"SEHUN TAMA NA SINASAKTAN MO YUN SARILI!" pinipilit saktan ni Sehun ang sariling kamao sa patuloy pag suntok niya sa puno. Sinisisi niya kung bakit nahimatay si Luhan at kung bakit halos hindi na humihinga si Luhan ngayon.
"WALA KA SA PAG IISIP NUNG GINAWA MO YUN! WAG MONG SISIHIN ANG SARILI MO!" kinuwelyuhan na ni Chanyeol si Sehun para tumigil ito.
"ALAM NI LUHAN YUN! ALAM NIYA NA WALA KA SA SARILI! AT ALAM NAMIN LAHAT NA HINDI MO MAGAGAWA YUN!" tinulak ni Chanyeol si Sehun nung kumalma na ito.
"nagawa natin yun dahil may kumontrol sa atin, walang may gusto ng nangyari...buti nalang nandyan si Baekhyun para gisingin ako." hinaplos ni Chanyeol ang kagat at marka ni Baekhyun sa kanya. "diba may kagat ka din ni Luhan?"
tumango si Sehun habang hinahaplos ang leeg niya.
"kaya siguro kaya nila tayong pabalikin sa dati...because we already summoned and connected with them.""si Luhan ginising niya ako..basta naririnig ko lang na tinatawag niya ang pangalan ko kaya pinilit kong magising kasi humihingi siya ng tulong sa akin.."
"see? alam niya! alam niya na hindi ikaw ang gumagawa sa kanya nun, hindi ka niya tatawagin kung alam niyang sinasadya mo yun" umangat ang ulo ni Sehun nung na realize niyang tama ang sinasabi ni Chanyeol. "kaya tara na bumalik na tayo sa kanila..stop punching stuff" biro ni Chanyeol bago maglakad papunta kay Baekhyun na inaasikaso ang nahimatay na Luhan.
Pagdating nila Chanyeol at Sehun nakita nilang nakaupo na si Luhan at Baekhyun sa isang natumbang puno. Nagtama ang mga mata ni Sehun at Luhan.
"mag usap na muna kayo." tumayo si Baekhyun lumapit siya kay Chanyeol. "hayaan na muna natin sila.." hinila niya si Chanyeol para kumuha ng mga pwede nilang makain o kahoy para sa bonfire. They decided na magpalipas ng gabi sa gubat dahil wala pa silang plano kung saan sila pwedeng magtago.
Umupo si Sehun sa tabi ni Luhan.
"ayos ka lang ba?" inunahan na niya ng tanong si Luhan, nagulat si Sehun nung hawakan nito ang kamay niya hinaplos nito ang mapula nitong kamao."I'm sorry Luhan.." sabi ni Sehun habang nakatingin sa mukha ni Luhan, napansin niya na namumutla na ito at parang pagod na pagod na.
"you don't have to...kilala kita Sehun...hindi mo ako masasaktan ng ganun nalang..." hinaplos ni Luhan ang pisngi ni Sehun "I love you" parang may mga paru paro sa tyan ni Sehun dahil sa tindi ng kilig na binibigay ni Luhan.
"I love you too Luhan" kinikilig din si Luhan kaya hindi nito maiwasang ngumiti. Nilagay ni Sehun ang kamay ni Luhan sa balikat niya para makalapit siya at halikan ang labi ng kasintahan.
Kahit sa dami ng pinagdaanan nila ni Luhan wala pa ring nag papahiwalay sa kanila, alam nila mananatili sila dahil sa pagmamahal nila sa isat isa.
Pagkatapos ng halikan nila niyakap ni Sehun ang kasintahan ng sobrang higpit.
"WHAT A LOVELY SHOW!!" tumayo si Luhan at Sehun tumingin sila sa taas nagdilim na ang buong paligid, humangin ng malakas sa pagdating ni Lay kasama ang ang ilang mga Demons at Devamp.
Nilagay ni Sehun sa likod niya si Luhan, puno ng kaba ang dibdib niya dahil hindi niya alam kung kaya niyang labanan ang kapatid niya.
"HYUNG ITIGIL MO NA 'TO HINDI KA BA NAGSASAWA!?!" buong tapang na sigaw ni Sehun, bumaba si Lay para makaharap ang kapatid niya at ang tagapagligtas.
"hindi, not unless makuha ko siya!" tinuro niya si Luhan na nasa likod ni Sehun. "nice too meet you." mapang asar nitong bati, na akala mo'y close sila ni Luhan.
"Hyung, hindi mo ba naiisip na ito na talaga ang huli para sa atin? wala na tayong pag asa pa! huli na ang lahat para sa ating mga demons."
"Sehun, let me explain it to you everything.." lumapit si Lay ng lumapit kay Sehun hanggang makapitan nito ang braso niya, hindi mapigilang ngumiti ni Lay dahil abot kamay na niya si Luhan at konting araw nalang maghahari na muli sila sa buong mundo.
"God Universe created this prophecy for us to vanish then why he gave us Luhan to break it? It means God Universe gave us a chance to live and take over this world!""baliw ka na talaga! wala kang puso! first you killed my Mom tapos yung mga Humans at Vampires pinahihirapan mo at yung mga ibang nilalang na pinatay mo tapos ngayon gusto mo pang maghari...sa tingin mo papayag ako? HINDI!" sigaw ni Luhan na kinagulat ni Sehun at Lay.
Ngumisi si Lay hahawakan sana niya si Luhan pero agad na tinabig ni Sehun ang kamay nito.
"okay let's just do it in a good way, anong gusto mo little brother golds? power? I can give you everything just give Luhan to me"Natawa nalang si Sehun sa pagiging desperado ng kanyang kapatid.
"nakakatawa ka, sa tingin mo masisilaw mo ako sa mga bagay na yan...Hyung sa ating dalawa ikaw lang ang bulag na bulag sa kapangyarihan..""I really hate your fvcking heart, brother...kung alam ko lang na magiging ganito ka tigas, dapat pala nung mga bata pa tayo pinatay na kita." hinubad niya ang suot niyang itim na coat that reveals his black sleeves.
"since ayaw mo sa pakiusapan let's do it in a hard way!" tinaas ni Lay ang manggas niya na para bang naghahamon ng duelo kay Sehun. "matagal na panahon na din na hindi ako lumalaban."
Hindi pa nakakalaban ni Sehun ang kapatid kaya hindi niya alam ang mga kakayahan nito sa paglaban, ang tanging alam lang niya ay mas malakas ang kapatid niya sa kanya.
"kapag na talo kita, akin na si Luhan okay?" agad na lumipad si Lay pataas at hinihintay si Sehun.
"Luhan, kapag sinabi kong tumakbo ka tumakbo ka na..at please wag mo kaming panoorin" hinalikan muna ni Sehun si Luhan sa labi bago ito lumipad pataas, hindi man lang nakapag paalam si Luhan dahil sa mabilis na pag alis ni Sehun. Pinatatag niya ang sarili dahil kailangan niyang mabuhay.
'Please don't die' sabi ni Luhan sa isip niya habang pinagmamasdan lumipad pataas si Sehun.
'I won't' narinig ni Luhan ang iniisip ni Sehun. Pinanghawakan niya ang sinabi ni Sehun at nanalangin na wag siyang mamatay...kahit alam niya na mamamatay din si Sehun pagdating ng panahon pero hindi niya gusto na sa laban mamatay si Sehun.
*****
Selucent's 2018 notes:
short update lang muna today mamaya ulit! update ko yung isa! Thanks for voting and adding this to your RL's! Hope you like it!
Kita tayo sa susunod na kabanata!
Don't forget to vote and send some feedback! Thank you!Love, selucent.
BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.