《 A/N: Rank 69 - vampires *smirks* 》
D-7 before the 30th Sunrise
"Yeri, umalis ka na! ibig sabihin hindi ka na makakabalik" kinakausap ni Yeri ang sarili habang sinusuong ang masukal na kagubatan kinukunsinti pa rin niya ang sarili na tulungan si Luhan.
"Yeri ginagawa mo 'to dahil Luhan needs your help!" patuloy sa pagsasalita si Yeri habang hinahampas ang mga damo na humaharang sa nilalakaran niya.
"Ah Nasaan na ba ako?" tumingin siya sa paligid niya pero tanging mga puno at mga halamang ligaw lang nakikita niya, mas lalo siyang nag alala dahil malapit na din mag gabi.Naiinis din siya dahil sa kanilang magkakapatid siya ang may pinaka mahinang kapangyarihan, ang tanging kaya lang niya ang gumamot ng mga sugat at sakit...at ang nagawa niya kay Luhan na nakaya nitong makausap ang taong gusto niyang makausap gamit ang isip.
"a sorceress traveling alone, this is very unusual" napatigil si Yeri sa paglalakad dahil sa boses ng isang babae lumingon siya sa likod, kaliwa, kanan pero wala siyang nakita.
"si-sino ka?"
"here" napalingon sa unahan si Yeri at nakita niya ang isang babaeng maganda, matangkad, may hanggang balikat na kulot na buhok at kulay hazelnut, nakasuot siya ng black na jacket at pants puting tshirt sa loob at ang umagaw sa atensyon ni Yeri ay ang samurai na nakakabit sa likod nito. Para kay Yeri ang astig niya tignan.
"SINO KA!" napahakbang patalikod ang sorceress. "papatayin mo ba ako? naku hindi wag muna! tutulungan ko pa si Luhan!" natakot siya dahil naramdaman niya na isang demon pala ang kaharap niya.
"HAHAHAHAHA alam mo nakakatawa ka!" nag cross arm si Yeri at sinamaan ito ng tingin dahil nainis siya sa tawa ng Demon na kaharap niya.
"Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?"
"how careless of you na sabihin mong ililigtas mo si Luhan sa isang Demon na katulad ko? hindi mo ba alam na madami kaming naghahanap sa kanya para patayin siya!"
"ah ganun ba...eh pwes kung ganun pala kakalabanin kita! papatayin kita!" banta ni Yeri, kahit sa loob loob niya alam niya na hindi siya marunong lumaban.
"kaya mo? hahaha sa lahat ng sorceress na nakita ko ikaw na ata ang pinaka mahina.."
"ako? huh? for your information I am Queen Yeri!" pagyayabang ni Yeri.
"I know" nagulat si Yeri dahil may iba pa palang Demon ang nakakakilala sa kanya bukod sa mga kaibigan ni Luhan. "kilala kita at ang mga kapatid mo..kaya nga alam ko na mahina ka."
Nakuyom ni Yeri ang kamao niya dahil sa inis niya.
"HINDI AKO MAHINA YAH!" sinuntok niya ang Demon habang nakapikit pero sinalo lang ng Demon ang suntok nito gamit ang palad niya. Ngumisi ang Demon dahil mas lalo niyang napatunayan na mahina ang sorceress."AAAAAH OUCH! OUCH! WAG!" sigaw ng sorceress habang pinipiga ang kamao niya ng demon. "tama na! ayoko na! ah! bitawan moko! oo nga! mahina na ako!"
Tumawa ng nakakaloko ang demon kaya binitawan na niya ang sorceress, napaupo at namilipit sa sakit si Yeri habang hinihimas ang kamao niya.
"AAAH ANG SAKIT!""hoy saan ka pupunta?!" sigaw ni Yeri sa demon habang naglalakad ito paalis. "hey wait!"
"Pwede ba wag kang sumunod sa akin?"
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanficAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.