Kabanata XXXII

59 5 0
                                    

Sa Demon's HQ

"CHEN! PAKAWALAN MO AKO DITO!" sigaw ni Minseok habang nagpupumiglas sa kadenang nilagay ni Chen, nung na hypnotize si Chen nahuli niya si Minseok at agad na dinala sa headquarters ng mga demons yan ang inutos ni Kris sa kanya. Sinama siya sa mga binihag ni Lay at Kris, mas naawa si Minseok sa mga inosente niyang kasamahan dahil matagal siyang wala kaya mas malala ang mga sugat nila sa katawan ang iba namatay na sa tabi nila.

Tumingin sa paligid si Minseok kumpara dati mas maunti ang mga demons na nakabantay sa quadrangle kung saan nakalagak ang lahat ng mga bihag. In total may sampung demons lang ang nakapaligid sa lugar, nung pumasok siya may dalawang nakabantay sa pinto, dalawang naglilibot sa labas, lima sa loob ng quadrangle at isa sa harap niya si Chen. Hindi niya alam kung paano pababalikin sa dati si Chen kaya kumalma na muna siya.

"SIR! ANONG NANGYARI SA INYO?" tanong ng kalapit ni Minseok, nagtaka si Minseok dahil tinawag niyang Sir si Chen. "SIR AKALA KO BA KAKAMPI KA NAMIN? SIR AKO TO SI EUNWOO!"

"TAHIMIK LAHAT NG ALIPIN! BAWAL MAGSALITA! SUMUNOD LANG KAYO SA UTOS NI MASTER KRIS!" sigaw ni Chen habang nililibot ang pula at matatalas nitong mata sa lahat ng mga bihag.

"Sir" bulong ni Eunwoo dahil alam niya na hindi si Chen ang nasa harap niya, dahil ang Sir Chen na tinitingala niya ay hinding hindi tatawaging Master ang kahit na sino. Dahil para sa kanya walang nag hahari sa mundo kundi si God Universe.

"na-control siya ng isang devamp kaya hindi niya tayo makilala.." sabi ni Minseok sa kalapit niya. "Minseok nga pala, ako ang boyfriend ng sira ulong yan haha.." natawa si Minseok dahil yun nalang ang pwede niyang gawin para mawala sa isip niya ang problema.

Tumawa din naman si Eunwoo ng konti.

"nice to meet you, ako si Eunwoo..isa lang akong intern ni Sir Chen sa Squad niya pero tinuring niya agad akong kaibigan nung pumasok ako sa squad niya.." sabi ni Eunwoo habang inaalala nung unang salta niya sa squad nila Chen, ang gusto lang niya ay mag ligtas ng mga buhay pero hindi siya nakakahabol sa ibang kasama niya dahil mahina siya pero nandun si Chen para sanayin siyang makipag laban hanggang masanay ito sa paglalaban. Malaki ang pasasalamat niya kay Chen dahil hindi lang sa pagsasanay siya inalalayan niyo kundi sa pakikipag kaibigan sa ibat ibang lahi. Pinakita sa kanya ni Chen na kay God Universe lang ang pinanggalingan ng mga Vampires, Demons at Humans na wala dapat ang naghahari o maghahari sa mundo kundi siya lang.

"nice to meet you too" ngumiti si Minseok tapos tumingin ulit siya sa mga bihag. "ilan na sa tingin mo ang mga bihag dito?"

"200? may mga ilan silang bihag pa sa ibang headquarters nila sa ibang lugar..."

"bakit alam mo yan?"

"pinag aralan ko lahat ng mga headquarters ng mga Demons kahit hindi namin sakop ang ibang lugar para mag ligtas." tumingin siya kay Chen na naglalakad sa paligid ng quadrangle binabantayan ng mabuti ang mga bihag "si Sir Chen alam din niya ang pasikot sikot sa headquarters ng mga demons, lahat yun pare parehas kahit sa ibang lugar..Itong nasa Seoul ang main dahil nandito si Lay ang pinuno ng mga Demons...sa tuktok ng headquarters nila dun nakalagay lahat ng CCTV at lahat ng mga satellite na naka connect sa ibang headquarters sa mundo..kaya isang utos lang ni Lay mangyayari na rin yun sa ibang lugar."

"Ibigsabihin hindi lang dito sa atin nag kakagulo?" tumango si Eunwoo, nagulat si Minseok dahil kay Luhan pala talaga nakasalalay ang kaligtasan at kapayapaan ng buong mundo.

"AAAH!" sumigaw si Chen kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat pati na rin ang mga demons na nagbabantay sa kanila. Tumingin siya sa paligid ng may pagtataka, nahagip ng tingin niya si Minseok at Eunwoo na nag uusap. Nagtataka siya kung nasaan sila dahil ang huling alaala niya ay nakikipaglaban siya sa mga Demons. Dahan dahan siyang lumakad palapit kay Minseok.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon