Kabanata III

144 10 0
                                    

"Sehun bakit kanina ka pa tahimik dyan?" tanong ni Kai kay Sehun.

Natural naman na tahimik si Sehun pero kakaiba ang katahimikan nito may halong malalim na pag iisip. Simula nung bumalik sila galing sa labas at nung nakita niya si Luhan sa convenient store nag iba na ang kinikilos nito.

Hiling na Kai na sana may kapangyarihan din siya katulad ng mga vampires na kayang bumasa ng iniisip ng kahit sino.

"wala, may napansin lang ako sa lalaking nakita natin kanina."

"Teka!" tumayo si Kai at tumabi kay Sehun. "wag mong sabihin gusto mo siya? tol akin na yun babalikan ko nga siya bukas!"

"Sira ka talaga!alam mo namang bawal tayo makisama sa mga tao."

"Hindi naman ako mag papahuli, tsaka di ko naman seseryosohin yun." Pero nanghihinayang pa rin si Kai kung bakit naging Tao pa ang isang cute na katulad ni Luhan.

"Wag mo siyang gagalawin Kai." napaurong si Kai dahil sa mga nanlilisik na mga mata ni Sehun. "may iba akong nararamdaman sa kanya parang hindi siya tao."

"to nanaman tayo sa mga hinala mo."

"Saan kayo galing?" napatigil sa  si Sehun at Kai habang naglalakad sa hallway nung biglang may nagsalita sa likod nila. Yung ay walang iba kundi si Lay, ang pinuno ng mga Demos at kapatid ni Sehun.

"Hyung, sa labas lang." sabi ni Sehun, tumungo silang dalawa bilang paggalang kay Lay.

Si Lay ay ang huling tagapag mana ng trono ng mga Demons, siya ang namumuno sa kasalukuyan at halos sampung taon na siyang namumuno simula nung namatay ang tatay nila ni Sehun.

"'wag mo akong tawaging hyung kapag hindi tayo mag isa." nagulat si Kai kaya tumungo ulit ako dahil ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila ni Sehun.

"Sehun, alis na ako." paalam ni Kai kay Sehun, nag-bow pa siyang kay Lay bago umalis.

Pag-alis ni Kai naiwan si Sehun at Lay.
"Mag usap tayo sa office ko" gamit ang teleportation una itong umalis kaya ginawa na din yun ni Sehun at pumunta sa office niya. Naabutan na ni Sehun si Lay na naka upo sa trono niya.

"siguro alam mo na ang mali mo kanina"

"Sorry Hyung, di na mauulit" yun ang ayaw niya ang tinatawag siyang Hyung sa harap ng iba.

"good" nag cross legs siya. "simula bukas papasok ka na" maawtoridad na sinabi ni Lay.

"ha?"

"kasama mo si Kai, napag alamang nag aaral sa EXO University ang makaka pigil sa propesiya kailangan mo siyang hanapin"

"Hyung, sigurado ka ba? hindi pa nga natin alam kung ano ang nasa propesiya diba? baka naman hindi ang lahi natin—"

"wala akong pake!" sigaw ni Lay kaya napayuko ulit si Sehun dahil sa takot at sa anong pwede niyang gawin "sundin mo nalang ang gusto ko!wala tayong alam sa pwedeng mangyari mabuti ng handa tayo!"

Natahimik silang dalawa dahil sa isang katok mula sa pinto.
"Master Lay, si Park Chanyeol po ito."

"pumasok ka!" naramdaman agad ni Sehun ang pintig ng puso ni Chanyeol pagpasok niya sa pinto, naglakad ito at agad tumabi siya sa akin.

"Master" inis na inis talaga si Sehun kay Chanyeol simula't-simula dahil sa mayabang niyang awra.

Ngumiti si Lay habang nakatingin kay Chanyeol. "Sasamahan mo si Sehun at Kai na hanapin ang pipigil sa propesiya."

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon