Kabanata XXI

73 6 0
                                    

"nasaan ba tayo?" tanong ni Kyungsoo habang nakaupo at nakayakap sa sarili. Kapwa silang nakasuot lang ng boxers ni Kai habang nakaupo sa tapat ng apoy at hinihintay na matuyo ang mga damit nila.

"hindi ko alam, pag nagkalakas na ako lilipad ako sa taas para makita kung nasaan tayo." tumabi siya kay Kyungsoo at niyakap niyo ito.

"anong ginagawa mo?"

"niyayakap ka" hinayaan nalang ito ni Kyungsoo dahil gusto niya ang init na galing kay Kai.

****

D-16 before the 30th sunrise

"nasaan na kaya sila kyungsoo at kai?" sabi ni Baekhyun habang nilalagyan ng gamot ang sugat ni Chanyeol sa likod nito.

"for sure okay lang sila wag ka ng magalala dyan tsaka pwede wag mo ng lagyan ng ointment ang sugat ko hindi ko naman kailangan niyan gagaling din yan" sabi ni Chanyeol habang nakatingin sa labas ng kwarto.

"pwede ba wag ka ng umangal, gusto mo bang dagdagan 'tong mga sugat mo?" sabi ni Baekhyun habang maingat na nilalagyan ng ointment gamit ang hintuturo niya.

"okay di na ako magsasalita" tumawa si chanyeol, masaya siya dahil kahit papaano nagiba ang tingin sa kanya ni Baekhyun.

Lumipat ng upuan si Baekhyun para umupo sa harap ni Chanyeol tumapat siya sa mukha nito para tignan yung mga sugat niya sa mukha.
"alam mo 'tong sugat mo dito parang hindi galing sa kalmot ng Demon" ngumiti si Chanyeol dahil naalala niya yung pagsuntok sa kanya ni Kai.

"galing sa Demon yan" nilagyan ni Baekhyun yung daliri niya ng ointment tapos pinahid niya sa sugat nito sa cheekbones. "galing sa suntok ni Kai" napatigil si Baekhyun sa mga mata nito at sabay kumunot ang noo.

"Kai? bakit? nag away kayo?"

"sinabi ko kasi sa kanya na patayin na niya ako, hindi ko kasi kayang humingi ng tawad sayo natatakot ako"

"takot ka sa akin?" tumawa ng konti si Baekhyun bago lagyan ulit ng ointment yung sugat sa kilay ni Chanyeol "a demon who is afraid of vampire, unbelievable" ngumisi siya at nagfocus sa sugat ni Chanyeol.

Nakatitig naman si Chanyeol sa mga mata nito kahit hindi ito nakatingin sa kanya.

"sayo lang ako takot, takot akong makita na galit ka sa akin"

"duwag ka pala eh, hahaha pero alam mo nakita ko naman nagbago ka na talaga...so I think its really time to forgive you"

Hinawakan ni Chanyeol ang kamay nito.

"talaga?!" masayang tanong ni Chanyeol.

"oo bakit ayaw mo ba?" nagulat si Baekhyun nung may nakita siyang luhang tumulo sa mga mata ni Chanyeol.

"thank you Baekhyun." sabi ni Chanyeol habang patuloy pa rin sa pagtulo ng mga luha nito habang nakatingin sa kamay ni Baekhyun.

At some point na wirduhan si Baekhyun kay Chanyeol pero para sa kanya this is the very first time na makakita siya ng Demon na umiiyak.

"thank you for making me feel like a Human, this is the very first time na may nagpatawad sa akin ng ganito, thank you Baekhyun" tumingala si Chanyeol para pigilan ang pag iyak tapos pinunasan niya ito at tumingin sa kanya sabay ngumiti. "ready na akong mamamatay anytime"

"gago, tama na yan!" niyakap ni Baekhyun si Chanyeol na siyang kinagulat nito, ginawa ni Baekhyun to dahil ayaw niyang makita ni Chanyeol na umiiyak siya dahil sa pagdumating ng panahon mawawala sa kanya si Chanyeol at yung baby sa loob ng tyan niya.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon