Nung gabing yun lumipat nga silang anim sa bahay ni Chanyeol, nasa isang tuktok ito ng bundok na napapaligiran ng mga malalaking puno. Compare sa bahay ni Sehun, mas malaki ang bahay ni Chanyeol. Isa siyang napakalaking Mansion.
Napapaligiran ng mga salamin ang bahay madami itong malalaking kwarto at isang malaking kusina.
《 A/N: If you happen watched Twilight alam niyo yung bahay nila Edward? yun ganun siya! 》
"matagal na akong hindi nakakapunta dito dahil sa pagtatrabaho ko sa headquarters pero every month akong nagpapunta ng mga cleaners para linisin ang lugar" explain ni Chanyeol habang pa ika ikang pumasok sa sariling bahay, sumunod naman ang lima at dahil hindi na nakatiis si Baekhyun inalalayan na niya si Chanyeol na mag lakad.
"matagal na ba 'to?" tanong ni Kai habang tumitingin sa paligid.
"9 years ago?" Sagot ni Chanyeol.
"enough with the interview, kailangan mo ng magpahinga." sabi ni Baekhyun "saan ba ang kwarto mo?" tinuro ni Chanyeol yung itim na double door.
"may limang guest room sa taas kayo na ang bahala, feel at home just check the doors bago kayo matulog" paalala ni Chanyeol bago sila pumasok marami pa siyang gustong ipaalala sa mga kaibigan pero pinasok na nila ni Baekhyun ang kwarto niya.
"ako na ang bahala sa kanila" bulong ni Baekhyun, pagpasok nila sa kwarto may mga dalawang book shelf sa kanan at instrumental set sa kaliwa kumpleto ito mula drums, guitar, acoustic, electric at sa gitna nandun ang king size bed na kama nito pero nakaharap ito sa isang malaking glass window.
"wow!" sabi ni Baekhyun habang manghang mangha siya sa mga nakikita niya, inupo niya si Chanyeol sa kama. "ang ganda ng set up ng kama mo ah?"
"ah oo gusto ko kasi nakikita ko yung paligid kapag natutulog ako." mas gusto niya na kaharap ang mga puno sa labas kesa sa TV.
"magpahinga ka na.."
"salamat sa..salamat sa lahat lahat" sagot ni Chanyeol pero binigyan lang siya nito ng matipid na ngiti bago mag lakad papunta sa pinto pero tumigil ito.
"ayos ka lang ba talaga?" hindi mapalagay si Baekhyun dahil sa lagay ni Chanyeol, hindi niya alam kung bakit ganito siya mag alala. "ano bang ginawa mo sa akin!? dapat nagagalit ako sayo dapat di kita kinakausap!"
"co...connected na kasi tayong dalawa kaya lahat ng nararamdaman ko pwede mo na ring maramdaman, sorry" paliwanag ni Chanyeol habang nakayuko. "pero wag kang mag alala ayos na ako"
"hindi ako nag aalala sayo, kundi mo lang ako kinagat di ako magkakaganito." pagtanggi ni Baekhyun. "dito na ako matutulog"
"HA? dito?" sinamaan siya ng tingin ni Baekhyun, kaya pumayag nalang ito. "okay sige"
****
D-18 before the 30th sunrise
Sa Vampire's HQ
Abala si Junmyeon na mag ligtas ng mga Vampires at Humans laban sa mga Demons na maya't mayang dumadagit at pumapatay. Dahil inutos ni Lay na patayin lahat ng Vampires at Humans, malaking responsibilidad ang iniwan ni Levin kay Junmyeon dahil siya na rin ang namumuno pan samantala sa mga tao habang wala pa si Luhan.
Si Junmyeon kasama ang mga Vampire Protection Squad ay sumama kina Chen at ang mga kasamahan nitong Demon Headhunters para magligtas ng mga inosenteng Humans na naipit sa gulo ng mga Demons.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.