Note: the following content is rated SPG, includes explicit scenes which may not suitable for young audiences. Read at your own risk and open mindedly.
*****
Sa Vampires Headquarters
Pumasok si Luhan sa infirmary para dalawin ang Mama niya na masalukuyang nakahiga sa kama maputla at humaba na ang buhok nito.
"Ma, kamusta ang pakiramdam mo?" umupo si Luhan sa tabi ng kama ng Mama niya, hinawakan niya ang kamay nito.
"okay lang ako." mahinang sagot ng Mama ni Luhan pero kahit ganun nakuha pa rin niyang ngumiti dahil nakita niya ang nag iisa niyang anak. "magkwento ka" sabi nito, dahil maraming araw na din ang lumipas na hindi niya alam ang nangyayari sa anak.
Pinipilit pinipigilan maluha ni Luhan dahil ramdam niya ang panghihina ng Mama niya base sa mahihinang paghinga nito.
"ano bang kukwento ko hmm?" sabi ni Luhan habang nagiisip kung anong dapat ikwento pero tanging si Sehun lang ang naisip niya dahil tanging siya lang ang hindi niya pa nakukwento sa Mama niya.
Tumingin muna sa paligid si Luhan dahil baka may makarinig sa sasabihin niya lalo na kapag narinig ito ni Kyungsoo at Baekhyun alam niyang hindi nila ito magugustuhan. "alam mo ma." bulong ni Luhan habang hinahaplos yung kamay ng Mama niya.
"nakakilala ako ng isang demon." ngumiti ang Mama niya pero nakapikit pa rin ito. "siya si Sehun, half human half demon sabi niya sa akin gusto niya akong maging kaibigan ang galing diba kahit magkaiba kami gusto pa rin niyang maging magkaibigan kami, tapos kahapon nung nasa school ako may kasama siyang mga demons hinahanap nila ako... tapos ma niligtas at pinagtanggol niya ako akala ko mahuhuli na ako pero dahil sa kanya nakaligtas ako sa mga Demons na yun."
"anak" Dumilat ang mga mata ng Mama ni Luhan tumingin sa direksyon ni Luhan. "huwag ka basta magtitiwala sa kanila, mag iingat ka dahil baka ginagamit nila ang kahinaan mo para mahuli ka nila..tibayan mo ang puso mo anak" nag aalala lang siya. Bilang isang ina alam niya na kulang sa pagmamahal ang anak niya, hindi niya yun napunan dahil gusto niya maging matapang si Luhan na kayanin ang panganib ng mundo mag isa.
"yes ma" sagot ni Luhan. Muling pumikit ang Mama niya, hinyaan niyang magpahinga ito.
Pumasok na si Luhan sa loob ng Quarantine Room niya. Hindi sanay si Luhan sa kwarto na ang tanging nakikita ay puting pader at kisame, may isang kama, mesa't upuan at isang confort room.
Umupo si Luhan sa dulo ng kama niya, kinuha ang remote para buksan ang TV para sana libangin ang sarili niya. Pagbukas niya isang news anchor agad ang bumungad sa kanya.
"pinapaalalahanan na mag ingat ang lahat sa mga Demons na lumilipad sa paligid, hangga't maaari magtago sa kanilang mga tahanan para sa seguridad ng lahat" pinatay agad ni Luhan ang TV.
Nagkakagulo na ang mundo dahil sa propesiya at sa mga Demons na naghahasik muli ng lagim. Inip na inip na si Luhan, gusto na niya itong matapos. Gusto na niyang dumating ang 30th sunset.
Napabuntong hininga nalang si Luhan bago humiga at gumawa ng tulog na matagal na niyang hindi nagagawa.
*****
Inis na inis si Chanyeol na nagdrive papunta sa HQ ng mga Vampires. Naiinis niya sa pagiging mailap ng mga ito at kagalingan nilang magtago dahil pati si Luhan naitago agad nila.
Tumigil si Chanyeol sa isang parte ng kagubatan kung saan may daan papunta sa Vampire's HQ. Alam niya ang lugar na uto dahil madalas niyang sundan si Baekhyun at ito ang kagubatan na lagi niyang pinapasukan.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanficAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.