Kabanata XLV

75 8 0
                                    

《 Author's Note: Hi guys, I know some of you hate me dahil sa angsty chapter last time pero atleast nasa last Chapter na tayo! matatapos na ang pagdurusa niyo sa librong to. huhuhu anyway Maraming maraming salamat sa lahat ng bumasa at sumubaybay kilala niyo na kung sino kayo basta maraming salamat! For the first time, I finished a 45 chapter na book, alam niyo ba? syempre hindi haha sorry epal ako! pero alam niyo ba? SYEMPRE HINDI NGA! HAHAH sorry serious na! hahaha alam niyo ba na balak ko lang na gawing 30 Chapters lang to kaso yung mga ideas ko pasok ng pasok kaya humahaba ng humahaba. So ayun! Thank you ulit guys! Kahit ayaw niyo sa akin, mahal ko pa rin kayo. 》

5 Years Later

Luhan's POV

"Sehunnie bukas na tayo pupunta kina Aeri, malakas ang ulan.." nung sinabi ko yun agad na sumimangot si Sehun...my little Sehun. Five years ago, I gave birth to a healthy cute baby boy is siyang human nagulat nga ako kasi half vampire at half demon kami ni Sehun pero namana niya sa aming mga dugo ay ang human blood namin. Pero sabi ng mga doctor simula nung nawala ang mga Demons, lahat ng baby na pinanganak after ay ipapanganak ng Humans. Kaya yung anak ni Baekhyun Human din siya kahit parehang pure blood Vampires at Demons sila ni Chanyeol.

Sinunod ko ang pangalan niya kay Sehun dahil si Sehunnie lang ang natitirang alaala ko kay Sehun, sa fiancé ko slash sa Daddy niya.

Sa bawat paghinga ko si Sehun lang ang nasa isip at nasa puso ko, kahit kapag nasusulyapan ko ang kahapon siya pa rin nasa mga alaala ko. Magsisinungaling ako kung sabihin kong hindi ko siya namimiss, araw araw pinapanalangin ko na sana makabalik siya na kahit impossible, ayos lang atleast nag try ako.

"Daddy, bakit hindi pwedeng lumabas pag..pag umuulan?" tanong ni Sehunnie habang nakadapa sa backrest ng sofa pinagmamasdan ang malakas na ulan sa bintana, matanong talaga siya simula nung 4 years old siya. Madalas siyang mag pakwento sa akin about kay Sehun at lahat ng ginawa ni Sehun para sa amin kinukwento ko lagi. At lahat yun laging hinahangaan ni Sehunnie.

"pwede naman nak, basta naka umbrella ka at hindi ganyan kalakas." umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan din ang makulimlim na langit at ang bawat patak nito sa bintana.

"hmm~" ibigsabihin naintindihan na niya, pero for sure may follow up question yan. "Daddy mag umbrella nalang tayo punta tayo kay Aeri"

"anak hindi pwede it's dangerous outside kapag sobrang lakas ng ulan..what did I told you?"

"Sehunnie should always listen to Daddy Luhan, Daddy Sehun's order." sabi niya habang nakapout I cupped his face, kamukhang kamukha niya si Sehun kaya napapawi yung pagka miss ko sa kanya kapag pinagmamasdan ko si Sehunnie.

"Daddy when the rain stops..can..can we go to Aeri?" tumango ako habang nakangiti at inaayos yung buhok niya. Nagulat ako nung bigla niyang pinikit ang mga mata niya tapos pinagsama niya ang mga palad niya.

"what are you doing?" tanong ko.

"sssshss~ Daddy, I'm wishing to my lolo...to...to stop the rain" napatawa nalang ako habang pinagmamasdan siya. "like you always do" bulong niya.

"yes, that's right baby~" hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya, tapos pumunta na ako ng kusina para magluto ng lunch namin.

Maglu lunch sana kami ni Baekhyun kasama ang anak niyang si Aeri dahil parehas naming day off sa trabaho kaso wrong timing yung ulan, since magkaibigan kami ni Baekhyun at lagi kaming nagkikita naging playmate na rin sila ni Aeri.

"DADDDDY!" napatakbo agad ako sa sala dahil sa pag sigaw ni Sehunnie. Tapos biglang tumakbo siya palapit sa akin umupo ako para makapantay ang mukha niya at agad kong chineck ang katawan niya at mukha baka kung anong nangyari sa kanya.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon