Espesyal na Kabanata

170 8 8
                                    

《 Author's Note: grabe dumugo ilong ko sa 'Espesyal na Kabanata' HAHAHA si @JKeLsyMCAs kasi nag request ng SC or Special Chapter HAHA now I know. Kasi wala akong SC, meron lang akong EK...Enchanted Kingdom JOKE HAHA! 'Espesyal na Kabanata' lang meron ako. Hahaha. Anyways, this is it na wish granted nanaman kayo! Spoiled talaga kayo sa akin ah. Love ko kasi kayo! Enjoy it guys! 》

A month later

Lu & Oh Residence

"Daddy, wake up!" binaon lalo ni Sehun ang ulo niya sa unan habang nakadapa si Sehunnie sa likod ni Sehun binubulungan niya ito ng 'Daddy, wake up' .Nakikiliti naman si Sehun kaya napapangiti siya at unti unti ng nagigising.

"Daddy, wake up Aeri is waiting for me! Dadddyyyyy!" napatakip si Sehun sa tenga niya dahil sa malakas na sigaw ni Sehunnie. At dahil hindi pa rin bumabangon si Sehun, si Sehunnie na nakasuot pa ng pajamas niya ay tumalon talon na sa kama na siyang nag pabangon kay Sehun.

"Yeahey gising na si Daddy!" sigaw ni Sehunnie habang tumatalon pa rin ito.

"this is not your Daddy, you wake up a monster rawr!" agad na sumigaw si Sehunnie at akmang tatalon na siya sa kama kaso nasambot siya agad ni Sehun at binuhat. Agad naman niyang binirong kinakagat ang tyan nito kaya tawa ng tawa si Sehunnie. Binaliktad ni Sehun ang buhat kay Sehunnie, kaya mas lalong natuwa ang bata. Naglakad palabas sa kwarto si Sehun hanggang sa nakita niya si Luhan na naghahanda ng almusal, napatingin sa mag ama niya.

"SEHUN AYUSIN MO NAMAN ANG BUHAT KAY SEHUNNIE!" agad naman na inayos ni Sehun ang pagbuhat kay Sehunnie. "kapag nahulog yan, humanda ka sa akin!" sabi ni Luhan habang inaayos yung breakfast nila.

Pero imbes na natakot tumawa lang ang mag ama.
"si Daddy MONSTER hihihihi~" bulong ni Sehunnie sa tenga ni Sehun.

"sssshhh~ Ikiss nalang natin ang Daddy monster para hindi na maging monster.." bulong ni Sehun habang papalapit kay Luhan. Gamit ang isang kamay pinulupot niya ang kamay sa bewang ni Luhan at agad na hinalikan sa labi. Tapos si Sehunnie naman sa pisngi ni Luhan humalik, masayang masaya si Luhan na ganito ang umaga niya araw araw simula nung dumating si Sehun.

"good morning Daddy monster~" nakangiting sabi ni Sehun, tumawa naman si Sehunnie.

"aba at tumatawa ka pa ha?" biro ni Luhan kay Sehunnie sabay hinalikan nito sa pisngi. Pero mas lalo lang tumawa si Sehunnie.

Binaba na ni Sehun si Sehunnie sa upuan na nasa gitna nila. Tapos umupo naman si Sehun at Luhan sa magkabilang side ni Sehunnie.

"Daddy are you excited for the amusement park?" masayang sabi ni Sehunnie

"Amusement Park? why? what are we doing to amusement park?" biro ni Sehun para mainis si Sehunnie.

"Daddyyyy, sasama tayo sa amusement park kasi...kasi birthday ni Aeri!"

"we are not coming with them~" nilagyan ni Luhan ng pagkain ang plato ni Sehunnie tapos tumingin siya ng masama kay Sehun dahil iniinis nanaman niya si Sehunnie, kaya sinipa niya ang paa nito mula sa ilalim ng mesa.

"but Daddy Luhan said we will come with them!" naiiyak na sabi ni Sehunnie.

"Sorry son, hindi tayo sasama sa kanila." sabi pa ni Sehun at dahil dun nagpout na si Sehunnie senyales na iiyak na ito.

"Sehun!" saway ni Luhan kay Sehun, pero tumawa lang ito.

"Joke lang baby~ come here!" tumayo si Sehun at binuhat si Sehunnie tapos pinaupo niya sa lap nito. "syempre kasama si Baby sa amusement park~ diba Daddy Luhan." pero masama pa rin ang loob ni Sehunnie kaya sinuntok niya ng maliit niyang kamao ang tyan ni Sehun. Tapos bumaba siya sa lap ni Sehun para pumunta kay Luhan.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon