Bumalik si Kyungsoo kung saan niya iniwan si Baekhyun at ngayon kasama na niya si Kai. Kinuwento na ni Kai na kasama nila ni Sehun si Luhan, nung una hindi agad naniwala si Kyungsoo pero nawala din yun nung maalala niya ang pagliligtas sa kanya ni Kai nung may demon na gustong pumatay sa kanya.
Tumakbo si Kyungsoo nung nakita niya si Baekhyun nakahiga sa inuupuan niya nung huling kita niya kay Baekhyun.
"Baekhyun! gumising ka!" inangat ni Kyungsoo yung ulo ni Baekhyun at hiniga niya sa lap niya, namumutla yung mukha niya at puno ng pawis mainit din ang katawan nito."BAEK!" sigaw ni Kyungsoo habang tinatapik yung pisngi ni Baekhyun pero wala pa rin itong malay. Nagtaka lalo si Kyungsoo dahil sa pagkakaalam niya wala namang sakit si Baekhyun at impossibleng magkasakit siya. Umupo si Kai tapos binuhat niya si Baekhyun.
"Malapit na yung bahay ni Sehun dito" naglakad na sila papunta sa bahay ni Sehun.
Buhat buhat ni Kai si Baekhyun habang si Kyungsoo buhat buhat niya ang mga gamit nila. Tama si Kai malapit na pala talaga sila sa bahay ni Sehun, napapaligiran ito ng mga puno kaya mahirap siyang makita
Pagdating nilang tatlo sa bahay agad na lumapit si Sehun sa kanila, agad hiniga ni Kai si Baekhyun sofa.
"O anong nangyari kay Baekhyun?" nag aalalang tanong ni Sehun."si Luhan?" agad na tanong ni Kyungsoo.
"kyungsoo!" agad lumapit si Kyungsoo kay Luhan at niyakap ito, masaya silang dalawa na makita ang isat isa. Hindi mapigilang maiyak ni Luhan dahil akala niya hindi na siya hinanap ng mga ito at pinabayaan pero nagkamali siya.
"anong nangyari kay Baekhyun?" tanong ni Luhan tumingin silang dalawa kay Baekhyun sa malayo habang inaasikaso siya nila Sehun at Kai. Buti nalang doctor si Kai at may mga medical supplies din si Sehun.
"hindi ko alam? nung una nag paiwan siya sa akin kasi akala ko napagod lang siya habang hinahanap ka namin, pero nung chineck ko yung gps hindi man lang siya gumalaw sa pinagiwanan ko kaya pinuntahan namin siya pagdating namin wala na siyang malay.." nalinawan na si Luhan kaya pumasok siya sa kwarto at umupo sa kama, hindi kasi siya pwedeng lumapit kay Kai nanghihina siya kapg kasama niya ang isang pure demon.
Sumunod si Kyungsoo may kinuha siyang syringe at yung anti-suppression para sa mga Human half vampire ang gamot na 'to para hindi sila manghina kapag may mga demons na lumalapit sa kanila. Dinala 'to ni Kyungsoo para kahit may demons sa paligid niya hindi siya manghihina.
Huminga ng malalim si Luhan at sabay tinurok ni Kyungsoo sa balikat ni Luhan yung gamot, para hindi na siya manghina at maprotektahan niya ang sarili niya.
"we just need to wait for ten minutes para kumalat sa dugo mo yung gamot.." pinahiga ni Kyungsoo si Luhan at iniwan muna para magpahinga.
Lumabas si Kyungsoo ng kwarto, nakita niya si Sehun at Kai na nakaupo across Baekhyun na nakahiga sa sofa may dextrose tube na nakakabit sa braso niya na nakakabit sa nakasabit na dextrose sa living room lamppost na nakalagay sa tabi niya.
Lumapit siya kina Sehun at Kai.
"okay na siya" nakahinga naman ng maluwag si Kyungsoo sa sinabi ni Kai "bakit mo ba siya sinama sa paghahanap kay Luhan? alam mo naman na hindi pwedeng mapagod ang buntis.""BUNTIS?" sigaw ni Kyungsoo "seryoso ba kayo? paano niyo nalaman? I mean wala siyang boyfriend? Paano yun mangyayari?"
"dalawang heartbeat ang nararamdaman ko sa kanya, pero kung gusto mong makisiguro tanungin mo nalang siya paggising niya." malamig na tonong sabi ni Kai tapos tumayo siya para lumabas at magyosi, napagod siya sa mga nangyari ngayong araw. Umupo si Kyungsoo sa tabi ni Sehun, di pa rin siya makapaniwala na buntis talaga si Baekhyun.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.