Kabanata XV

69 9 0
                                    

D-20 before the 30th sunrise

Sa bahay ni Sehun

Napansin ni Kyungsoo na umalis si Luhan at Sehun habang nakasakay sa bike, pipigilan sana niya ang dalawa pero nakita niya yung ngiti ni Luhan na halos maramdaman niya na masaya ang kaibigan at wala siyang balak sirain yun. Naisip niya deserve ni Luhan na maging masaya after all na nangyari sa kanya at sa Mama niya.

"o saan daw sila pupunta?" napalingon si Kyungsoo kay Kai na nagkakape habang nakasandal sa frame ng pinto.

"di ko alam.."

"di mo sila susundan?" naglakad palapit si Kai sa coffee table na nakaset up sa tabi nilapag niya yung tasa niya na may mabangong kape tapos umupo siya habang naka crossed legs. Umupo din si Kyungsoo sa tapat na upuan ni Kai at nagcross legs din siya.

"hindi na, may tiwala ako kay Sehun alam kong mababantayan niya si Luhan.." sabi ni Kyungsoo habang pinagmamasdan ang ashtray na nasa gitna ng coffee table sa pagitan nila.

"ooooh, trust hmmm, ang hirap ko talagang makuha yan..sayo" tumingin si Kyungsoo kay Kai may hindi pa sinding sigarilyo na nakaipit sa bibig nito.

"don't you worry you gain already my trust.." kinuha ni Kyungsoo yung sigarilyo sa bibig ni Kai tapos nilagay sa ashtray. "may buntis sa bahay bawal na 'to."

Nagulat si Kai sa sinabi ni Kyungsoo..hindi siya makapniwala na nagtitiwala na si Kyungsoo sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na may nagtiwala sa kanya kaya sobrang saya niya kahit pinigilan siyang magsigarilyo nito.

"alam mo sa sobrang saya ko gusto na kitang halikan" pangiinis ni Kai, pero totoo ito gusto niya halikan si Kyungsoo dahil masaya siya at gusto niyang madama din ni Kyungsoo yun.

"subukan mo lang! baka hindi ka na umabot sa 30th sunrise baka ngayon pa lang mawawala ka na.." banta ni Kyungsoo tumawa silang dalawa sa biro nito.

"brutal, pero walang halong biro gusto kita Kyungsoo" sabi ni Kai habang nakatingin diretso sa mga bilog na mata ni Kyungsoo "..sayang nga lagi akong nakatingin sa iba kapag nagkikita tayo, siguro kung nakilala kita ng lubusan nung simula pa lang baka sobrang sweet na natin ngayon, may magandang bahay at may dalawang anak na tayo..at buntis ka sa pangatlo natin." Nanghinayang si Kai sa mga panahon kilala niya si Kyungsoo pero hindi niya ito binibigyan ng pansin, naiinis siya dahil nakilala niya si Kyungsoo kung kelan mawawala na siya.

"sounds like a fun life plan, so dreamy.." kumento ni Kyungsoo, natatawa siya habang iniimagine kung naging sila ni Kai maganda siguro ang buhay nila. Nanghihinayang siya na hindi magagawa ni Kai yung mga bagay na sinabi niya sa maiksing panahong natitira nila sa mundo.
"pero gusto mong subukan natin? I mean not with the kids thing pero yung pagiging sweet..yun ba ang gusto mo? I can do it for you kahit hanggang sa huling pagkakataon.." suggestion ni Kyungsoo, alam niyang mahirap mag kunwaring sweet kay Kai dahil sa pagiging brusko ng ugali nito pero kung ito yung bagay na gusto niyang mangyari bago siya mawala gagawin niya.
"consider it as our payment sa mga bagay na ginagawa mo para kay Luhan..."

Napatigil si Kai habang iniisip yung alok ni Kyungsoo, gusto niya yung offer pero ang pinaka ayaw talaga niya yung kinaawaan siya pero sa ganitong sitwasyon wala na siyang panahon para itaas ang pride niya.
"wala akong karapatang tumanggi kung ikaw ang nagaalok ng ganitong klaseng deal Kyungsoo"

"just one thing...no sex, okay?" natawa si Kai habang nanghihinayang pero sex? wala na yun sa kanya, ang gusto lang niya ay makasama si Kyungsoo hanggang sa huling hininga niya.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon