Kabanata XXXIV

52 5 0
                                    

D-8 before the 30th Sunrise

"Ate hindi ba natin sila tutulungan?" tanong ni Yeri kay Seulgi habang pinagmamasdan nila ang mga kasamahan nila na gumagawa ulit ng bago nilang tirahan.

"Yeri, look around you..look what happen to our home simula nung dumating sila puro gulo nalang ang  dala ng mga Vampires at Demons." sabi ni Seulgi, dahil wala na si Irene siya na ang mamumuno sa kanilang magkakapatid dahil siya ang sunod na pinaka matanda. "at dahil sa kanila nawala si Irene sa atin.."

"pero ate tinulungan nila tayo..."

"Yeri naririnig mo ba ang sinabi ko, they killed our sister and most of our people...hindi ko kakayanin na pati kayo mawala."

"Pero Ate hindi naman pwedeng buong buhay nalang tayong magtago sa ilalim ng ilusyon na ginagawa natin...this is not permanent—"

"Yeri, umalis ka na hindi na ako makikinig sayo at sinasabi ko sayo wag na wag kang gagawa ng ikapapahamak mo...don't do anything stupid!" banta ni Seulgi sa kapatid, umalis na si Yeri na may lungkot dahil wala siyang nakuhang tulong sa kapatid niya.
Gusto niyang tulungan si Luhan dahil nakita niya sa panaginip niya na nakuha na siya ng mga Demons, at ang tanging makakatulong lang sa kanila ay si Seulgi dahil may kapangyarihan ito ng katulad kay Irene.

Tumingin sa paligid si Yeri at nakita niya na pilit binubuo ng mga sorceress and dating mukha ng Enchantress Forest. Nakita niya ang mga modernong Kastilyo nila na buo na at sa paligid ay mga bahay ng mga ordinaryong sorceress na sila din ang gumawa. Nabuo na din ang mas matataas na pader na bato na nakapaligid sa kanila at ang transparent na shield na pumuprotekta sa kanila. Para kay Yeri para silang nakakulong.

'tulong kahit sino please tulungan niyo ako!' napalingon sa paligid si Yeri sa paligid niya ng may marinig siyang boses.

Tumayo si Yeri at tumingin sa taas.
"sino ka?"

'ako si Luhan..pero kung sino ka man please tulungan mo ako'

"Luhan! Luhan! ako to si Yeri, hindi ko alam kung bakit kita naririnig pero masaya akong okay ka.."

'Yeri! I need your help nahuli na ako ng mga Demons, nandito ako sa lugar ng mga Devamps'

"Luhan, hindi ko alam kung paano kita tutulungan" naghintay si Yeri pero wala na siyang nakuhang sagot kay Luhan.

"Luhan?"

"Yeri!" lumingon si Yeri nakita niya si Wendy at lumapit siya sa kanya. "sinong kausap mo dyan?"


"Ate si Luhan! Kailangan niya ng tulong!"


"Yeri, tumigil ka na sa pakikialam sa away ng mga Demons at Vampires"


"pati ba naman ikaw?! Bakit ba kayo ganyan? Queen Irene dedicate and sacrificed her own life to protect Luhan tapos ngayon parang binabalewala niyo nalang ang pagkamatay wala niya?"

"Pinili niya yun Yeri at wala na tayong magagawa dun! Tinulungan na natin sila once at kaya okay na yun." hinila ni Wendy ang kamay ni Yeri papasok sa kastilyo.

"Ate!" tumigil si Yeri at tinulak ang ate niya "hangga't kaya kong tumulong sa kanila gagawin ko, cause I know If Irene was here she will also do the same"

"Yeri don't be such a stubborn!" sigaw ni Joy narinig niya ang pagtatalo ng dalawa kaya sumali na siya sa usapan.

Pero hindi nila napigilan si Yeri, umalis pa rin ito.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon