Kabanata XLIV

75 9 4
                                    

《 Author's Note: Naiiyak din ako sa ginagawa ko 🎶 pasensya na~ may baon ba kayong tissue dyan? magbaon kayo okay? MAHABA ang chapter na ito! Don't read kung di kaya ang angst! anyways drop niyo username niyo sa twitter follow ko kayo gamit yung bagong gawakong twitter! Usap tayo guys i-bash niyo ko dun HAHA! 》

*****

Pagdating ni Luhan at Chanyeol sa kastilyo, lahat ng masamang kutob ni Luhan naging totoo nung makita niya si Sehun buhat buhat ni Kai. Walang buhay na nakalaglag ang mga kamay nito nangangatal ang kalamnan ni Luhan habang palapit na palapit si Kai sa kanya malungkot ang mga mata nito at tuyo na ang mga luha sa pisngi dahil sa sinapit ng kanyang matalik na kaibigan.

"se-sehun..." may mga luhang sabi ni Luhan, habang hina haplos ng nanginginig niyang kamay ang mukha ni Sehun. "sehun....gumising ka.." patuloy na dumadaloy ang luha ni Luhan, nanginginig na ang mga tuhod niya kaya inalalayan ni Kyungsoo si Luhan.

Mas lalong nadurog ang puso ni Luhan nung makita niya ang dugo sa tyan ni Sehun.

"Luhan" mahinang tawag ni Sehun nung naramdaman niya ang awra ni Luhan, pinipilit niyang maging malakas para maabutan niya si Luhan at gusto niya itong makita kahit sa huling pagkakataon.

Nagulat ang lahat dahil sa konting pag bukas ng mga mata ni Sehun.
"sehun..sehun! nandito na ako!" tuwang tuwa si Luhan na makitang buhay pa si Sehun, pero hindi pa rin tumitigil ang mga luha niya sa pagtulo. "dalhin na natin siya sa headquarters...pwed—pwede kang gamutin ni Yeri.." sabi ni Luhan.

Agad naman silang kumilos pabalik sa HQ kahit alam ng lahat na kahit gamutin ni Yeri ang sugat ni Sehun ay mawawala rin ito, gamit ang mga van nila wala ng may kakayahang mag teleport dahil sa pagod nila at naubusan na silang lahat ng lakas.

Dalawang oras nalang ang nalalabi bago lumiwanag at dumating ang 30th sunrise. Sobrang tahimik sa loob ng van, si Yoona ang nag dadrive katabi niya si Chanyeol, sa likod nakaupo si Kyungsoo at Kai nakadantay ang ulo ni Kyungsoo kay Kai habang tinatapik nito ang likod ng binata, si Chen nasa tabi habang nakatingin sa labas ng bintana pinagmamasdan ang dinadaanan nila. Habang si Sehun ay nakahiga habang nakaunan sa mga hita ni Luhan, maya't maya hinahaplos ni Luhan ang buhok nito habang nakahawak ang isang kamay niya sa kamay ni Sehun. Pinagmasdan lang ni Luhan ang bawat parte ng mukha ni Sehun.

Habang si Junmyeon naman ay nagpasyang maiwan para samahan muna si Lay, kahit wala na itong buhay ay gusto pa rin niya itong makasama kahit sa huling pagkakataon ng buhay nila. Ganun din si Tao at Kris, iniwan nila ito na nakaupo pa rin kung saan namatay si Kris.

Pagdating sa headquarters, sumalubong si Baekhyun at Minseok, nagulat sila ng biglang ilabas ni Kai si Sehun na halos wala ng buhay. Dumating si Yeri at agad siyang nilapitan ni Luhan.

"Yeri please..pagalingin mo siya.." lumuhod si Luhan sa harap nito na siyang kinagulat ng lahat. Hindi maiwasang maiyak ni Baekhyun at Kyungsoo dahil alam nila kung gaano ka mahal ni Luhan si Sehun, na kahit impossible na ang gusto niyang mabuhay si Sehun ay gagawin niya.

"Yeri..please..di ko kakayanin na mawala siya." nagmamakaawa uli si Luhan hindi kaya ni Yeri na makitang nalulingkot si Luhan, pinatayo niya si Luhan at niyakap saglit para pakalmahin ito.

Umalis siya sa yakap at hinaplos ang mukha ni Luhan.
"Luhan, alam mo na panandalian lang to..wala akong kapangyarihan na pigilan ang propesiya.." tumango si Luhan. Ngumiti nalang si Yeri lumapit kay Sehun na buhat buhat pa rin ni Kai.

"Yeri wag na~" bulong ni Sehun habang pinipilit na ngumiti kay Yeri dahil para sa kanya hindi na niya kailangang gamutin dahil malapit na silang mawala. Lumapit si Luhan sa kanila.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon