Kabanata XXXVIII

83 6 0
                                    

《 A/N: Don't forget to VOTE! FOLLOW ME ON TWITTER: selucent 》

D-4 before the 30th sunrise

Buong araw nasa biyahe ang mga Demon Headhunters kasama ang mga Demons na sina Sehun, Kai, Chen, Chanyeol, Yoona at ang nag iisang Vampire na si Kyungsoo naiwan si Minseok at Baekhyun naiwan para sa mga tinutulungan nilang Humans at Vampires na sugatan. Nasa iisang van sila at dahil si Yoona ang nakakaalam kung saan sila pupunta ang van nila ang sinusundan ng sampung van pa na naglalaman ng siyam na mga Demon Headhunters sila ang mga magagaling na Demon Headhunters ni Chen kaya sila ang mga napili niya.

Marami silang nadaanang mga bundok at maliliit na ilog papunta, nakarating na sila sa isang tuktok ng bangin at mula doon makikita ang napakalawak na dagat.
"seryoso ka ba na dito yun?" tanong ni Sehun habang nakatingin sa malawak na dagat na halos walang katapusan ito.

"oo dito, mag bantay lang kayong lahat dito wait until this whole ocean transform into devamp underworld"

"it means that ocean is the Devamp Underworld?" tanong ni Chanyeol habang namamangha pa rin sa kakaibang illusion na ginamit ng mga devamp para hindi mahanap ang lugar nila.

"yup" kinuha ni Yoona ang samurai niya na binigay sa kanya ni Chen "ready Sehun?" tanong ni Yoona, tumango lang si Sehun.

Sinipa ni Yoona si Sehun kaya napahiga ito at sinaksak niya si Sehun sa balikat.

"AAAAAH!" sigaw ni Sehun tapos hinila siya ni Yoona patayo at sabay silang tumalon sa cliff, akala ni Sehun babagsak sila sa tubig pero nung malapit na sila sa tubig lumusot sila sa isang portal na itim. Bago sila bumagsak sa lupa ng underworld nilabas ni Yoona ang pakpak niya kaya hindi sila bumagsak. Marahas ang bagsak ni Yoona kay Sehun para hindi maghinala ang mga Devamp na nag babantay sa isang malaking gate papasok sa kastilyo ni Kris.

Tinayo ni Yoona si Sehun gamit ang damit nito sa likod at kinaladkad siya palapit sa gate.
"Yoona! Welcome Back!" nakangising sabi ng isang devamp na nakakakilala kay Yoona. "matagal kang nawala ah, tapos may bitbit ka pang....demon?"

"I always watched around you guys but he is not just a Demon, as you see kapatid siya ni Master Lay... nahuli ko siyang umaaligid sa atin kaya dinala ko na siya dito" tinulak ni Yoona sa dalawang Devamp ang duguan na si Sehun "dalhin niyo na yan ikadena niyo para hindi makatakas"

"ang galing mo talaga Yoona balita ko sa loob, muntik na niyang matalo si Master Lay pero ikaw naisahan mo siya.." sabi ng devamp na sumalubong sa kanila.

"Really?" pagyayabang kunwari ni Yoona, tinignan niya si Sehun habang kinakaladkad ng dalawang Devamp papasok sa kastilyo sumunod naman si Yoona. Tumingin sa paligid si Yoona at Sehun nakita nila ang mga Devamp na nakapaligid sa kastilyo, pagbukas ng malaking bakal na pinto ng kastilyo bumungad agad ang trono ni Kris at Lay pati na rin ang kulungan kung nasaan si Luhan.

Sumikip ang paghinga ni Sehun habang papalapit siya kay Luhan, nakatalikod ito habang nakasabit pa rin ang mga kamay sa loob ng kulungan.

Hindi na napagilan ni Sehun tinulak niya at siniko ang dalawang devamp kaya napatumba ang mga ito, tapos tumakbo si Sehun paakyat sa kulungan ni Luhan. Kaso bago pa man siya makalapit sa mismong pintuan ng kulungan ni Luhan nahila agad siya ng dalawang devamp na may dala sa kanya.

"BITAWAN NIYO AKO!" sigaw ni Sehun habang kumakawala sa mahihigpit na kapit ng mga Devamp. Tumingin siya kay Luhan wala itong malay at nakabitin ang ulo nito kaya hindi niya makita kung buhay pa ito o hindi na. "LUHAN! LUHAN! GUMISING KA!"

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon