Kabanata XXIII

65 4 0
                                    

D-14 before the 30th sunrise

Sobrang bigat ng pakiramdam ni Sehun habang binabagtas ang daan papunta kay Kai, alam niya na hindi gusto ni Luhan ang ginawa niyang pag alis pero wala siya choice dahil baka nasa panganib si Kai.

Mahigit isang araw na siyang lumilipad at tinatalasan ang pakiramdam niya para mahanap niya si Kai, isang figure ang nakita ni Sehun mula sa taas at nakasisiguro siyang si Kai yun. Naglalakad ito sa gitna ng highway na nag dudugtong papunta sa headquarters ng mga d
Demons, agad na humarang si Sehun sa dinadaanan ni Kai at binalik ang pakpak niya.

"Kai!" tawag ni Sehun nabalik naman sa realidad si Kai na naglalakad ng wala sa isip.

"sehun? paano mo ako nahanap?" gulat na tanong ni Kai, hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ang kaibigan.

"nag alala kami sayo, kasi mag isang umuwi si Kyungsoo!" tumaas ang boses ni Sehun dahil sa pag aalala.

"hindi siya mag isa umuwi...inuwi ko siya" tumungo si Kai dahil ayaw niyang makitang nalulungkot ng kaibigan.

"huh?ano ba talagang nangyari sa inyo?" gulong gulo na tanong ni Sehun.

Nag umpisang mag kwento si Kai, yung pag punta nila sa HQ ng vampires, yung devamp na nakalaban nila at paghulog nila sa falls hanggang sa..

"sabi niya sa akin mahal na niya ako" nagtaka si Sehun dahil sa kawalang koneksyon ng sinasabi niya sa gusto niyang malaman. "ayokong makita siyang nahihirapan at nasasaktan kapag nawala ako, kaya ako nalang yung umalis hanggat maaga pa."

Naiintindihan ni Sehun si Kai dahil ayaw niya din niyang masaktan si Luhan pagdating ng araw ng pag alis niya sa mundo.

"anong plano mo?" tanong ni Sehun.

"to kill and be killed" nagulat si Sehun dahil sa galit na bakas sa mukha ni Kai "sukang suka na ako sa mga Demons na yan, they don't deserve to live in this place!"

Napapagod na si Kai na magtago gusto na niyang maging malaya ang mga kaibigan niya lalo na si Kyungsoo, gusto na niyang makawala sa takot.

"alam kong galit ka, pero Kai mahirap 'tong gagawin mo..lulusob ka ng ikaw lang? sa tingin mo matutuwa si Kyungsoo sa gagawin mo..panigurado ako hinahanap ka na niya"

"PWEDE WAG MO NG BANGGITIN YUNG PANGALAN NIYA HINDI KA NAKAKATULONG!" sigaw ni Kai, napahakbang patalikod si Sehun. "hindi na ako babalik nandito na ako, ako na ang tatapos sa gulong 'to!" naglakad si Kai papunta sa HQ ng mga Demons para sumugod pero humarang ulit si Sehun.

"Kai wag na..hindi mo sila kakayanin! Ikaw na ang may sabi kakampi na nila ang mga Devamp, kaya lalong wala tayong laban sa kanila!"

"tayo? huh! ako lang ang susugod sa kanila! Ikaw! bumalik ka na sa kanila mas kailangan ka nila!" tinap niya yung balikat ni Sehun bago lagpasan at magumpisa muling maglakad.

"kailangan ka din namin.." humarap si Sehun kay Kai "mas kailangan ka ni Kyungsoo ngayon."

Tumawa ng konti si Kai tapos ngumisi.

"Sehun naubos na lahat ng kapangyarihan ko, wala na akong pakpak." ito rin ang dahilan ni Kai kaya iniwan na niya si Kyungsoo dahil mahina na siya at hindi na niya kayang protektahan ito.

"paano nangyari yun?"

"hindi ko alam, basta nawala na lang sila." naglakad ulit paalis si Kai, kaya agad naman na hinawakan ni Sehun ang balikat nito.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon