Sa Enchantress Forests
Unang gabi ng magkakaibigan sa Enchantress forests nag stay silang lahat sa paligid ng isang malaking bonfire sa tabi ng falls na pinagliguan nila. Tuyo na ang mga damit nila, wala na din ang mga sugat sa katawan nila.
Tahimik lang silang nag kukwentuhan about sa mga buhay nila pero si Junmyeon tahimik lang sa isang tabi nakikinig sa masasayang kwento ng mga kasama niya.
Ang naalala lang niyang masaya sa buhay niya ay nung magkasama sila ni Lay na pumupunta sa carnival, gusto niyang pumunta ulit doon at wag ng umalis sa alaalang yun. Dahil sa ngayon ang tanging naalala nalang niya ay ang masasakit na kagat at sapal sa kanya ng dating kaibigan.Hinaplos niya yung leeg niya na may kagat mula sa dalawang demons na kinasusuklaman niya.
"Sir, okay ka lang ba?" umupo si Kyungsoo sa tabi ng leader nila binigyan lang nito ng matipid na ngiti.
"okay lang ako, thank you nga pala sa pagbabantay niyo ni Baekhyun kay Luhan maasahan ko talaga kayong dalawa."
"It's nothing compare sa lahat ng mga ginawa mo para sa community ng Vampires at Humans." sabi ni Kyungsoo habang pinagmamasdan ang mga kaibigan niya na mga may kanya kanyang kwentuhan din.
"it's nothing..wala akong magawa para protektahan sila, I'm a useless leader now."
"hindi totoo yan, gagawa tayo ng paraan para mailigtas ang mga kasamahan natin Sir...remember that you are not alone in this war." sabi ni Kyungsoo sabay tinap niya yung likod ni Junmyeon para hindi ito panghinaan ng loob.
D-11 before the 30th sunrise
Pagsapit ng umaga nagulantang ang lahat sa kaguluhang nangyayari sa loob ng modernong kastilyo ng mga sorceress. At dahil nasa labas ang mga Vampires at Demons wala kahit anong nakakaalam sa kanila kung anong nangyayari sa loob at dahil na rin sa mataas na mga pader na pumapaligid dito.
"titignan namin ni Sehun ang nangyayari sa loob." mas lalong lumakas ang mga sigawan at mga pagsabog sa loob kaya mas lalong kinabahan ang lahat.
Lumipad si Sehun at Chanyeol papunta kung saan nangagagaling ang kaguluhan sumunod na din si Chen dahil nakita niyang kailangan ng tulong ng sorceress at nasa panganib sila.
Isang malakas na sigaw mula sa taas ang narinig ni Kai, dalawang demon ang papalapit sa kanila kaya agad niyang kinalaban ito paglapag sa lupa, nakabawas ang pagkawala ng pakpak niya sa kakayahan niyang lumaban mabuti nalang nanjan si Kyungsoo para tulungan siya.
"Baekhyun umalis na kayo ni Luhan dito, tumakbo kayo bilis!" utos ni Junmyeon agad naman na tumakbo ang dalawa kahit saan basta malayo sa mga demons na lumulusob sila.
Lumaban kasama ni Kai at Kyungsoo si Junmyeon at Minseok, binigay lahat ni Junmyeon makapatay lang ng mga Demons kahit hindi ito sanay sa pakikipag laban. Mas lalong dumami ang mga kalaban nila kaya nasama sama nalang silang tatlo ang binantayan ang isat isa.
Samantala parehas din na eksena ang nangyayari sa loob ng kastilyo ng mga sorceress. Mabuti nalang marunong ang lahat ng sorceress na gumamit ng mga salamangka na kayang kumontrol sa apoy at kidlat.
"Queen Joy anong nangyayari akala ko ba protekatado tayo ng ginawa mong shield ang buong Enchantress Forest?" tanong ni Seulgi sa kapatid habang kasalukuyang linalabanan ang mga Demons na sumusugod sa kanila, nakapormang pabilog silang apat na magkakapatid habang nagtatapon ng mga bolang apoy sa mga demons.
"Isa lang ang pwedeng dahilan, may lumabas sa Enchantress Forests.."
"Ate! ang kastilyo natin!" napatingin silang apat habang gumuguho ang maganda nilang kastilyo na gawa sa matitibay na bato.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.