Sa Safe House ni Sehun
Hindi pa rin nag sisink in sa utak ni Luhan ang lahat ng pangyayari, puno ng galit ang kanyang puso dahil sa pagpatay sa Mama niya at ang pagkuha ni Sehun ng virginity niya. Galit na galit siya sa lahat ng demons at nagsisisi siya na nagtiwala siya kay Sehun, kaya naisip niyang tumakas since naiwan siya sa kwarto magisa sumilip muna siya sa labas at nakita niya si Kai at Sehun na nag uusap. Hindi niya marinig ang pinaguusapan nila kaya bumalik na siya sa pag aakyat sa bintana dahil yun lang ang tanging daan palabas sa kwarto.
"nasaan ba ako?" bulong ni Luhan nung nakaayat si Luhan sa bintana puro matataas na puno lang ang nakikita niya nagdalawang isip siyang tumalong dahil sa taas ng babagsakan niya.
"LUHAN!" sigaw ni Sehun tama ang hinala niya tatakas ang binata tumingin lang si Luhan ng masama sa kanya na kinalungkot niya, ito yung ayaw niya sa lahat ang magalit sa kanya si Luhan.
Tumalon si Luhan sa bintana pero hindi niya inaasahan na may makakasalo sa kanya at yun ay walang iba kundi si Kai. Nagkatinginan ang dalawa pero ngumisi lang si Kai sa kanya, binuhat siya nito parang isang sakong bigas sa balikat niya. Nagpumiglas si Luhan pero tumawa lang si Kai, hindi alam ni Luhan kung paano makakawala sa mga demonyong bumihag sa kanya.
"ganito ba mag thank you ang mga Vampire? after namin talikuran ang sariling lahi namin para protektahan ka tatakasan mo lang kami?" nag lakad si Kai papasok sa bahay na sinalubong naman sila ni Sehun na may kaba sa dibdib dahil makakaharap muli niya si Luhan after nung nangyari sa kanila binaba ni Kai si Luhan at pinaupo sa sofa masama ang tingin niya sa dalawa dahil sinisisi niya ang mga ito sa pagkamatay ng Mama niya. Umupo sa tapat niya si Kai at Sehun.
"HINDI NIYO AKO MAPAPATAY PARA MALIGTAS ANG LAHI NIYO, I WILL MAKE SURE NA MAUUBOS KAYO!" galit na galit na sabi ni Luhan.
"woah that's scary" bulong ni Kai siniko naman siya ni Sehun para semeryoso.
"Luhan sorry sa nangyari sa mama mo, sorry hindi ako nakadating ng mas maaga natakot kasi ako sa kuya ko..kahit ako nasusuka na sa ugali niya at sa lahi namin, kaya nga nandito kami ni Kai para protektahan ka sa kanya" explain ni Sehun "at yung nangyari sa atin hindi ko sinsadya yun, I let you suck my blood kasi nanghihina ka na at wala akong choice kundi ibigay ang dugo ko..pero di ko alam may epekto pala sayo 'to..you keep calling me master—"
"STOP IT!" sigaw ni Luhan gusto niyang maniwala sa mga sinasabi ni Sehun pero hinding hindi na siya magtitiwala sa mga katulad nila.
"akala niyo siguro makukuha niyo ako sa mga maamo niyong mukha at pagkukunwaring concern sa akin? pwes hindi! dahil kayong mga Demons walang ibang ginawa kundi manloko at kumuha ng mga buhay!" galit na sabi ni Luhan, hinding hindi na siya maniniwala at magpapaloko pa sa mga Demons.Tumawa ng napakalakas si Kai dahil sa mga narinig niya kay Luhan, siniko siya ulit ni Sehun para tumigil pero patuloy pa rin 'to sa pagtawa.
"okay Mr. Luhan slash savior of all, nag iisip ka ba o sadyang wala ka lang talagang utang na loob?""Tama na Kai!" sigaw ni Sehun pero hindi na ito yung tamang panahon para magpigil si Kai, hindi siya makakapayag na pagsabihan ng masama ang kaibigan niya.
"Sehun stop protecting this doofus" tumingin siya ulit kay Luhan ng magkasalubong ang kilay
"I wonder bakit buhay ka pa hanggang ngayon? kung masamang Demons kami ni Sehun dapat patay ka na at inuuod na yang Vampire body mo sa lupa tapos ligtas na ang mga demons at naghahari na kami sa mundo....but look at you WOW alive and kicking, yeah I understand napatay ang Mama mo ng Demon na katulad namin pero wag mo naman kaming lahatin dahil may mga Demons pa rin na mabait at isa na dun si Sehun, lahat ginawa niya para mailigtas ka lang. I am not explaining this para linisin ang pangalan ko sayo, sinasabi ko 'to dahil gusto ko lang ipasok dyan sa utak mo lahat ng ginawa ni Sehun para sayo!" tumahimik ang buong paligid may galit pa rin sa puso ni Luhan pero nung narinig niya yung mga sinabi ni Kai madami siyang narealize dahil tama ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.