibigay kay Kai yung backpack niya.
"ikaw magdala niyan ako magdadrive" pero binalik lang ni Kai yung bag kay Kyungsoo.
"sinong may sabing magdadrive ka" niyakap ni Kai si Kyungsoo at nag teleport papunta sa Headquarters ng mga Vampires. Nagulat si Kyungsoo kaya binigyan niya ng batok si Kai. "aray!" sabi nito habang hinihimas ang ulo(yung sa taas!kayo ha!) nito.
"ikaw kasi di pa ako nag paalam kay Luhan ng maayos!"
"hoy ikaw ha! I'm starting to get jealous kay Luhan ha? pwede lumayo ka sa kanya."
"ewan ko sayo." tumingin sa paligid si Kyungsoo at pumasok sa headquarters, pinunch niya ang code hanggang sa magbukas ito. Nagulat siya dahil walang kahit sino ang nasa loob nito, sira sira ang paligid at madaming mga patay na vampires at humans sa quadrangle.
"what happen here?" gulat na sabi ni Kyungsoo tumakbo siya pababa sa Underground HQ sira ang pinto nito at walang tao sa loob abandonado na rin ang mga hospital bed. Hinanap siya si Minseok at Chen pero wala sila sa loob.
"mga demons ang may gawa nito" lumingon si Kyungsoo nakita niya si Kai na may tinitignan na bangkay na may malaking kalmot sa likod.
"yup gawa namin" isang boses ng lalaki ang kumuha sa atensyon ni Kai at Kyungsoo, mula ito sa taas kaya napatingin sila dito. "but take note we are not just demons, we are demon AND vampire" bumaba ang lalaking nag sasalita para harapin si Kyungsoo at Kai.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.